YURI'S POV
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Tanong ko kay Jungkook na katabi ko ngayon. Nasa loob kami ng sasakyan.
Nasa school kasi ako di ko alam kung bakit bigla niya ako hinatak. Then here di ko alam kung saan kami pupunta.
Seriously pang ilang tanong ko na yan pero isang ngiti lang ang sagot niya sa akin.
Napansin kong papunta kami sa sementeryo.
"J-jungkook a-anong gagawin natin dito?"
Papatayin niya na ba ako? Ililibing ng buhay? Iiwan sa mga multo dito?
Ayoko pa mamatay!!!
Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko dahilan ng pag bawas ng panic ko.
"Relax. Ipapakilala lang kita sa lola ko."
Medyo nakaramdam ako ng relief.
"Bakit dito nakatira ang lola mo?"
Napatawa siya.
"Patay na siya."
I felt sorry.
"Sorry di ko---"
"It's alright, okay?"
Tumango nalang ako. Bumaba na kami sa sasakyan at pumunta sa puntod ng lola niya.
Yoora Lee Jeon
June 17, 1940 - September 21, 20104 years na pala ang nakakalipas ng mamatay ang lola niya. Nakakalungkot naman. Pero bakit dito sa korea inilibing lola niya?
"We live here before. Pumunta lang kami sa pinas ng iarrange nila tayong dalawa dati."
Tinignan ko siya. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.
Tumingin nalang ulit ako sa puntod. Di ko kayang tumingin sa kanya.
"She died because of cancer. Lung cancer. She never told us about her condition. She don't want us to worry about her. Nalaman nalang namin ng sabihin sa amin ng kapatid ni lola about sa condition niya. Kung sinabi niya sana edi buhay pa siya ngayon."
I hugged him. I don't know why but I think he needs comfort.
Naramdaman ko yinakap niya din ako at naramdaman ko na may basa sa tshirt ko.
Umiiyak ang baby ko~ Hahahaha!
Huniwalay ako sa pagkakayakap at tumingin kung nasaan ang puntod.
"Hi lola. Ako nga po pala si Yuri future wife ng apo niyo. Alam niyo po ba ang bad niyan ni Jungkook kasi sinaktan niya ako noon. Not physically but emotionally. Pero kahit sinaktan niya ako noon pinatawad ko padin siya kasi mahal ko siya. Multuhin mo po siya kapag sinaktan niya pa ako ha?"
Narinig kong napatawa si Jungkook sa tabi ko.
"Don't worry lola di ko na po sasaktan ang mahal ko."
At inakbayan niya ako. Sheez! Kinilig ako doon ah?
"Di na kita sasaktan mahal ko."
Tumingin siya sa akin. Sa mata ko. Feeling ko magugunaw ako sa mga titig niya.
Ngumiti lang ako sa kanya.
After nun umalis na kami sa sementeryo.
*beep*
May nag text! Hahaha!
From: Kuya Pangit
Asaan na ba kayo ni Jungkook? Umuwi ka na, ngayon na ang engagement party niyo diba?
BINABASA MO ANG
Marrying Him
FanfictionWhat if your parents decided to have an arranged marriage between you and their friend's son? Would you agree? At a young age, you wouldn't know what are the consequences. You might easily fall in love with the boy and you wouldn't know he might hur...