YURI'S POV
Kakauwi ko lang galing kila Woohyun. Ako lang kasi nandoon pa sila. Letche kasi si Jungkook. Masyado na ata akong namula kanina dahil sa mga sinabi niya sa akin.
Flashback
"Why are you wearing that? Talaga bang inaakit mo ako sa suot mong yan? Pwes magdiwang ka na kasi sobra akong nagpipigil ngayon."
Shet what happened to him? Ang lapit niya talaga sa akin. Mukha kaming naghahalikan pero ang totoo niyan nasa tenga ko ang bibig niya.
"A-ano nanaman ba ginawa ko sayo?"
Nanginginig na ako sa sobrang kaba. Di ko alam kung bakit.
"Sa susunod kung magsusuot ka ng ganyan siguraduhin mong wala ako."
At bakit naman?
Pagkatapos niya sabihin yun umalis na siya at umahon.
Feeling ko malulunod na ako dahil sa nanghihina yung mga binti ko.
Nawalan na rin ako ng gana mag swimming kaya umakyat muna ako sa guest room.
Tinanong pa nga nila ako kung bakit ayaw ko na. Sinabi ko nalang sa kanila masakit yung tiyan ko. Naniwala naman sila.
Tumagal din ako sa loob ng kwarto. Di ko kasi talagang kaya bumaba. Si Jungkook kasi eh!
Humiga muna ako sa kama at iidlip muna ako. Maaga pa naman eh.
Di pa ako nakatulog ng may kumatok. Psh. Bahala siya diyan kung sino man siya.
Nanatili lang akong nakahiga at nakapikit.
Narinig kong nagbukas ang pinto. At umupo siya si kama. Nakapikit parin ako.
"Bakit ba kasi ang ganda mo? Bakit ba sa dinami dami na makakafiance mo yung ugok pa na yun? Di ba pwede ako nalang ulit?"
T-teka si Jungkook yun ah! Pero bakit di ko magawang dumilat?
"Hay. Bakit ko ba kinakausap ang tulog?"
Napatawa ako sa isipan ko. Bakit niya nga ba ako kinakausap?
"Total naman at tulog ka may sasabihin ako sayo."
Saglit siya tumigil at bumuntong hininga.
"May ipagtatapat ako sayo. Simula ng malaman kong aalis ka nakaramdam ako ng lungkot. Gustong gusto kita pigilan. At ginawa ko nga iyon nung paalis ka na. Kaso di ka pumayag. Kaya umalis ako noon agad at pumunta sa bar para magpakalasing. Di ko nga din alam kung bakit ko gustong magpakalasing nun. Simula noon lagi na akong nasa bar at pilit kong iniisip kung bakit ako ganun. Nang suntukin ako ni Jin hyung doon ko nalaman ang sagot sa mga katanungan ko. Yuri, mahal kita."
M-mahal niya ako?
"Kaya nga sinundan kita dito dahil gusto kitang makita at gusto kong umamin sayo. Kaso napaamim ako sa tulog. Sorry for everything and always remember that I love you more that anyone else."
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Pinapaasa niya nanaman ba ako? Sinasaktan niya nanaman ba ako?
Napadilat ako ng wala sa oras at nakita ko ang gulat niyang mukha.
"K-kanina ka pa na g-gising?"
"Totoo ba?"
Di siya makasagot.
"Psh sabi ko na nga ba pinagloloko mo lang ako."
BINABASA MO ANG
Marrying Him
FanfictionWhat if your parents decided to have an arranged marriage between you and their friend's son? Would you agree? At a young age, you wouldn't know what are the consequences. You might easily fall in love with the boy and you wouldn't know he might hur...
