YURI'S POV
It's been 3 days since I said goodbye to him. Ewan ko nga kung bakit ko yun ginawa.
"Gaga ka ba? Bakit mo pinakawalan?"
Yan ang palaging sinasabi sa akin ni Jia. Oo na gaga na ako kasi yun na nga ang pagkakataon ko, pinakawalan ko pa.
"Are you even listening?"
Napatingin ako kay Rian.
"Sorry. Ano nga ulit yun?"
"Wala. Tara na nga sa classroom."
Nagkibit balikat nalang ako at sumunod nalang sa kanya.
Pero bago pa ako makalabas ng canteen nakita ko siya. Yung iniiwasan these past few days.
Nakita ko siyang nakaupo sa isang table kasama si Felice. Napailing ako. Sino ba kasing may sabi na magbabago kapag nag goodbye ako sa kanya? Maaalala niya ba ako? Lalayuan niya na ba si Felice katulad ng dati? Di naman diba?
Lalayuan mo na siya Yuri. That's the best thing you have to do. Ilang beses na ako nasaktan pero pinagbigyan ko parin siya. Kaya this time, I still don't know. Nasa stage palang ako ng Moving on.
"Uy kung saan saan pa ako naghanap sayo. Akala ko sumunod ka sa akin. May hinahanap ka ba dito?"
Umiling lang ako.
"Nahilo lang ako kaya umupo muna ako. Tara na."
Sa una, parang di pa siya naniniwala sa akin pero naglakad narin siya.
Kung nagtataka kayo kung nasaan sila Jia at Gianne. Well nasa boyfriends lang naman po nila. Si Rian lang ang kasama ko kasi may ginagawa si V.
"Ano pala nangyari nung Sunday? Bakit umiiyak ka paglabas mo?"
Naalala ko nanaman yung nangyari nung Sunday.
"Napapagod na kasi ako. Kahit ano naman kasi gawin ko ang pinipilit parin niya si Felice ang gusto niya. Eh ako nga di niya maalala tapos kayo naaalala niya? Umiiyak ako pag labas ko kasi ang sabi ko sa kanya di na ako mangugulo sa kanilang dalawa ni Felice. Iiwasan ko muna siya."
Tumingin siya sa akin na para bang di siya makapaniwala.
Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko. Napasinghap ako nang malaman kong si Woohyun ang humawak sa kamay ko.
"Ano nanaman ba mister Nam?"
Sabi ko sa kanya with disbelief.
"You're avoiding him?"
"Yes because I think it's the-----"
Napatigil ako sa pagsalita eh kasi naman tinapat niya mismo sa mukha ko yung kamay niya.
"Bakit mo siya iniiwasan? Di ba nga gagawa pa tayo ng plano para maaala ka niya? At tsaka bakit ka ba susuko agad eh kakasimula palang natin? Yung totoo? Nagiisip ka ba?"
Tumango tango naman si Rian.
Oh edi sila na! Pinagtutulungan po nila ako T_____T
"Oo nga pala. Di ba sabi mo mahal mo ako? Bakit ba pinupush mo ako sa kanya?"
Tanong ko kay Woohyun. Eh kasi diba nag confess siya sa akin?
"I'm in the stage of Moving on. So wag mo na ipaalam pa sa akin. Kasi mahihirapan ako."
Oh edi mahihirapan siya. Chos!
"Hay nako! Halika na nga!"
Sabi ni Rian at hinawakan ang wrist ko. Next thing I knew?
BINABASA MO ANG
Marrying Him
FanfictionWhat if your parents decided to have an arranged marriage between you and their friend's son? Would you agree? At a young age, you wouldn't know what are the consequences. You might easily fall in love with the boy and you wouldn't know he might hur...