Three

2.4K 63 2
                                    

Special Chapter # 3

JEERAN'S POV

Nag aayos na ako para magenroll sa JU. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit palagi kinukwento sa akin yung school na yun ng mga kaibigan ko. Since nacurious ako, nagsuggest ako kay Dad na doon ako ienroll this year. Pumayag naman siya. Kaya sana, hindi ako mabigo. Mahal ko parin ang past school ko no. Kaya dapat, mamangha ako sa JU. Dapat kasama ko si Dad today, pero nasa Korea siya. He has lots of branches of our products in Korea. Gusto niya doon mas sumikat ang product namin. That's where he came from.

"Alis na po ba tayo ma'm?" Tanong sa akin ng driver namin.

"Yes manong." Tumango naman siya, at pinagbuksan na ako ng pinto.

Habang nasa byahe kami, naglalaro lang ako sa phone ko nang may nagtext sa akin.

Are you sure, you are not having second thoughts about enrolling at JU? You don't want here in states instead?

She's megan. One of my friends and
half american siya. Nasa America siya ngayon to study. Since madami naman akong load ngayon, I decided to reply her.

Yes I'm very sure. At tsaka malayo yan. Just have fun there, okay? Me, Olivia, Vince, and Zara are just gonna wait for you to come back here, okay? We miss you already.

Olivia, Vince and Zara are my other friends. Sila yung kwento ng kwento sa akin about Sa JU. Ako lang kasi ang naiiba ang university.

"Ma'm nandito na po tayo." Napatingin kaagad ako sa labas. Ang laki naman pala ng JU. Mas malaki sa past school ko.

"Manong, don't wait for me later. Ako nalang uuwi magisa." Umiling naman si manong.

"Nako ma'm, hindi po pwede. Baka pagalitan ako ng dad mo kapag iniwan po kita dito." Napatawa naman ako kay manong. Masyado kasi siyang magalang sa akin samantalang mas matanda siya sa akin ng 25 years.

"Manong, may pupuntahan pa ako. Matatagalan pa ako dito sa loob, baka mainip ka." Umiling ulit si manong.

"Sige, ganito nalang manong, itetext ko nalang si dad na hindi ako nagpahatid sayo at nag insist ako na ako nalang magisa ang pumunta dito. Okay ba yon manong?" Napabuntong hininga nalang si manong.

"Sige na nga po ma'm. Basta tawagan niyo nalang po ako kapag magpapasundo ka." Ngumiti at tumango naman ako. Diretso pasok ako nung umalis na si manong.

"Wow." Tanging nasabi ko nang makapasok na nga ako sa loob ng JU. Kaya lang di ko pa alam ang pasikot-sikot dito. Magtatanong nalang ako sa mga ibang students dito.

May nakita akong babae at lalaking naguusap sa may bench malapit kung nasaan ako. Napatingin ako doon sa guy, since siya yung nakaharap sa akin. Shet, ang gwapo. Yung girl kasi, nakatalikod. I think sa kanila nalang ako magtatanong.

"Uhm, ate." I said. Napalingon naman sa akin yung girl.

"Bakit?" She asked. Ang ganda niya pala. Lalo na yung mata niya.

"First time ko po kasi dito. Mag eenroll po sana ako ng college, saan po ba dito?" Tanong ko ng nakangiti. Napatingin naman ako sa guy. Ang gwapo niya pala lalo kapag sa malapitan. Ang cute din niya kasi singkit mata niya.

"Samahan ka nalang namin, uhm." Mas napangiti ako. May kasama na din ako pag enroll. Sila Vince kasi busy kaya hindi ko maaya.

"Jeeran po." Pagpapakilala ko. I think I will be rude if I won't say my name.

Then nagpakilala na din sila Yuri. Jimin pala pangalan niya. Ang cute ng name. Medyo napatawa ako ng tinawag na small guy ni Yuri si Jimin. Ang hot niya pala maasar.

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon