GIANNE'S POV (Valentines Special)
Nasa mall ako ngayon. Hinihintay ang aking boyfie!
Kaso ang tagal niya! Mahigit 30 minutes na akong naghihintay sa kanya dito.
Kada 5 minutes binabalikan ako dito ng waiter kung oorder daw ba ako, ang sinasabi ko nalang may hinihintay pa ako.
"Miss, kanina pa po kayo dyan. Kung hindi pa po kayo oorder mabuti nalang at umalis nalang kayo dito."
See?
"Ano bang mga specialty niyo dito?!"
Sorry waiter at nasigawan pa kita. Naiinis ako sa Jin na yan!
"M-ma'm French Brocholi p-po."
Tsk. Pati waiter natatakot sa inaasal ko!
"Then yun ang oorderin ko!"
Tsk. Napatingin tuloy ang mga kumakain sa akin.
Naiiyak na tuloy ako dito! Taena!
"Y-yun lang po ba?"
Sorry talaga waiter.
"Oo!"
Bigla naman siyang napatakbo papunta sa counter.
Lintek na Jin na yan! Pinahintay pa ako sa wala. Dumating na yung order pero siya hindi padin nadating.
He wants coldness? I'll give him that!
Bukas na bukas pagpasok hindi ko siya papansinin at I hate him! Pero syempre joke lang yung huli kong sinabi. Mahal ko parin siya!
"Gi-Gi?"
Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin.
Another stranger =_______=
Pero teka... Gi-Gi? Isa lang ang tumatawag sa akin niyan!
"Yan-yan?!"
Tanong ko sa tumabi sa akin.
"Naaalala mo parin pala ako?"
Napatawa ako sa sinabi niya. Ghad! I miss my boy bestfriend so much!
Yep! Boy bestfriend ko na siya since 4 years old palang ako. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin sa mga nang-bubully sa school. Palagi niya akong binabantayan. Palagi niya akong pinagsasabihan kapag may ginawa akong kasalanan. Pero magkasing-age lang kami.
Kilala din siya nila Yuri.
Bakit ngayon nalang kami nagkita?
Simple kasi umalis sila ng family niya, at pumunta sa Canada. Taga doon kasi talaga sila.
"WAAAAHH NAMISS KITA!!"
Sigaw ko kaya napatingin nanaman sa akin ang mga kumakain dito.
Nag sorry nalang ako.
Yinakap ko siya. Oy! Wala lang to ah! Bestfriend ko to kaya wag kayong magisip ng kung ano-ano. Never kong pagtataksilan ang boyfie ko!
"Gosh namiss kita Yan-Yan!"
Naghiwalay na kami sa yakap at nakita kong ngumiti siya!
Ibang-iba na siya sa dating Yan-Yan! Dati Nerd type kasi siya. Pero ngayon... Ibang iba na! Ang gwapo niya na! Mas matangkad sa akin! 5'6 lang ako samantalang siya mga 5'10 ata! Ang pangalan niya talaga ay Bryan Lorenz Enriquez.
"Namiss din kita Gi-Gi!
Ngumiti nalang ako ng malapad sa kanya.
"Kailan ka pa nakabalik dito?"
BINABASA MO ANG
Marrying Him
FanficWhat if your parents decided to have an arranged marriage between you and their friend's son? Would you agree? At a young age, you wouldn't know what are the consequences. You might easily fall in love with the boy and you wouldn't know he might hur...
