Chapter 18

23 5 3
                                    

Friana's pov'

Nasa dorm nako ngayon at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin magreview para sa darating na qualifying exam about dun sa pagshift namin bilang BS accountancy student.

Buwan ang lumipas nung umuwi ako samin after namin mag christmas party sa resort.
Kinaumagahan rin ay agad akong umuwi nun para doon magchristmas break at new year.

Then after new year ay bumalik rin ako dito para nga makapagreview sa darating na QE.

Wala rin naman kaseng masyadong nangyari nung christmas at new year kumain lang kami at nagcelebrate sa labas ng bahay.

Nanood ng fireworks then boom tapos na.

(A/N: Pasingit muna sorry kung finast forward ko masyado tapos naman na kase yung xmas at new year kaya finast forward kona talaga. Last year ko pa sana kase ito balak isulat kaso namental block ako kaya ngayon lang at nagbago na nga dahil finastforward ko hope you understand ty:) )

Hindi naman kase umuwi si mama nung pasko at new year kaya malungkot rin at hindi kami kumpleto.

Kahit naiinis ako sa kanya dahil sa nangyare nung nakaraan diko parin maiwasang malungkot sa tuwing may special celebration at di siya makauwi.

Hanggang video call lang kami at dahil christmas nun nagkaayos narin kami at sinabi ko sa kanya yung tungkol dito sa QE para sa BSA course pinaliwanag ko ng maayos  sa kanya at pumayag narin naman siya.

Pero hindi nako makampante kase alam kung darating nanaman yung time na magkakaproblema kami lalo na alam kong mas mahirap na talaga tong pinasok ko lalo na pagdating sa mga auditing subject.

Auditing problems ang pinakamahirap na subject nung sinearch ko siya pero di pa naman ako kinakabahan dun dahil 2nd sem palang namin as 2nd year student pero if ever na makapasa daw kami itetake namin ang mga subject na hindi namin natake nung nasa BSAIS program palang kami.

Sa ngayon ang inaalala ko muna yung QE pero nakaplano nako sa mga magiging subject ko gusto ko kaseng imaintain grades ko dahil alam kung may cut off dito.

Ginusto ko to kaya dapat makuha ko to at pag aralan ng mabuti.

Wala eh gustong gusto kona magibg CPA para nakatulong kila mama at ito nalang ang susi para narin makaahon kami sa hirap at hindi na kailangan pang maghirap ni mama sa ibang bansa.

Ang problema ko ngayon ay ang cost accounting, advance finacc, auditing at taxation dahil alam kung jan ako sa nga subject na yan dehado.

Ang auditing ay next year pa daw yan pero gusto ko mag advance reading para mas maayos study ko ngayon.

Cost accounting rin ay isa daw sa mga magpapaiyak sayo ng dugo actually kinakabahan ako sa mga nababasa kong feedback about sa mga subject na to pero ayoko muna matakot dahil sabi nila wag kang papadala sa mga nababasa mo malalaman mo rin naman yan once na ikaw na ang maka experience ng paghihirao sa ngayon ipapahinga ko muna ang utak ko dahil bukas na ang QE namin.

Hanggang kaninang 10am lang ang review namin dahil need rin namin ng fresh air sa utak kase baka daw kung magreview pa kami mamayang gabi baka mamental block kami pagdating bukas at maghalo halo kaya naman chill muna kami ngayon.

Di ko naman na pinoproblema yun dahil alalang alala kopa nireview ko mula nung una hanggang ngayong last.

Halos dalawang linggo rin review namin pero tuwing weekends self review kami.

Kinailangan rin namin ng 8hours of sleep para maayos ang katawan namin mahirap kase mag aral ng pagod.

Yun ang sabi samin ni sir james.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now