Last Chapter: Graydon Drexion Hedrix

23 4 4
                                    

"Bakit hindi ka sumama samin?" Bungad ni nico sakin pagkauwing pagkauwi dito sa bahay.

Ilang oras narin ang lumipas ng maisipan kong umuwi muna dito at mag impake muna ng mga gamit para bumalik sa america dahil desidido narin ako sa desisyon kong mag aral nalang muna bago magpakita ulit sa kanya.

"Nothing. Anyway anong napag usapan nyo?" Tanong ko sa kanya.

Wala kase akong balak sabihin sa kanyang nagkita kami ng kapatid niya bago niya paman ito nakita. At wala rin akong balak na ipaalam sa kanya ang desisyon kong mag aral muna.

"She's happy to see me and faustina, hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang siya nagalit samin nung naiwan siyang mag isa dito eh" Nakangiting kwento niya.

"Because she loves you"

"Yeah, by the way balak niya pala sanang mag apply ng call center para makapag ipon dahil huminto rin siya sa pag aaral. May ipon naman na daw siya at gusto niyang mag enrolled ulit ngayong taon kaya gusto niyang dagdagan pa ang mga ipon niya para may extra money pa siya. May kasama rin siyang isang babae kanina at pinakilala niya sakin na kaibigan niya daw doon sa cavite at kasama niyang mag apply ng trabaho dahil sabay silang papasok. Then i open to her about our real agenda, pinaliwanag ko lahat sa kanya at sinabi kong tuturuan namin siya sa company na magiging kanya rin balang araw, nag offer rin akong sa company nalang namin mag apply yung kaibigan niya, yeah i remember her name it's venice. I offered venice to work our company para dina siya mahirapan pa mag apply sa kung saan saan. Agad niya namang tinanggap ang offer ko at bukas na ang training niya. Mga staff na ang bahala sa kanya habang kami ni faustina ay kay ate ang focus ang laking pasasalamat niya dahil dun at ang sabi pa niya ay kakayanin niya naman daw yun lalo na't business naman ang course niya at ang paghahawak ng pera yung focus nila kaya naman hindi naman daw siguro siya mahihirapan."

Yeah, she's right dahil business naman talaga ang prioritize ng course niya kaya may idea na siya.

"Ikaw? Sasama kaba samin or hindi? Feeling ko nga habang kausap namin siya kanina ay hinahanap ka dahil palingon lingon siya na parang may hinahanap" nagulat ako dahil sa sinabi niya.

Napailing nalang ako dahil imposibleng ako ang hinahanap niya eh tinakbuhan niya nga ko kanina.

"Hindi muna siguro, may inuutos sakin si mommy kaya babalik akong america. Don't worry I'll be back after ko matapos ang pinapagawa ni mom." Sabi ko kahit wala namang inuutos si mom sakin.

"How about ate friana?" Tanong niya.

Napailing nalang ako dahil sa tanong niya.

"I think it's not the right time for us to see each other again. Don't worry magpapakita rin ako sa kanya maybe soon."

Hindi kona hinintay pa ang sasabihin niya at agad nakong umakyat sa kwarto ko para kunin ang gamit ko.

Yes. Ngayon din ang alis ko dahil baka magbago pa ang isip ko kapag nakita ko ulit siya.

But it depends baka kase takbuhan niya ulit ako eh.

Nagsabi nako kay mommy na babalik ako dun pauwi at ready nako mag aral ulit kaya naman tuwang tuwa siya dahil sa desisyon ko at hindi na raw siya makapaghintay pa.

Agad nakong nagpaalam kay nico na aalis na kaya naman hinatid niya ko sa may gate bago ako iwan.

Nakatulog na kase agad si faustina kaya siya nalang ang naghatid sakin, pero alam niya ring aalis ako ngayong araw.

Madaling araw na ng makabalik ako sa america at agad akong sinalubong ni mommy sa airport.

"How's your trip?" Bungad niya sakin pagkarating.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now