Chapter 30

17 4 0
                                    

Friana's pov'

"Ikaw ba kung maaaprubahan ba ngayon ang proposal ng boa ay itutuloy mo parin ito?" Tanong niya sakin.

"Sa totoo lang sir gusto ko talaga iopen to pero ito na nga ang pagkakataon ko." Nakangiting panimula ko.

"Nadapa, nasaktan, bumagsak, dinown ng sariling pamilya pero patuloy na lumaban ay pinaglalaban ang pangarap. Nag enroll sa programang BSAIS na hindi inalam kung may board exam ba o wala hanggang sa malaman na useless pala ang course na yun sa pagiging CPA ko dahil hindi ka makakapagtake ng board if graduate ka sa field na yun. Akala ko noon kaya kong iwan ang mga kaibigan ko dito para sana ipush ang dream ko pero hindi ko kaya, kaya hindi ko talaga nagawang magpaalam but then lord give me an opportunity and way to pursue my dreams, this school open a BSA program to us sobrang saya ko that time kase hindi kona kinailangan pang lumipat ng school to make story shorter. Pinalad ako na makapasok sa field nato kaya sobrang saya ko at hindi kona hahayaan na masira pa to ng kahit sino. I enjoyed a lot and shit happens habang nag iiscroll ako sa social media ko ay nakita ko ang bagong proposal na to. That night umiyak ako"

Napailing ako habang nagkekwento at nakangiti.

Huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang kwento.

"No one notice my tears, no one notice my pain, no one notice my stuggles but I don't care if no one can understand me. I'm sad, Im in pain. Kase feeling ko nasa maling landas ako, umabot pa sa puntong tinanong ko siya "Nasa tamang landas pa ba ko?" But no one answer of course. Kinausap ko siya sabi ko bakit ang hirap, bakit ang sakit, pinaglalaruan ba ko ng tadhana? 2years of Bsais tapos 2years sa BSA at nag summer pa ko para sa mga incomplete subject but then, they play my feelings. Why can i have that title after my 4years? Bakit pilit niyang nilalayo sakin ang titulong gusto kong makuha? Bakit kailangang nay proposal pang need ng 2 years experience to take that exam? No conditional FAILED and PASS only. Why is it so hard to achieve that title? Bakit? Bakit ang unfair? Sobrang hirap na nga abutin ng tatlong letra mas pinahirap pa. We almost face depression, anxiety and pressured to our parents pero wala silang awa samin. Mas lalo nila kaming pinapahirapan kulang nalang ay patayin kami sa taas ng standards nila" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko habang nagkekwento.

Ganun rin ang iba sa mga kaklase ko kahit na hindi kopa sila kilala at hindi kami close feeling ko ramdam din nila ang sakit na nararamdaman ko.

"My mother push me to do this pero hindi ko inakalang aabot ako sa ganitong maski proposal ay iiyakan dahil palayo ng palayo ang tatlong letra sakin. Then that time i just realized that this profession is my one and only goal. Kase hindi ako masasaktan ng ganito kung may 2nd choice pa ko na kukunin pero wala. Proposal yun at daan patungo sa pangarap ko pero linayo sakin, of course im hurt."

"Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ay mawalan ng pag asa, sukong suko na ko at isinuko kona sa kanya ang lahat but not at all because i'll talk to him na siya na ang bahala sa lahat, bigyan niya ko ng sign kung ipaglalaban kopa ba ito or hindi na hanggang sa makatulog ako. Dumaan ang ilang mga buwan ay pilit pumapasok sa utak ko ang dahilan para magpatuloy. Si mama na kailangan na naming makasama that's the only reason i have maliban sa pansarili kong kagustuhan. That's the time when i realized na ilang proseso pa ang dadaanan ng proposal na yun bago maimplement and that time i have a license Certified Public Accountant" Nakangiting lumuluhang pagtatapos ko sa kwento.

Kahit si sir ay napangiti sa kwento ko.

"Yes! That's awesome miss galleon and productive thinking. Habang maaga pa wag natin isipin yun dahil parating palang sila PARATING PALANG ibig sabihin wala pa sila at may mga opportunity pa na nakaabang sainyo. Wag kayong matakot sa banta ng boa dahil BANTA palang yun mas matakot kayo kapag NANDIYAN na sa harap nyo so be brave okay? Batas lang yun MAY PANGARAP KAYO! Hindi niyo mararating ang dulo kung papatakot kayo sa bantang yun kaya think positive. If you think of giving up, think a million reason why you have to do this" Sabi ni sir samin.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now