Chapter 19

29 5 0
                                    

Friana's pov'

Nang makalabas ako ng CR ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya tiningnan ko sino yung nagtext.

*Beep beep*

Ayan nanaman siya.

Kanina pa to text ng text bago ako maligo kanina pero ako tong si tanga reply din ng reply.

Hayaan mona bestfriend naman kami eh tas crush ko pa at manliligaw kaya di pwedeng ighost char!

Joke lang wala rin naman kaseng magawa kanina tsaka diko pa naman mahal yung tao para sagutin agad eh. Siguro kung naaalala ko yung mga memories namin baka makatulong sakin pero hayaan mona nga sabi sakin ni ace wag kona daw muna isipin yun kase baka makaapekto yun bukas sa exam ko need kopa naman pumasa kaya diko na inisip pa at nakipagtext nalang sa kanya kanina hanggang sa nagpaalam nga kong maliligo sa kanya at ito kakalabas kopa lang may text nanaman siya.

Fr: Ace

Goodluck to your exam tomorrow wait for me in your dorm para ihatid kita sa room na pag eexaman nyo.

I just name him ACE wala lang ang comportbale na kase pakinggan at banggitin at parang mas bagay sa kanya.

Kapag graydon kase parang ang tahimik niya sa name na yun sabagay tahimik naman talaga siya nun una unlike ngayon na nagpakilala na bestfriend ko kaya naging abogago na siya,
Sa name naman niyang drexion parang pang adik at di naman siya mukhang adik dahil pogi pero sa utak ko lang siya sinasabihan na pogi kase lalaki ulo nun kaya ACE nalang talaga tatawag ko sakanya mukha naman siyang jelly ace eh char!

Sa pagsasama namin kanina masasabi kong magbestfriend talaga kami dahil wala akong maramdaman na pagkailang sa kanya maliban nung sinabi niya na manliligaw daw siya ayaw ko man o gusto manliligaw parin siya.

Baliw rin talaga ang isang yun eh.

Kinaumagahan~~

6am palang ng magising ako sa alarm clock.
Nakayutog narin ako kahapon after kong replyan si ace dahil siguro sa pagod.

Hindi na rin ako nakapagdinner kaya ngayon maaga akong gumising para magluto ng makakain dahil gutom nako.

Nagluto lang ako ng hotdog atsaka bacon para sa almusal then sinangag ko yung kanin kagabi.

Mabilis lang naman magprito at magsangag kaya wala pang 7am ay natapos nako.

Kumain nako dahil nagugutom na nga ko.

Nagtimpla rin ako ng gatas para sa inumin ko, ayoko kaseng kape dahil may exam kami mamaya gusto ko ng gatas para maiba naman hahahahahahaahah.

Nang matapos ako kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko at nagtungo sa kwarto para kunin yung bihisan ko at nang makaligo na.

Pagbalik ko sa kusina ay agad namang may kumatok sa pinto.

What the!?

Don't tell me andito na siya? Eh hindi pa ko nakakaligo eh.

7:10 palang eh.

Handa ko na sana siyang pagsabihan pero nagulat ako dahil sila faith pala yung kumatok sa pinto.

"A-anong ginagawa nyo dito?" Gulat kong tanong sa kanila.

Nagtaka naman sila sa reaction ko.

Omgg baka mahalata nilang may hinihintay akong ibang tao kahit yun naman talaga.

"Sinusundo po ang mahal na prinsesa dahil exam po namin ngayon pero mukhang iba yata ang inaasahan ng mahal na prinsesa kaya nagulat ng makita kami" pang aasar ni regine sakin.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now