Chapter 29

16 5 0
                                    

Friana's pov'

"Why you don't know?" Tanong ni sir kay regine.

"I mean i don't know if i am pursuing the right path or not" sagot niya sa mababang tono.

"So you're not sure about your path?" Nakakainsultong tanong ni sir na akala mo ay wala kaming mararating sa buhay dahil hindi kami sigurado sa landas na tinatahak namin.

Gusto kong mainis pero wala ako sa posisyon para sagutin siya dahil teacher namin siya.

Palibhasa CPA na siya kaya ganyan siya magsalita.

"To be honest Yes, Because of that proposal marami na ang nagback out sa pagiging BSA at sumuko pero aaminin kung muntik narin ako sumuko pero naisip ko. Bakit ako susuko kung hindi pa naman ako sigurado sa tinatahak kong landas diba? Sabi nila go with the flow kaya naman ganun ang ginawa ko, Hindi porke't hindi ako sigurado ngayon ay dito na magtatapos, No hindi ako ganun dahil paano ko malalaman na nasa tamang landas ako kung hihinto pa ko diba? Malapit nako at malalaman kona kaya bakit ako susuko?" taas noong sagot ni regine na ikinagulat namin.

She's right ang galing.

Parehas man kami ng pinaglalaban pero magkakaiba talaga ang opinyon namin dahil iba iba ang pinagdadaanan namin.

Yun ang napapansin ko.

Medyo napangiti si sir dahil dun pero agad rin nawala yun.

"Okay, Thank you but except for miss cuenco sino pa ang hindi sigurado dito?" Tanong niya.

May nagtaas ng kamay at isa na doon si faith pero ako?

Gustuhin ko mang magtaas ng kamay pero ayoko saka na kapag dina ko nakapagpigil at need ng opinyon ko.

Alam kong maipaglalaban nila ang karapatan nila at opinyon nila bilang mag aaral at may pangarap.

"Yes, miss?" Tawag ni sir kay faith

"Abraham po sir"

Hinanap muna ni sir george ang index card ni faith bago ito binalingan ng tingin.

"Okay, so why are you not sure? Bakit pumasok kapa dito kung hindi ka pala sigurado?" Tanong neto.

Hindi ko alam na may pagkamayabang pala ang teacher na to. Nakakainis.

"Sigurado po ako sir dati, pero nung mabasa ko yung proposal na yun tsaka lang ako nagtanong sa sarili ko kung nasa tamang landas paba ko o hindi na, kung ito ba talaga ang para sakin o hindi, kung bakit kailangan pa ganun kataas ang standards nila saming mga future cpa. Hindi mo rin po kami mapipilit sir na wag mag isip ng ganun kase kung ikaw rin ang nasa katayuan namin ay itatanong mo rin ang mga ito sa sarili mo" Walang mababakas na takot kay faith habang nagsasalita.

Gusto kong pumalakpak sa kanya pero nakakahiya kaya nanahimik nalang ako.

Tama nga ko.

Pare-parehas tayo ng pinaglalaban pero iba iba ang opinyon na nasasabi natin dahil magkakaiba ang pinagdadaanan natin.

Naniniwala talaga ako sa Experience is the best teacher.

Pansin korin kase sa sarili ko na sa tuwing hindi ko alam ang mga naibabatong tanong sakin hindi ako makapagbigay ng confident na opinyon dahil hindi kopa nararanasan ang bagay na yun.

Maaaring nakakapagbigay ka ng opinyon pero hindi gaano kasigurado at ka confident dahil hindi mopa ranas.

Katulad nalang ng paggawa ng isang nobela.
Hindi mo ito maiisulat kung wala kang inspirasyon at hindi mo napagdaanan ang napagdaanan ng bida sa nobela.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now