Chapter 38

20 5 0
                                    


Friana's pov'

Buwan ang lumipas at heto ako ngayon sa kwarto ko at binibilang yung mga naipon kong pera.

Hindi ako pumasok ngayon dahil gusto ko munang magpahinga muna kahit saglit.

Halos babad rin kase ako sa trabaho at araw araw yun 6am to 6pm.

Walang mintis yun dahil kailangan na kailangan ko talaga ng pera pero ngayong araw nagpaalam akong hindi muna papasok.

Buwan ng april ngayon at sabado.

Umalis sila tita rose at tito ronel kasama si ashley ang pamangkin ko.

Kinompute ko ang lahat ng pera ko na naipon simula nung nagtrabaho ako bilang tutor ni ash at sa restaurant. Sinama ko rin yung allowance kong naipon nung nag aaral pa ko.

Hindi ako makapaniwala pero malaki yung naipon kong pera.

Bawat sahod ko rin syempre nagbibigay naman ako kay tita ng pera kahit papano.

Ayokong maging pabigat noh.

Kung iisipin ay malaking pera na ang hawak ko pero isang taon lang alam kong ubos ang ipon ko dahil sa laki ng tuition na hinihingi kada semester sa bawat university.

Napabuntong hininga nalang ako dahil diko talaga alam ang gagawin ko pano makapasok sa university.

Nagsearch ako sa internet pero ang pinakamurang tuition na nakita ko ay 40k kada semester.

Hindi kakayanin. Alam kong hindi lang tuition fee ang problema ko dahil may misc fee at other fees na babayaran. Tapos may mga libro rin akong kailangang bilhin. Alam ko yun.

Dalawang taon nalang ang problema ko.
Pero hindi talaga aabot ang pera ko.

Haaayyssss.

Ang hirap naman mamuhay mag isa.

Inalok ako dati nila tita na sila na ang magpaaral sakin pero hindi ako pumayag dahil nahihiya ako sobra. Malaki ang gastusin sa accountancy lalo na sa huling taon ng kolehiyo tapos mag gegrade 4 na ang pamangkin ko at madami naring gastos yun kaya ayoko ng dumagdag pa sa kanila.

Yun ang dahilan kaya nagtrabaho ako.

Tinago ko nalang muna yung perang yun sa may cabinet ko at agad nilock yun. Nilagay ko sa  wallet ang susi at agad kinuha yung cellphone kong nakacharge.

Oo nga pala simula noon ay nagpalit narin ako ng simcard dahil ayokong may makausap pa muna sa kanila.

Mga kaibigan kolang ang binigyan ko ng new number ko at syempre ang mga katrabaho ko sa restaurant at sila tita.

Lumabas ako ng bahay dahil gusto kong mag ikot ikot muna at magpalamig ng isip baka sakaling makapag isip ako kung pano kumita ng mas malaking pera.

What if ibenta ko nalang kaya kidney ko?
Tutal dalawa naman sila eh.

Napailing nalang ako sarili kong naiisip dahil wala namang kwenta.

Isinara ko yung gate ng bahay bago umalis pero bago yun nagtext muna ko kay tita na aalis lang ako saglit at baka magabihan ako.

Alam ko namang gagabihin silang pamilya dahil nagbonding sila at ako?

Syempre gagabihin sa pag iisip ng kung ano ano.

"Frianaaaaaaa" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si venice na kapitbahay namin na nagmamadaling lumapit sakin.

"Bakit?" Bungad ko sa kanya pagkalapit.

Halos magkasing edad lang kami niyan at siya lang ang naging kaibigan ko dito samin simula ng magpunta ako dito.

Bukod dun ay halos matatanda na kase lahat ng andito at puro mga high school pa kaya sa kanya lang ako medyo comportable makipagkaibigan.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now