Chapter 7

33 12 1
                                    

Friana's pov'

 Thursday na ngayon at nung matapos ang exam kahapon ay nandito kami ngayon sa office ng student's council walang pasok ngayon dahil suspended ang klase  may bagyo kase at sinuspended na ni mayor ang klase public at private in all levels kaya walang klase.

as always andito kami para magcheck ng mga exam ganun ang gawain namin after exam dito kami dederetso para icheck ang mga exam kaya halos wala kaming pahinga then after neto yung events naman ang aasikasuhin namin.

Actually halos kaming sebby's pala ang nandito eh. Hinati kase namin ang officers para mapadali.

Kami nila candy, shenly, jenny, regine, khyle, florlen, lowie, at lacelle ay ngayon ang schedule naming magcheck ng exam tapos bukas naman ay sila mary ann my cousin, si josephine, faith, zyrix, aubrey, glaizsha, krislyn at nathan.

Bawat isa samin ay may section na hawak bawat department at ngayon ay hawak namin ang aming department at dahil six lang section ng department namin yung natirang tatlo samin ay ibang department ang chinekan.

Napunta sakin ang block B ng course namin 2nd year college itong chinichekan ko at halos manghina ako sa mga scores na nakukuha nila.

Taxation ang hawak ko ngayon at kahit anong tingin ko sa answer sheet  para akong nangangapa ng sagot kahit sagot naman talaga tong hawak ko.

Ang section ng sumunod samin ay ang highest lamang ay 12? 

Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako sa resulta na nakuha nila tila ramdam ko rin ang paghihirap nila habang nag eexam nung araw na yun dahil hindi nakapagreview ng maayos sa kadahilanang iba ang nireview na subject. 

Highest ay 12 then ang lowest sa kanila ay 8. 

12 and 8 ay equivalent of 5.00 
1-24= 5.00
25-26= 3.00
27-30= 2.75
31-33= 2.50
34-36= 2.25
37-39= 2.00
40-41= 1.75
42-44= 1.50
45-47= 1.25
48-50= 1.00

Ibig sabihin bagsak sila.

Tapos kona yung IT, Law, Fildis, AIS, PE nila pero matataas naman ang scores nila 40 plus lagi ang highest at ang lowest nila ay nasa 20. walang bumaba ng 20 yung lowest sa mga subjects nila pero dito sa taxation halos balikan ko kada numero kung tama ba tong pagcheck ko pero tinriple check kona bawat isa sa kanila ganun parin feeling ko tuloy ibang subject ang answer sheet na to. 

Inisip kona lahat kung anong mali pero pagtingin ko sa answer sheet ay TAXATION ang nakalagay sa itaas kaya ibig sabihin lang nun ay taxation nga tong subject.

Nirecord ko muna sa papel ang highest at lowest score para matandaan ko then after nun ay ang conceptual framework naman na answer sheet ang kinuha ko.

Tiningnan ko ang mga kasama ko pero busy lamang sila sa pagcheck kaya pinagpatuloy kona rin ang ginagawa ko.

"Guys" - tawag samin ni candy 

Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya. 

Hindi ko alam kung anong sasabihin niya kase parang malungkot yung mukha niya or parang naiiyak? Hindi ko mapangalanan ang emosyon na nakikita ko sa kanya.

"Bakit?" - tanong sa kanya lace habang nagchecheck parin ng papel.

"Tingnan nyo yung langit may rainbow" - sabi niya sabay tingin sa bintana at tumingala kaya tiningnan rin namin yun at tama nga siya may rainbow nga hindi namin napansin na tumigil na pala ang ulan.

"ano namang meron sa rainbow? Ganun naman diba? There's always a rainbow after the rain sabi nila." - ani ni regine na tila mo ba'y nagtataka sa sinasabi ni candy.

"Ganito kase yun parang grades lang yan eh after bumagsak may panibagong araw nanaman para lumaban ulit" - sabi niya 

Bigla kaming natamihik dahil sa sinabi niya. 

"Right! pero hindi naman tayo babagsak diba?" - umaasang sabi ni khyle 

"Yeah but...." - pagpapatuloy ni candy 

"Ate naman pinapakaba mo kami alam mo namang kahit ganito tayo kaloko minsan pero grade conscious parin tayo plus may pinapangalagaan tayong grades dahil sa scholar natin kaya wag ka namang ganyan" - sabi ko sa kanya.

Minsan kolang siya tawaging ate kapag seryoso na talaga. 

And yes scholar kami dito kaya ayon talaga kinakatakot ko na kapag bumagsak ako ay maapektuhan ang grades ko sa finals at mawala ang scholar ko yun nalang pinanghahawakan ko dahil hindi pa kaya ni mama tustusan ang pag aaral ko kaya ganun talaga ang pagpupursigi kong ipaglaban yung schedule ng exam nung monday dahil takot akong bumagsak lalo na't hindi ako ganun kaconfident sa subject nayun.

"oo nga tinatakot mo naman kami ate eh" - pagsang ayon sakin ni lowie

"Ano ba kayo guys! Block A tayo diba? Dapat confident lang tayo na papasa sa mga exam nag aral naman tayo eh" - wika ni florlen.

"Nag aral nga pero alam mo namang hindi tayo nakapag ready sa ibang subject dahil iniba yung sched kaya nakakawalan ng confidence feeling ko biglang nawala yung mga pinag aralan ko kase ibang subject ang nareview ko" - sabi ko dahil yun talaga ang nararamdaman ko.

"CONFIDENT? EH BAKIT GANITO ANG SCORE NATIN SA TAX?" - nagulat kami nung biglang sumigaw si ate candy at naiiyak na habang hawak ang mga papel na sa tingin ko ay samin.

Tila nanuyo ang aking lalamunan sa pagsigaw niya.

Napatigil din ang iba sa ginagawa at tiningnan si ate na umiiyak habang hawak ang mga papel namin.

"B-bakit? I-ilan ba ang scores natin? - ramdam ko ang panginginig sa bose ni khyle habang tinatanong niya yan. 

Ayoko man malaman pa dahil hindi pa ko handa pero nacucurious din ako sa score namin bakit ganun ang reaction niya na tila ba'y bumagsak kami lahat.

"B-bagsak? bagsak tayo?" - nanginging kong tanong dahil ngayon ko lang din narealize kung bakit ganun ang reaksyon niya. 

Mukhang tumigil rin yata ang mundo ng ibang kaibigan ko dahil sa narinig.

Dali dali naming nilapitan si candy at kinuha ang mga papel na hawak niya. 

Dumeretso kami sa mesa niya at doon tiningnan ang mga papel.

Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko sa mga nakita kong scores.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko chineck ko ang answer sheet na nakalagay ay taxation nga.

Ibig sabihin tama lang.

Hinanap ko kaagad ang pangalan ko pero iba yung nakita ko.

Graydon Drexion Hedrix
BSAIS- Block A

24.

Siya palang yata ang nakikita kong line of 2 ang score.

"Friana"- tawag sakin ni shen pero hindi ko siya pinansin dahil hinahanap ko pa ang papel ko.

"Nasakin yung papel mo"- biglang sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya at nakita ko ngang hawak niya ang papel ko.

Madali ko yun malaman dahil kilala ko ang sulat ko pero agad ding nagbago yung timpla ng mukha ko ng makita ko ang score ko.

-----
Opppsssxzz cut muna HAHAHHHAHAHAHAHAHAAHHA !!
SEE YOU IN NEXT CHAPTER !

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now