Chapter 39

18 3 2
                                    

Friana's pov'

"Bye nay, salamat po" paalam ko atsaka umalis sa restaurant.

Bukas na ang graduation ng sebby kaya naman pumunta ako ngayon sa resto para magpaalam na aalis nako bukas at hindi ko alam kung kailan babalik.

Sinabi ko naman sa kanila ang dahilan ko at pinayagan naman ako kaya walang problema.

Binigyan pa nga ko ni nanay ng allowance eh, ayaw ko sanang kunin pero nagpumilit siya kaya nahiya akong tumanggi pa.

Laking pasasalamat ko talaga sa kanila lalo na kay nanay dahil marami siyang natulong sakin.

Parang pangalawa kona rin siyang nanay.

Pumara ako ng jeep at sumakay pauwi dahil mag aasikaso pa ko ng gamit para mamaya sa pag alis ko.

Pagdating ko sa bahay hindi ko inaasahang makikita ko si venice na naghihintay sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

Ayoko naman kaseng mag assume masyado na sasama nga siya sakin dahil alam ko kung gaano kahirap sa kanya ang magdecide.

"SASAMA AKO SAYO HEHEHEHEHEH! NAKAPAGDECIDE NARIN AKO AT PINAYAGAN NAKO NILA PAPA" Habang sinisigaw niya sakin yan ay sobrang lawak ng ngiti niya na akala mo ay walang bukas.

"MAKAKAPAG COLLEGE NAKOOOOOOO! YIIEEEEEEE" Sigaw niya pa at niyakap ako ng sobrang higpit.

Niyakap ko naman siya pabalik dahil masaya ako para sa kanya.

"Masaya ako para sayo!" Nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos naming kumalas sa pagkakayakap.

"Andito kana pala friana! Kanina kapa hinihintay netong si venice, akala nga niya ay nakaalis kana pero sabi kong may pinuntahan kalang saglit kaya naman pinapasok ko muna siya" bungad samin ni tita.

"Kumain muna kayo bago umalis halina kayo" dagdag ni tita atsaka pumasok.

"Buti sasama ka at pinayagan ka nila? Anong sabi nila sayo?" Tanong ko kay venice habang papasok kami ng bahay.

"Ang totoo niyan, pinag isipan ko talaga yung mga sinabi mo sakin at halos hindi ako makatulog ilang araw hanggang sa marealize kong tama ka. Mas magandang makapag aral ako at makapagtapos para mas malaki na ang maitulong ko kila mama, tsaka nakapag isip narin ako na sayang talaga ang opportunity na to kung hindi kopa gagawin dahil diko alam kung may pagkakataon pa kong makapunta sa maynila at Hindi ko rin sigurado kung makakapag aral pa ko nun kaya naman nakapagdecide nakong sumama nalang sayo. Hindi nga lang ako makapaniwala kase nung magpaalam pa ko ay halos pagtabuyan nila ko papuntang maynila, bakit daw ngayon kolang naisipan blah blah blah" pagkekwento niya.

"Your parent's are happy for you" nakangiting sabi ko sa kanya kaya nginitian niya rin ako.

"Yeah, Thank you"

Kumain na kami at nagkwentuhan pa kung ano ano bago ako magdecide na pumunta sa kwarto at ayusin ang gamit ko.

Hindi na bago samin na andito si venice dahil nga naging tutor siya ni ash at sanay na siya samin.

Sinabi kong antayin niya lang akong makapag impake at magbihis.

Nakaligo nako kanina kaya mag aayos nalang ng gamit at magbihis ang gagawin ko.

Dala niya na ang gamit niya ng magpunta siya dito at hindi halatang sobrang excited siya.

Konti lang ang dinala kong gamit at mga importanteng bagay lang para hindi masyadong mabigat.

Pagkatapos kong mag impake ay mabilis akong kumuha ng damit at tsaka pumasok sa CR para magbihis.

Napahawak naman ako bigla sa kwintas ko at napatingin.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now