Chapter 21

21 5 0
                                    

Third person pov'

Dalawang araw na simula ng malaman ni friana ang lahat pero heto siya ngayon nasa hospital dahil sa hinimatay siya nung araw na yun.

Sabado ngayon at binabantayan siya ni gray sa hospital hindi nila kasama si faustina dahil may inaasikaso pa ito.

Kakadalaw lang rin ng mga kaibigan ni friana sa kanya kanina pero umalis din dahil hindi pwedeng magtagal doon ang maraming tao tapos ang iingay pa kaya naman nung dumating si gray ay iniwan na nila ito kahit ayaw nila ay wala rin silang mga nagawa dahil sinabihan na sila ni mary ann na si gray na ang magbabantay dahil mas okay daw yun.

Nagtataka pa ang mga ito kung bakit close na si mary ann at gray kaya ipinaliwanag naman ito ng maayos ni mary ann hanggang sa magets na nila kaya hinayaan na nila ito.

Wala pang pasok dahil mamayang gabi palang iaanounce ang makapasa sa exam at sa monday na ang umpisa ng klase pero hindi parin nagigising si friana.

Okay naman daw siya sabi ng doctor sobrang pagod lang daw at stress kaya ito nahimatay at bumabawi lang ng lakas.

Hindi namalayan ni gray na nakatulog na pala siya.

"T-tubig"

Nagising na lamang siya dahil sa mahinang nagsalita sa tabi niya ay nagulat siya ng makitang gising na si friana.

"N-nauuhaw a-ako"

"O-ow wait wait ito inumin mo!" Natatarantang kinuha ni gray ang bottle water na nasa mini table at agad itong inabot kay friana.

Inalalayan niyang maupos si friana sa kama para makainom ito ng maayos.

"Okay kalang ba? Anong masakit sayo? Nagugutom kana ba?" Sunod sunod na tanong ni gray sa kanya.

Tumingin si friana sa kanya at tsaka napabuntong hininga.

"Okay lang ako, pero masakit yung puso ko dahil naaalala kona ang lahat" sagot neto at bigla nalang tumulo ang mga luha niya.

Akala niya mas okay na maalala niya ang lahat pero nagkamali pala siya dahil ngayong naaalala niya ulit ang pagkamatay ng tatay niya at kapatid niya mas lalo siyang nasasaktan dahil wala siyang nagawa noon.

Mas gugustuhin niya ulit magkaamnesia para dina niya maalala pa ang mapait na nakaraan pero wala na. Naaalala niya hindi na maibabalik pa ang dati.

"Sorry"

Napatingin siya kay gray ng magsalita ito.

"For what?"

"Because of me kaya namatay ang tatay mo at ang kapatid mo"

"Ikaw ba bumarili?"

"H-hindi"

"Edi hindi ikaw ang may kasalanan, tsaka alam kong mas masakit pa ang nararamdaman mo kaysa sakin kase kapatid mo rin si nico na pinatay ng *sigh* sarili mong ama" pahina ng pahina ang boses ni friana habang sinasabi niya ito.

Gustuhin man niyang magalit kay gray pero nangingibabaw ang awa niya dito.

"That's my reason why i can't become a lawyer, na baka dumating ang araw kapag naging abogado ako maipakulong ko ang sarili kong ama dahil sa p-pagp-patay niya sa k-kapatid ko at sa tatay mo" malungkot na saad ni gray kaya naman mas lalo tuloy nakonsensya si friana kase feeling niya ay meron rin siyang kasalanan dito kung bakit umabot pa sila sa ganito.

Ngayon niya lang din narealized na kaya pala hindi niya nakikitang magkasama si gray at sir james nila ay dahil may hidwaan pala ito at ang mas malala pa ay dahil ito sa mama niya.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now