Chapter 33

14 4 0
                                    

Friana's pov'

Andito ako ngayon sa labas ng school dahil naisipan kong dito nalang hintayin si gray.

Tatawagan kona sana siya ulit dahil ang tagal niyang dumating.

Kanina pa tapos ang class namin at nakapagbihis narin ako pero si gray ay nagpahatid pa sa bahay nila kay charlie para sa kumuha ng sasakyan na gagamitin namin habang nagbibihis ako sa dorm pero matapos na kong magbihis at nakarating rito ay wala pa rin siya.

Inaayos pa kase yung kotse niya dahil sa aksidenteng nangyaring kahapon pero mukhang matatagalan pa ang pag aayos nun kaya naman manghihiram muna siya ng sasakyan sa bahay nila bago kami pumunta sa condo ni faustina.

Sabi ko magpahatid nalang kami pero ayaw niya kaya naman wala akong magawa kung hindi hintayin siya.

Nahagip ng mata ko sa may eskinita ang dalawang bulto ng tao. Medyo malayo sila sa pwesto ko pero kitang kita ko sila dahil nasa tapat ko ang eskinita.

Napansin ko namang parehas kami ng uniform sa suot nung babae at parang familiar siya samantalang yung lalaking kausap niya ay parang ngayon kolang nakita.

Niliiyan kopa ang mata ko hindi dahil sa chismosa ako kung hindi dahil pamilyar talaga ang babaeng nakatalikod sakin habang yung lalaki naman ay nakaharap sa pwesto ko pero hindi niya ko napansin dahil seryosa lamang silang nag uusap ng babae.

Nahagip ng paningin ko yung side na mukha ng babae ng bigla niyang iiwas ang paningin sa kausap niya atsaka ko napansin ang suot suot niyang salamin dahilan para malaman ko kung sino siya.

Hala si florlen yun ah!

Siya lang naman kase ang nakasalamin saming magkakaibigan dahil malabo raw yung mata niya.

Kaya pala pamilyar ang likod nung babae dahil si florlen pala yun.

May naisip naman akong kalokohan at pangblackmail sa kanya in the future.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at habang wala pang nakakapansin sa kalokohang gagawin ko dahil wala naman katao taong dumadaan ay agad ko silang pinicturan ng hindi nila napansin saka ako nakangising umalis sa pwesto ko bago pa nila ko mahuli.

Sino naman kaya yung lalaking yun?

Jowa niya? Pero bakit wala siyang kinikwento samin?

Baka naman isa lang sa mga crush niya yun.

Dumating naman bigla si gray kaya naman agad akong sumakay doon.

"Sorry natagalan kanina kapa?" Tanong niya sakin.

"Medyo pero ayos lang tara na" yaya ko sa kanya.

Dahil medyo may katagalan ang biyahe namin ay nagchat nalang ako sa sebby at ibalita yung nakita ko HAHAHAHAHAAHAHA.

"Bakit ka nakangiti?" Biglang tanong ni gray kaya naman napalingon ako sa kanya.

Hindi ko napansin na napangiti pala ako dahil sa kalokohang pumapasok sa utak ko.

"Wala! Magdrive ka na lang jan" utos ko sa kanya at agad niya namang sinunod yun at hindi nako pinansin kaya naman sinend ko yung picture nila florlen kanina sa gc naming sebby.

Friana marie: Sana ol may katagpo sa eskinita @florlen valencia

Agad namang nagsireact yung mga kumag at nakichismis sakin kung sino daw yun at bakit andun sila.

Mary ann: Hala si code blue ba yun?!

Friana marie: Sinong code blue?

Mary ann: Crush ni florlen

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now