Chapter 34

18 5 0
                                    

Friana's pov'

Pagkaalis namin ni gray sa condo ni faustina ay agad naman kaming bumyahe pauwi.

Sobrang pagod ako ngayong araw at feeling ko lalagnatin ako dahil sa dami ng nangyari.

"I will come with you" napatingin naman ako kay gray dahil sa sinabi niya at nalilitong tiningnan ito.

Anong sinasabi niya?

"I will come with you in the US to see tita ferina" pagkukumpleto niya sa sinasabi niya kanina.

"Pero paano pag aaral mo? Hindi ka pwedeng mawala dun atsaka problema to ng pamilya nami----"

"No buts, I'm going with you" matigas na sabi niya kaya naman napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman akong magagawa.

Mas mabuti narin to kaysa sundan niya ko dahil sa katigasan ng ulo naming pareho.

Alam ko kaseng kapag nagmatigas pa ko sa kanya ay susunod at susunod parin tong lalaking to kaya mas mabuting magkasama nalang kami papunta dun.

Kahit kailan talaga tsk.

Sinabi rin samin ni friana na bukas siya aalis at sasabay nalang daw kami sa private plane ni tito.

Kaya pala ang bilis makaalis ni nico at makauwi ni faustina dahil may sarili naman palang plane si tito james.

Buti naman ay nasa wallet kolang yung passport ko dahil doon ko naman talaga nilalagay lahat ng mga ID ko at sa isang wallet ko naman nakalagay yung pera.

Nagpaalam ako kay gray bago umalis sa sasakyan niya hanggang sa makaalis siya.

Susunduin niya nalang daw ako bukas at sabay rin kaming magbigay ng excuse letter sa school administration para sa pagiging MIA namin ng ilang araw.

Nang makarating ako sa dorm ko aya agad akong naghalf bath at humiga sa kama.

Dahil narin siguro sa sobrang antok ay nakatulog rin ako agad.

Kinaumagahan ay agad kaming sinundo ni faustina sa labas ng school.

Nagtext kase siya samin kanina na siya nalang daw susundo saming dalawa para sabay sabay na kami. Kaya naman pagkatapos naming ibigay yung letter sa faculty ng mga teachers ay agad rin kaming umalis dun.

Hindi rin naman kami nahirapan magpaalam dahil kilala na nila kami. Ako bilang vice president ng student council noon samantalang si gray ay anak ni tito james which is may ari ng school na to kaya naman mabilis lang kami doon.

Natext kona rin naman sila regine tungkol dito at wala namang problema sa kanila yun basta mag iingat daw kami at pasalubong daw -__-

Tss. Akala mo mamamasyal kami dun kung makahingi ng pasalubong amp.

Buti nalang din ay may ipon ako kaya naman may pera ako panggastos pero mukhang hindi korin naman magagamit yun dahil binigyan ako ni faustina ng isang card at cash na gamitin ko raw para sa mga gastusin in case of emergency.

Ayoko sanang tanggapin pero pinilit niya ko dahil sinabihan pa kong wag na daw ako mahiya dahil magkapatid naman kami kaya wala rin akong magawa kung hindi ang tanggapin yun dahil mukhang kakailangan korin yun.

Tahimik lang ang byahe namin hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ko.

Nagising na lamang ako nung may tumapik sa pisngi ko at nakita ko ang nakangiting graydon sa harap ko.

"Andito na tayo" sabi niya kaya naman napalingon agad ako bintana ng kotse pero bago ko pa makita ang nasa labas ay agad nakong hinatak ni gray palabas ng sasakyan kaya naman mas kita kona ang paligid.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now