Chapter 36

15 5 1
                                    

Friana's pov'

Agad naman akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa may starbucks na nakita ko kanina malapit sa may hospital.

Oo malapit lang dun pero wala akong alam na ibang place kung saan kami pwede mag usap.

Ayoko namang doon mismo sa hospital dahil nakakahiya at ang daming tao.

Ayoko rin namang papuntahin pa siya dun sa park na tinambayan ko dahil baka maligaw pa yun at hindi kami magkita kaya no choice talaga ako kung hindi dun sa starbucks na malapit sa hospital.

Nang makarating kami sa may tapat ng starbucks ay agad nakong nagbayad kay manong at bumaba.

Hindi nako lumingon pa sa hospital dahil para saan pa? Wala naman nakong pamilya dun kung hindi si mama na hinihintay kong macremate para masama kona siya pag uwi.

Yes! From now on ayoko na mag isip pa ng kung sino sino at last na to dahil narealize kong mas mabuti pang pahalagahan ko nalang yung sarili ko bago ibang tao nang sa ganun ay hindi nako masaktan pa.

Nakita ko naman si gray sa may malapit sa salamin kaya naman dumeretso ako doon sa pwesto niya.

Tiningnan ko naman yung mukha niya at pinag aaralan dahil ito na rin yung huling pagkikita namin.

*Sigh*

Ang hirap pala.
Pero hindi nako pwedeng umatras sa pag uusap namin ni faustina dahil umoo nako sa kanya.

But what if i can be selfish this time?

Gusto kong maging masaya at alam kong gusto rin ni gray yun pero.

Nahagip ng mata ko sa salamin yung nanay ni gray dahilan para matulala ako sandali.

Ang hirap palang umintindi kase kahit kahit sarili mo ay hindi mona maintindihan kung ano ang dapat na gawin.

Kung ang kasayahan nyo ba pareho pero makakasakit ka naman ng damdamin ng iba o ang kasiyahan niya lang pero ikaw naman ang masasaktan?

Ang hirap mamili sobra.

I just wish na sana maging bato nalang tong puso ko para wala ng maramdaman na sakit at hindi na makaramdam ng awa para sa iba.

I wish someday that i can be selfish just for once.

Pero.........


*Flashback*

"Mommy? Diba mahal na mahal mo po si daddy?" Tanong ko kay mommy habang andito kami sa kotse at susunduin si tita alice na kapatid ni tito james galing saudi.

"Yes baby super, mahal na mahal ko ang daddy mo" nakangiting sagot naman ni mommy sakin kaya naman nakita ko ring napangiti si daddy na siyang driver namin.

"Pano po kapag may big problem kayo at kailangan nyong iwan si daddy gagawin nyo po ba yun?" Nagtatakang tanong ko.

May napanood kase akong movie kahapon na sobrang weird niya dahil umiiyak yung babae dahil wala na daw time sa kanya yung lalaki tapos palagi pang pinapagalitan yung lalaki ng daddy nila kase gusto ng daddy nila na mag aral yung lalaki sa ibang bansa pero ayaw pumayag ng lalaki kase ayaw niyang iwan yung girlfriend niya. Humingi naman ng tawad sa kanya yung lalaki dahil sobrang busy nga neto kase nag aaral siya sa malaking school na tinatawag nilang loskol (law school) hindi ko alam kung ano basta ang dami niyang inaaral puro papel kaya bihira na silang magkita ng babae kaya naman nakipaghiwalay yung babae doon sa lalaki kase wala na siyang time kase kailangan niya daw makakuha ng mga matataas na grades para hindi na siya kulitin ng daddy niya na mag aral sa ibang bansa tapos ayaw pa ng daddy ng lalaki doon sa babae kase distraction lang daw yun sa kanya pero hindi naman pinansin yun ng lalaki hanggang sa babae na ang tuluyan na makipaghiwalay sa kanya.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now