Chapter 37

15 5 0
                                    

Third person pov'

"Sure kaba dito ms. galleon?" Tanong ng dean nila kay friana dahil bigla itong nagbigay ng letter sa principal na magdadrop na siya at hindi na itutuloy pa ang pag aaral.

"Yes dean" seryosong sagot ni friana dahilan para mapabuntong hininga si dean sa kanya.

"Okay, please don't hesitate to call me if you need someone to talk you're like a daughter to me, i hope you're okay! My deepest condolences ms. galleon" malungkot na saad ni dean sa kanya.

Pinigilan naman ni friana ang kanyang sarili na wag maiyak dahil nakakahiya kay dean.

"Thank you dean, mauuna na po ako dahil aasikasuhin kopa po yung mga gamit ko" paalam ni friana na agad naman tinanguan ni dean kaya lumabas na siya sa office neto.

1 week na ang lumipas pero wala paring nakakaalam na nakabalik na siya dahil hindi siya pumapasok.

Sa isang linggong pananahimik niya ay wala siyang gana dahil puro iyak lang siya sa dorm niya at kahapon lamang siya natauhan na kung wala na siyang gana pumasok pa sa school mas magandang magdrop nalang muna siya at yun ang naging decision niya sa loob ng isang linggo.

After niyang tumakbo paalis sa starbucks na yun ay dumeretso siya sa airport kung saan naghihintay si faustina dahil siya ang tinext niya ng araw ding yun para magpabook ng flight pabalik.

Si faustina narin ang inutusan niya na madaliin ang pag cremate sa kanyang ina at dalhin ito sa kanya bago siya umalis ng US maging ang mga gamit niya na naiwan sa hotel.

Wala namang nagawa si faustina kung hindi sundin ang ate niya dahil bigla rin itong naguilty sa nasabi niya.

Hindi niya naisip yung nararamdaman ng ate niya at maiiwan pala itong mag isa kapag umalis sila siya dahil mag isa narin ang ate niya.

Gusto niyang bawiin ang sabihin niya pero hindi niya magawa dahil nalaman narin niya ang gagawin ni friana ng araw na yun kaya wala na siyang magawa kung hindi ang humingi ng tawad.

Nang makabalik si friana sa pilipinas ay agad siyang nagkulong sa dorm niya at wala siyang gana kausapin ang mga kaibigan niya para ibalitang nakabalik na siya kaya naman sa buong linggong pananatili niya sa dorm ay wala siyang ginawa kung hindi umiyak, halos hindi narin siya kumakain dahil palagi siyang tulala hanggang sa maisip niya ang ate niya sa cavite na kapatid pala ng mama niya at walang kaalam alam sa nangyayare kaya naman naisipan niyang umuwi nalang doon pero bago yun nagdecide siyang magdrop nalang muna dahil masyado siyang nanghihina at walang kagana gana sa buhay.

Nang makarating siya sa dorm ay agad agad siyang nag ayos ng mga gamit. Lahat ng gamit niya ay nilagay niya sa isang maleta dahil alam niyang hindi na siya babalik pa dito.

Nagbayad narin siya ng rent dito kahapon pa kaya wala naman ng problema.

Pero may isa siyang problema na pinakaayaw niya.

Yun ay ang kung paano siya magpapaalam sa mga kaibigan niya.

Ayaw niyang magpaalam dito ng personal dahil baka maging emosyonal nanaman siya kaya naman kinuha niya nalang ang kanyang cellphone sa may taas ng cabinet niya.

Isang linggo rin yun na hindi niya binuksan simula ng makabalik siya dahil pagkaalis na pagkaalis niya sa lugar nayun ay agad niyang inoff ang kaniyang cellphone dahil sa ayaw niyang macontact pa ang kahit na sino.

Kinakabahan man ay binuksan niya ang cellphone at naghintay na maopen.

Inilapag niya muna ang cellphone sa lamesa dahil nauuhaw siya. Kaya naman kumuha muna siya ng tubig bago bumalik sa mesa atsaka ininom yun.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now