Chapter 12

31 8 0
                                    

Friana's pov'

Matapos ang sembreak ay bumalik rin ako dito agad sa manila.

Wala narin naman na gagawin dun plus puro sermon din ng kapatid ko ang aabutin ko kaya mas mabuting bumalik nalang ako dito tahimik pa.

Dumaan ang sembreak at ng makabalik ako dito ay hindi na kami nagkausap pa ni mama hinayaan ko nalang din muna siya kase masama parin talaga ang loob ko.

Prelim palang naman kase.

Ganun na  siya magreact may midterm at finals pa kaya..

Pero siguro ganun talaga siya at iintindihin nalang kase kapag diko talaga namaintain ang grades ko babye scholar na.

Kaya ngayon naghahanap ako ng part time job kaso wala akong mahanap dahil magdedecember na next month plus working student pa ko kaya di ako matanggap tanggap dahil full time job ang mga hinahanap nila.

Haaayyssss.

Ang hirap naman neto..

May pasok nanaman bukas at umpisa na ng midterm pero hindi nako kinakabahan dahil after this sem ay lilipat nako ng school para magtake ng BSA dahil desidido na talaga ako para sa landas na tatahakin ko kaya ngayon palang.

Yung binigay saking allowance ay diko pa ginagastos para magamit ko pang enroll alam ko kaseng mahal rin yung tuition na magagastos pero kung kakayanin ulit, mag aapply ako ng scholar titingnan kopa yun sa school na papasukan ko kung pwede.

Actually nagdadalawang isip akong lumipat kase mamimiss ko yung mga kaibigan ko dito sa university yung mga bonding namin kapag stressed na at sa department office kapag magchecheck kami ng papel yun ang mga moment na mamimiss ko sa kanila haaayyys......

Ano ba yan friana may finals pa ang aga mo naman magdrama.

Diko pa nga sinasabi sa kanila kase alam kung mabibigla sila at baka sumunod rin sila ayoko nun.
saka nalang ako magpapaalam sa kanila kapag malapit na kong umalis.




Thursday na ngayon at naisipan kong umabsent muna para maghanap ng part time dahil PE lang naman ngayong hapon atsaka conceptual framework kanina pa ko paikot ikot dito pero wala man lang akong mahanap na pwedeng pagtrabahuhan.

Natry kona rin sa mga fast food chain pero hindi sila tumatanggap ng working student kaya umalis nalang ako dun.

Maging sa restaurant, mall, saleslady ay inapplyan kona pero wala talaga kaasar.

Naupo nalang ako sa may bench na nakita ko malapit dito sa mall na pinuntahan ko para magpahinga.

Nakakapagod pala maghanap ng trabaho noh?

*Sigh*

Kapag wala akong nahanap na trabaho bahala na talaga.

Hapon narin ng maisipan kong umuwi dahil wala man lang akong napala kaya umuwi nalang ako para magpahinga.

Pagkauwi ko sa dorm naglinis lang ako ng katawan ko tsaka humiga sa may sala dito sa dorm.

kinuha ko yung cellphone ko at tsaka nagchat sa GC namin.

"Guys? May alam ba kayong pwedeng work?" Tanong ko sa GC naming sebbynians pero mukha wala yatang online dahil nasa klase pa sila tiningnan ko ang oras at 5pm palang ibig sabihin nagppe pa sila.

Kaya pala hindi online kase naglalaro yung mga yun.

Hinayaan ko nalang muna yun at nagluto ng makakain dahil hahabol ako sa last subject naming financial accounting mamayang 7 major subject eh kaya hahabol ako.
Kahit sobrang pagod nako kanina.

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now