Chapter 2

66 12 0
                                    

Transferee

Dali dali akong tumakbo papuntang school dahil late na'ko.

Oblicon pa naman ang first class namin ngayon at strikto masyado yun si atty.

Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa university, buti nalang at malapit lamang ang dorm dito kaya natakbo ko.

Nang makarating ako sa university ay agad agad kong tinap ang ID ko para makapasok.

Good news walang pila kaya nakapasok ako agad.

Nang makalampas ako ay agad agad kong tinakbo ang 4th floor dahil doon ang room namin.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa 4th floor. Kinuha ko muna ang tubig ko at uminom tsaka naglakad nalang papuntang room.

Shit first day ko ay late agad badtrip. Ayaw na ayaw ko pa naman ang nalelate sa klase.

Rinig na rinig ko na ang boses ni atty. At nagchecheck na siya ng attendance.

Letter C palang kaya bago pa 'ko matawag at makaabot sa letter G ay agad na 'kong nagpakita sa room.

Napatingin sa'kin ang lahat ng classmates ko pati yung sebby's andito narin. Malas at ako lang talaga ang late sa'min.

Napatingin sakin si sir at agad na nagtanong.

"Why are you late Ms.Galleon? Do you know what time is it?" Masungit na tanong sakin ni sir de jesus ang Law teacher namin.

Napakasungit nito sa loob ng classroom pero kapag nasa labas naman ay pwede mo siyang tropahin. Actually close kami niyan e pero kahit ganun wala siyang pinapalagpas na studyante sa loob ng classroom sa tuwing naglelesson siya.

"Y-yes si-- este attorney. I'm sorry atty for being late na traffic lang po" dahilan ko sa kanya pero napatigil ako ng mapagtanto kung anong nirason ko.

"Are you insane? Your dorms is just at the university what are you saying that you're late because of traffic? Do you think is that a valid reason? Answer me honestly why are you late?" Mas lalo siyang nainis nang mapagtantong nagdadahilan lang ako bwisit ang hirap naman pag attorney kausap mo ang daming napapansin at andaming pinaglalaban sabagay abogado siya marami talagang pinaglalaban.

"S-sorry attorney ahhmm nalate lang po ng gising hehe" pagsabi ko ng totoo sabi niya honest daw eh bahala siya diyan.

Tahimik lang buong classroom habang pinagmamasdan kami ni sir na nagsasagutan.

Sa classroom may batas kung anong tinapos nila dapat ayun itawag mo sa kanila katulad niya imbis na sir ay attorney gusto niyang itawag kung ayaw mong attorney itawag sa kanya ay pwede kana daw lumabas -__-

"So? Kapag ba nasa supreme court kana valid reason yan sa mga judge? Icoconsider ba nilang late ang abogado ng kliyente dahil lang sa nalate ng gising what if ilang oras kang nalate edi bago kapa makarating sa korte nakulong na kliyente mo dahil nalate ka? What a lame reason" Mahabang litanya ni sir dzuuuhhh wala kaya tayo sa court sir nasa classroom tayo :>

Gusto ko sana sabihin kaso wag na baka ikick out nila ko dito sayang naman kailangan kopang gumraduate.

"Because you're late answer my question first if you didn't answer my question next subject kana pumasok."

Dun ako kinabahan sa sinabi ni sir at ngayon lang nag sink sakin yung sinabi nila kagabi sa GC.

"Guys don't be late tomorrow kase kapag nalate ka may question and answer na magaganap kay attorney de jesus bago ka papasukin ganun daw yun at kapag dimo nasagot ng tama ang questions niya ay dika makakapasok sa subject niya at absent kana"

Dream Series #1: Falling For The Dreams (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now