MADDIE'S POV
Naging maayos ang relationship namin ni Edward despite of the odds we experienced. It's been almost seven months of ups and downs together. I learned to love him even more, despite of our differences. Your personality will not dictate you on how to love a person, kusa itong lumalabas nang hindi mo inaasahan.
For the past few months, hindi ko na naencounter si Brice, I never heard about the arranged marriage thing. But his dad is still cold towards me for unknown reason. Napakahirap maging okay sa harap ng mahal mo kung merong isang kabahagi ng buhay niya ang hindi ka gusto. His mom gets well and she's now better. My mom and my siblings were able to accept Edward, napakagaan ng feeling na alam mong mahal din ng family mo ang taong minamahal mo.
6:00 AM.
Maaga akong nagising, finally this is the moment na hinihintay ko, for four years na naghirap ako, finally gagraduate na ako. Hinanap ko ang diary na kulang-kulang ang pages dahil na rin sa kagagawan ni Brice noon, nang mahanap ko ito ay isa-isa kong binuklat ang pahina. Hindi ko mapigilang umiyak nang mabasa ko ulit ang mga isinulat ko noong panahong namatay si dad, akala ko napasama ito sa mga napunit. Kinuha ko ang ballpen at nagsimula akong nagsulat.
Papa, this is it. Two hours from now, graduate na ako. Sayang at wala ka para kasama kong umakyat sa stage. Sayang hindi mo makikita ang baby mong maging isang CPA. Pa, I have already accepted na hindi na kita muling makakasama, I have already moved on from the past. I have learned to let go of the pains. Thank you for everything, you inspired me to be strong enough. You will always remain in my heart. I love you, papa.
Hindi ko mapigil ang mga luha ko.Isinara ko ang diary, huminga ako ng malalim, I am relaxed now. I started fixing myself para sa graduation, sinabihan ko si mama na sa school na lang kami magmeet, sigurado kasi ako na pakikialaman na naman niya outfit and make up, but I really appreciate kung paano ako pinalaki ni mama. I love her more than she knows.
I'm wearing a simple black dress, naka-toga naman kami, very light make up, nakalugay ang buhok ko. For the last time tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako nang maalala ko ang mukha ni Edward when he received the graduation program with his name on it as invitation.
Tumunog ang phone ko, I checked the message, napangiti ako when I learned na si Jonah ang nagtext.
*Hi Madz, Happy Graduation. Smile.*
*Thank you, Jonah.* I replied.
Hindi man kami palaging nagkikita ni Jonah, he assured me na everytime I need him, he's always available. Our friendship remains pero hindi kagaya noon. I never saw him with anybody, I hope na makatagpo din siya ng babaeng mamahalin niya at magmamahal sa kanya ng lubos.
Biglang may kumatok sa pintuan, akala ko si Ate Lynne. "Pasok, teh." Hindi ako lumingon, sinusuklay ko pa rin ang buhok ko.
Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa akin. Nakita ko sa salamin ang mukha ng boyfriend ko habang nakapatong sa balikat ko ang kanyang nakangiting mukha.
"Ang aga mo babe," nakangiti kong sabi habang nakaharap pa rin kami sa salamin. Hinawakan ako ni Edward sa magkabilang braso at pinaharap niya ako sa kanya.
"Gusto ko ako ang unang makakita sa'yo sa pinaka espesyal na araw na ito." Hinalikan niya ako sa noo. Lumapit siya sa maliit na lamesa at may dinampot na isang bouquet ng bulaklak.
Inabot niya ito sa akin, "Happy graduation." Hinalikan niya ako sa lips. Meron pa siyang kinuha sa bulsa niya.
Binuksan niya ang isang kahon, binuksan niya ito tumambad sa akin ang isang set ng jewelry, isang white gold necklace, earings and bracelet. Isa-isa niya tinanggal ito at isinuot sa akin.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomanceYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?