Chapter 15

576 39 11
                                    

EDWARD'S POV

Bago kami pumunta sa park ay dumaan muna kami sa simbahan dahil yon ang request ni Maddie.

Naiirita ako habang nasa simbahan kami, kung ako lang ayoko namang pumunta talaga sa church pero hindi ako makatanggi, kahit noong kasama pa namin si mommy hindi pa rin niya ako mapilit na pumunta sa church, it's not really my thing. Lahat naman ng pumunta diyan eh nagkakasala pa rin kahit Linggo linggo silang pumupunta dito, wala  ring pagbabago.

It will not change everything kahit araw-araw pa akong pumunta at magdasal sa simbahan. Pag nagyaya si Hannah pinapasamahan ko na lang siya kay yaya.

Pagpasok namin ay napakaraming tao, tumayo lahg ako sa gilid pero hinawakan ni Maddie ang kamay ko at umupo kami.

"Please rise," sabi nang pari. Tumayo ulit kami. Seryosong nakatingin sa harap si Maddie habang gumagaya lang si Hannah kay Maddie.

Biglang lumuhod ang mga tao, lumuhod din si Maddie at Hannah, habang ako nama'y umupo. Para akong gago na sumusunod sa sinasabi ng pari, pero sa totoo lang hindi ako comfortable.

Bumulong si Maddie sa akin, "luhod ka," sabi niya.

Kumunot ang noo ko, nakatitig pa rin siya sa akin hinihintay na lumuhod ako, "fine," naiinis kong sabi. Ngumiti siya at yumukong nagdasal. Tumayo ulit kami.

"Peace be with,"humarap si Maddie sa akin habang sinasabi ang mga katagang ito. Gumaya na rin ako. Feeling ko kahit papaano ay nabawasan angmga kasalanan ko, pero wala pa ring magbabago, ako ay si ako at walang sinumang makapagpabago nun.

MADDIE'S POV

Napakaraming tao pagdating namin sa park, tuwang-tuwa si Hannah ng bumaba siya sa car, tumakbo siya agad sa may slide...Sunday naman kasi kaya hindi na nakakapagtaka...

Hinawakan ni Edward ang kamay ko, "thank you, " sabi niya, may sincerity sa kanyang mga mata.

Hawak pa rin niya ang kamay ko, paglapit namin sa may slide ay nakatingin sa amin si Hannah, at tumingin siya bigla sa mga kamay naming magkahawak, bigla akong nagblush, inalis ko agad ang aking.

Nakita kong napangiti lang si Edward kay Hannah.

"Come on little girl, magslide ka na" utos niya  sa kanyang napakacute na kapatid. Mabilis na tumalikod si Hannah papuntang slide.

Umupo kami sa may bench na di kalayuan kay Hannah "Do you like anything, drinks, food? " nate-tense na tanong ni Edward.

"I'm good," sagot ko naman.

"Sure ka? Naririnig ko kaya ang mga alaga mo sa tiyan," inilapit niya ang ulo niya sa aking tiyan. Napatawa ako ng malakas sa ginawa ni Edward, muntik pa akong mahulog sa may upuan nang bigla akong hawakan ni Edward sa beywang para hindi ako mahulog. Ngumiti ako sa kanya, lumabas sa kanyang magandang mukha ang kanyang dimple. Walang anu-ano'y hinalikan niya ako sa noo.

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya "Ano ka ba, nakakahiya maraming tao," sabi ko.

Hinawi niya ang buhok na nakalaylay sa aking mata, "huwag mong hayaang pigilin ka ng kahit anuman o sinuman para gawin mo ang gusto mong gawin, lalo na sa taong...." bigla siyang huminto ng nagring ang phone niya. Kinuha niya ang phone at ng makita niya ang caller ID ay tumayo siya.

"Excuse me, I have to answer," senyas niya sa akin.

'lalo na sa taong...bakit hindi niya naituloy, anoang ibig niyang sabihin," tanong ko sa sarili ko.

Narinig kong sumisigaw na naman si Edward,  sino kaya ang kausap niya kitang-kita sa mga reaction nya ang galit.

Bumalik siya, "we have to go," hindi niya maitago ang galit na nararamdaman niya.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon