Chapter 39

364 28 7
                                    

"Ready?" nakamulagat pa ang mata ni Shaine nang tanungin niya ako.

Paulit-ulit akong tumango subalit ito'y puno ng pag-aalinlangan. Kailangan kong gawin ito. Umarkela kami ng taxi papunta sa bahay nina Jonah, minsan na rin kaming nakapunta sa napakalaking bahay nila nang dito ganapin ang Basketball Victory Party nila.

Pagbaba namin sa kotse ay bigla akong kinabahan. Tumingin ako sa phone ko kung nagtext o tumawag si Edward, subalit wala pa rin. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na nagkataong busy si Edward, dahil kung hindi baka hindi ako makakadalo sa party.

"Good evening ma'am," bati sa amin ng isang naka-unipormeng babae na sigurado akong kasambahay nina Jonah. Sabay kaming napangiting tatlo.

Nilapitan ako ng babae, "ma'am kayo po ba si Ms. Maddie," tanong ng babae, napatingin sa akin ang dalawa kong bestfriend. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Ibinilin po kasi kayo ni ma'am Rica sa akin," nakangiting sabi niya. Hindi pa rin ako umiimik sa sinabi ng babae.

"Pasok na po tayo sa loob," sabi niya. Sumunod kami sa kanya papasok sa loob ng bahay. Ang bumungad sa amin ay mala-disco na ambience, may mga disco lights sa gitna ng mansiyon samantalang sa bawat sulok ay may mga sofa at tables na may mga nakaupo na, karamihan sa kanila ay mga basketball players. Bakit andito sila, akala ko family affair lang? Hinahanap ng mga mata ko si Jonah pati na rin ang mga parents niya. Umupo kaming tatlo sa may malapit sa hagdanan para hindi kami masyadong mapansin. Biglang may nagslita.

"Ladies and gentlemen, may I request everybody to stay put. The birthday celebrant will be here in 5 minutes. He has know idea that this party is happening. So let's surprise him and make this even an unforgettable one. Thank you. All lights off please." Mahabang pagsasalita ng host. Pagkapatay ng ilaw ay tumahimik lahat. Nagpapakiramdaman kaming tatlo, wala man lang akong marinig na ingay mula sa mga bisita.

"One more thing guys, when the light is on let's shout HAPPY BIRTHDAY." Pahabol pa niya. Pagkatapos niyang nagsalita ay tumahimik ang lahat. Nang biglang narinig namin ang pagbukas ng pinto at biglang umilaw sabay-sabay kaming sumigaw, "HAPPY BIRTHDAY, JONAH!" nagpalakpakan ang lahat. Kitang-kita ko ang pagkagulat kay Jonah, tumingin siya sa parents niya, nagkibit balikat na lang ang dad niya samantalang niyakap siya ng mommy niya. Tumingin-tingin sa paligid si Jonah at napapangiti na lang sa sorpresang alam kong inihanda ng kanyang parents.

Lumapit ang mommy niya sa host at kinuha ang mic, "this is for you son, we want you to be happy on your birthday, we love you." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mrs. Guzman. Nakita kong naglip sync si Jonah sa mom niya ng "I love you."

"Let's enjoy the night," sabi na niya bago tumugtog ang napakalakas na music.

Nanatili pa rin kaming nakaupo sa bandang gilid ng hagdan at ipinagdarasa ko na walang gaanong makakita sa amin. Subalit hindi ko namalayan na nasa harapan ko pala si Mrs. Guzman.

"Thank you for coming girls. Thank you Maddie." Nakangiti niyang sabi. Naglalakad papalapit si Jonah sa mom niya na hanggang ngayon ay nasa harapan pa rin namin.

Natuon ang pansin ni Jonah sa amin. Lumaki ang mga mata niya ng makita niya ako. "Happy birthday," sabay naming bati sa kanya.

"Oh, I really don't know this is happening, I'm glad you came guys." Nakangiti niyang sabi. Nakatitig siya sa akin subalit hindi ako makatingin ng diretso.

"Maddie, I'm sorry about last night," nahihiya niyang sabi.

"Thank you dahil hindi mo hinayaan na makulong si Edward." this time nakatingin kong sabi sa kanya.

"Let's forget it," ikinampay niya ang kamay niya sa hangin.

Biglang nag-iba ang aliw ng musika.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon