Kung meron man akong pinagpapasalamat ay ang dalawa kong kaibigan. Kung wala siguro sila ay mananatiling boring na ang daily routine ko. Sila ang palagi kong kasama.
Dahil pangalawang araw pa lang naman ng mga klase ay wala pang masyadong ginagawa. Katulad sa mga naunang subjects ay ilang minuto na kaming naghihintay sa aming professor. Hindi ko nga alam kung talagang entitled silang malate during the first days of classes.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko kasabay ng maingay na message tone. Nakalimutan ko palang i-turn off ito. Kaya naman expected na na tumingin sa akin ang aking mga kaklase kasama na sina Aubrey at Shaine.
"Pssst...silent mode," bulong ni Aubrey.
"Sorry," sabi ko. Agad ko namang nilagay sa silent mode ang telepono ko.
"Hey girl, who texted you?' maarteng usisa naman ni Shaine
"Let me guess, si Jonah yan noh!" Kinikilig naman itong si Aubrey.
Bahagya akong natawa sa reaction nila. Hindi ko na lang sila pinansin.
Pareho nila akong tinitigan na naghihintay pa rin ng sagot ko.
"Kung makatingin kayo parang kakainin niyo ako ha, walang meaning 'yong text niya, okay." Inirapan ko silang dalawa.
Sinubukan ni Aubrey na kunin yong phone sa kamay ko buti nalang mabilis kong naiiwas sa kanya.
"Ano kasi ang sabi?" naiinip na tanong ni Shaine. Mukhang mas excited pa ang mga eto.
Dahil siguradong hindi nila ako titigilan ay ipinakita ki ang text ni Jonah.
Jonah: "Hi Maddie!"
"Iyan lang?" pabalang na tanong ni Shaine habang nakikibasa sa phone ko.
"Sagutin mo rin ng, hi!." Tinuruan pa ako nitong Aubrey na to.
Para naman akong robot na sumunod sa sinabi niya.
Sumagot naman agad si Jonah.
Jonah: "Are you busy?"
Hinablot ni Aubrey yong phone sa kamay ko.
"Ano ka ba, ibalik mo nga yan." pigil na sigaw ko.
Pinipindot na ni Aubrey ang telepono ko, sa palagay ko ay sinasagot niya ang text ni Jonah.
"Not really, just waiting for our prof to come in," basa ni Aubrey sa t-in-ype niya bago niya pindutin ang send button na talagang pinakita pa sa amin.
Pilit kong inaabot ang telepono ko subalit pinasa niya ito kay Shaine.
"Nakakainis talaga kayo, pinagkakaisahan niyo na naman ako. Give me my phone, mga pakialamera!" Nakasimangot na ako. Agad binalik ni Shaine yong ang telepono sa akin, kilala niya ako eh pag nagseryoso na ako, siguradong naiinis na ako.
Nang i-turn off ko na sana ito ay muling nagvibrate naman ito.
Jonah: "Okay, see you around, take care. :-)"
Sa palagay ko ay last text na niya ito kaya hindi ko na ito sinagot.
"Alam mo girl, obvious namang may gusto sa'yo si Jonah eh." Hinimas ni Shaine ang buhok ko.
"Oo nga naman, give him a chance," dagdag pa ni Aubrey.
"Pwede ba tigilan niyo akong dalawa," sabi ko sabay abot ko sa bag para ilagay ang telepono ko. Sigurado akong hindi nila ako titigilan. Hindi naman sa bitter ako pero wala talaga akong interes para pag-usapan ang bagay na 'to.
Isa pa, hindi naman ako naniniwala na may gusto sa akin si Jonah. Sino ba naman ako? Samantalang isa siya sa pinakasikat sa paaralan. Hot, guwapo, mabait, matalino kung meron man siyang gugustuhin ay siguradong 'yong ka level niya at hindi ako 'yon.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomanceYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?