MADDIE'S POV
Sa bahay nina Aubrey ang birthday celebration ni Shaine kasi wala yong mga parents niya at siya lang ang nasa bahay nila kasama ng mga kasambahay.
Nadatnan na nmin sina Chris and Aubrey sa sala, nanunuod sila ng tv habang nakahiga si Chris sa lap ni Aubrey.
"Hi guys!' bati ko.
"Hi, nandito na pala kayo," tumingin si Aubrey at biglang tumayo si Chris sa pagkakahiga, nakipag-high five kay Edward.
Umupo kami ni Edward sa isa pang sofa nag magkatabi. Nanunukso si Aubrey sa titig niya.
"Shut up Aubrey, alam ko yang iniisip mo," sabi ko sa kanya. Lalo naman siyang tumawa.
"Mukhang nakalimot nakayo pare ha,"panunukso ni Chris kay Edward. Pinalo naman ni Edward si Chris ng napakalakas sa balikat. Tawanan naming apat.
"San na ba kasi si Shaine, ang tagal niya ha," I complained.
"Bumili lang ng foods and drinks," sagot naman ni Aubrey.
"Hey, paano pala yong Feasibility study natin sa marketing?" bigla kong siningit.
"We'll fix it after acquiantance party," sagot ni Aubrey.
" I think Chris can help us, tapos mo na yon, di ba bro," tinapik ni Edward si Chris.
"Sure, bro basta nandun si Aubrey," tumingin siya kay Aubrey at nakangiti naman si Aubrey. Napakaganda nilang tignan, they are a perfect couple, maganda si Aubrey at guwapo si Chris.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at napatingin kaming apat. Kasama ni Shaine si Jonah, may isa pang lalaki na medyo maliit pero napakaamo ng mukha, at may isang babae na naka-skirt, sexy at mganda.
"Hi guys andito na pala kayo, sorry ha medyo natagalan," nagsasalita si Shaine habang lumalapit sa amin. Kumaway naman si Jonah.
"By the way this is Kurt,"pakilala niya sa lalaki.
"And this is Nicole, Kurt's sister." at pinakilala rin niya kami. Nakita ko kung gaano makatingin si Nicole kay Edward. Iniwas ko ang tingin ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Mukhang liberated ang babaeng ito, pero no doubt she's really sexy and beautiful.
"Finally, nameet na rin namin ang lalaking nagpapatibok ng puso ng bestfriend namin," biglang sabi ni Aubrey. Pinalo ni Shaine si Aubrey sa kamay. Tawanan naman naming lahat.
"Excited na nga akong makilala kayo, panay kuwento kasi nitong si Shaine tungkol sa inyo." game naman tong si Kurt. Abot tenga naman ang ngiti ni Shaine, halatang masaya siya dahil sa presence ni Kurt.
"Magkakilala kayo ni Jonah?" tanong ko naman.
"Yap, we're in the same department," sagot ni Jonah.
"Pala naman, bakit ngayon mo lang pinakilala si Kurt sa amin, kaw talaga galing mong magtago," panunukso ko kay Shaine.
"Eh bakit kayo ni Edward, sinekreto niyo naman ha," binalik niya sa akin ang panunukso.
Bigla akong nagblush, 'kami na nga ba ni Edward, hindi naman niya ako niligawan, di pa naman niya ako di-nate?' tanong ko sa sarili ko. 'Eh, sabi naman niya commited na siya sa'yo,' tila may boses akong narinig.
Di ako nakasagot sa sinabi ni Shaine, nag-high five lang silang dalawa ni Aubrey. Tumingin ako kay Edward, nakangiti naman siya.
Nakita ko namang nakatingin si Nicole kay Edward. Bigla akong nairita sa babaeng ngayon ko lang nakita. Tahimik lang si Edward na nakaupo sa tabi ko. Patingin tingin din si Jonah sa kinauupuan namin ni Edward.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomanceYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?