Chaptet 10

622 47 15
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na gustong manligaw sa akin ni Jonah, pero bakit parang may kulang? If I were the other girls siguradong maloloka na ako. I really felt sorry for him, napakabait lang niya talaga after nang nangyari,  friends pa rin kami though may mga times na naiilang din ako sa pinapakita niyang sweetness.

Hindi ko naman sinasara ang possibility na magustuhan ko rin siya someday, somehow hindi lang siguro ako handa.

"Hay sa wakas natapos na ang exam!" pasigaw na sinabi ni Aubrey sa loob ng classroom sabay taas ng kamay na para bang bata na nanalo sa laro.

Nagtinginan yong mga classmates namin, "Uy huwag ka ngang maingay, nakakahiya ka." pigil naman ni Shaine.

Sumimangot si  Aubrey at umayos agad ng upo na para bang napagalitan ng nanay. "Nagtext pala si Chris, magkita daw tayo sa canteen after class tuloy na yong bowling natin," hindi siya tumitingin sa amin. Inaayos ko lang ang mga gamit ko, pinapabayaan ko silang mag-usap.

"Talaga? wow excited na ako!" tuwang-tuwang niyugyog ni Shaine sa balikat si Aubrey. Inalis naman ni Aubrey ito.

"Halina nga kayo siguradong andun na yon sa canteen," pagyayaya ko sa kanila. Agad kaming tumayo at naglakad na patungong canteen.

"Musta naman yong date niyo ni Jonah last week," usisa ni Shaine habang bumababa kami sa hagdan.

"Okay lang,"ayokong magbigay ng detail tungkol dito.

"Ikwento mo naman," nangungulit na sabi ni Shaine.

"Sinagot mo na siya noh?"diretsahang tanong ni Aubrey.

"What, anong sinabi mo? Sinagot ko na siya?" sigaw ko sa kanya habang papalapit na kami sa canteen. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin sina Edward at Chris, narinig kaya nila yong sinabi ko?

Wala namang nagreact tungkol doon so malamang hindi nila narinig 'yong sinabi ko. Dumiretso kami sa parking area kung saan nakapark ang sasakyan ni Chris at Edward.

Binuksan ni Chris ang pintuan ng sasakyan niya, "Sino sasakay sa akin?"  tanong niya pero  nakatingin siya kay Aubrey, samantalang si Edward tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kotse niyang pang karera, na mukhang mamahalin.

"Ako na lang," biglang pumasok sa kotse ni Chris si Aubrey na obvious namang may something sa kanila.

"Oh Madz kay Edward ka na lang, kaw Shaine sa amin ka ba sasabay?" nakakalokong tanong ni Chris kay Shaine. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin ako kay Shaine na tila ba nakikiusap na sa amin na lang siya sumabay. Hindi pa rin umiimik si Edward na nasa loob na ng sasakyan habang nakabukas ang pintuan.

"Kina Madz na lang ako sasakay," sa wakas nasabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Sumakay agad sa likuran si Shaine, naunahan niya ako, alangan naman na sa likuran din ako, di magmumukhang driver na namin si Edward.

Umupo ako sa may passenger's seat. Nakalabas na kami ng campus di pa rin nagsasalita si Edward, ilang araw na ganito siya kapag nakakausap namin tahimik lang siya, matipid kung sumagot at panay ngiti lang, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

Edward switched on the radio...

Standing by my window

Waiting for your call

Seems I really missed you after all

Nang biglang...

"Girl favorite mo," Shaine broke the silence.

"Shut up!" tinignan ko sa likuran, nakangiti na parang nanloloko.

"Sinasabi ko lang," tumawa siya.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon