Chapter 35

365 24 5
                                    

EDWARD'S POV

Pilit kong inilalayo si Maddie sa impyernong lugar na ito, naramdaman ko na merong hindi magandang gagawin si Brice pero huli na ang lahat. Huli na para maiwasang masaktan si Maddie.

"Maddie!" Sigaw ko habang tumatakbo siya papalayo. Hindi siya humihinto, kahit my mga nabubunggo na siyang mga guests.

Ano ang ginawa ko, nasaktan ko  ang pinakamamahal at pinaka-iingatan kong babae. Kung sana noon nasabi ko na sa kanya ang tungkol dito, alam kong muunawaan niya at alam kung hindi kami susuko.

Si dad lang ang may pakana ng lahat ng ito sa simula pa lang ay siya na ang may gustong makasal ako kay Brice at pilit kung tinatanggihan ito. Tila bumalik sa isip ko ang pilit na panghihikayat ni dad.

Nakalabas na si Maddie sa gate, sinundan ko siya at hinawakan ko sa kanang braso, para akong nabuhusan ng tubig ng makita ko ang mukha ni Maddie habang umiiyak.

"Please, huwag mo akong hawakan!" Hinila niya ang kamay niyang hawak ko.

"Maddie, please listen," pagmamakaawa ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin at patahanin para maalis ang sakit na nararamdaman niya.

"Edward, please leave me alone," patuloy pa rin ang pag-iyak niya, sumandal siya sa pader na tila kinailangan niya para hindi siya matumba.

"Babe, please." Hinawakan ko ang palad niya subalit inalis niya ito.

"Edward, maraming beses kitang binigyan ng pagkakataon para sabihin sa akin ang gumugulo sa isip mo, pero bakit pinaabot mo pa sa ganito, anong nagawa ko sa'yo bakit kailangan mo akong saktan ng ganito, tell me, anong kasalanan ko sa'yo!" Sumisigaw na siya habang pinupukpok niya ng isang kamay niya ang dibdib ko. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Bakit hinayaan mong mahalin kita ng lubusan kung may iba na palang nagmamay-ari sa'yo." Humahagulgol na siya at tuluyan ng napaupo.

"Maddie, natakot ako na baka iwan mo ako, but I promise to tell sa tamang oras." Umupo na rin ako at hinawakang muli ang kamay niya.

"Pero ano, ito ba ang pagkakataon na sinasabi mo? Ang masaktan ako, matatanggap ko ba 'yon Edward? Tell me, kaya ko bang tanggapin ang pagkakataong ito!" Nakatiklop ang mga tuhod niya habang nakaupo, damang dama ko ang mga salitang binibitiwan niya, kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Maddie, I'm sorry, Please forgive me.Sila lang ang may gusto nito. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, mahal na mahal kita, please don't give up on me Maddie, please." Hinipo ko ang kanyang mukha, pero patuloy pa rin ang pag-iling niya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko, tumayo siya.

"I don't know, kung talagang mahal mo ako please just leave me, please leave me alone." Mahina ang kanyang pagkakasabi subalit malinaw na malinaw sa akin.

"Maddie, are you okay?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita. Lumapit si Nicole kay Maddie, inakbayan niya ito.

"Maddie, are you okay?" Inulit niya ang tanong, humagulgol si Maddie sa balikat ni Nicole.

"Nicole, please leave us. We need to talk." Matigas kong sabi kay Nicole. Umalis siya sa pagkakayakap ni Maddie.

Humarap si Maddie sa akin, "Edward, please go." Pakiusap niya.

"Maddie, I won't leave you here. Please let's talk about this." Hindi pa rin ako sumusuko na kausapin siya.

"I said leave me alone!" Tuluyan ng sumigaw si Maddie at muling humagulgol.

"Edward, I'll take care of her." sabi ni Nicole na nakahawak sa balikat ni Maddie.

"No, Maddie please listen to me." Hindi ko na alam ang gagawin ko para maamo ko si Maddie.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon