MADDIE'S POV
Hindi ko maiwasang tanungin si Edward kung ano ang nangyari between him and his father, they seemed okay na. I'm glad atleast my development sa relationship nila.
Hindi ko rin alam if what was his ultimate reason bakit napapayag siyang tumira si Hannah sa Tita niya. Pero hindi niya ako sinagot, I respect his decision, baka hindi pa siya handang i-confide ito sa akin.
Pagkatapos ng class namin ay hinatid niya ako sa apartment.
"I'll pick you later, so be ready," nakangiti niyang sabi at hinalikan niya ako sa pisngi bago ako bumaba from his car.
Pagpasok ko sa apartment ay nadatnan kong nanonood ng tv si Ate Lorraine yong pinsan kong kasama ko sa apartment.
"Madz nandito kanina ang kuya Alfred mo, hinahanap ka niya," sabi nito.
Ano kaya ang ginagawa ni Kuya Alfred dito, bakit niya ako hinahanap?
"Bakit daw 'teh?" tanong ko habang umuupo ako sa sofa.
"Wala naman siyang sinabi, umalis sila agad ng mga kasama niya nung hindi ka niya nadatnan."
May mga kasama siya? Di ko maiwasang mag-alala
"Ay ganun po ba? Sige 'teh akyat muna ako," umakyat ako sa kwarto.
Iniisip ko pa rin kung bakit nandito si Kuya Alfred, pinadala kaya siya ni Mama, pero parang imposible naman kasi sigurado akong hindi siya papapuntahin ng mama dito. Siya ang black sheep sa family namin, nakulong nga siya ng isang gabi dahil napagbintangan siyang nagtitinda ng drugs. Kahit nung buhay pa si Papa, sakit na siya sa ulo nila. Pero never naman na nagkulang ang parents ko sa kaniya. Close naman din kami, pero magmula ng mamatay si Papa parang nawala na ang closeness namin.
Narinig kong tumunog ang phone ko pero hindi ko ito pinansin, humiga ako sa napakalambot kong kama. Nakatingin ako sa kisame at naalala ko ang mga pangyayari kanina.
Napangiti ako nang maalala ko ang reaction ni Nicole nung nabuhusan siya ng juice.
Buti nga sa kanya, kung makapagsalita akala mo kung sino. In the first place hindi ko naman siya kilala, halata namang gusto niya si Edward, para akong sira na inaaway ko sa isip ko si Nicole.
Tumingin ako sa relong nakasabit, 6:00 PM. Tumayo ako agad para maghanda sa date namin ni Edward, since this is our first date, I'm so excited. One of the memorable moments na kasama ko siya was when we went to the Secret Garden 2 months ago, pero I must say na we were just starting na maging okay, and I'm glad it turned out okay naman.
I opened my cabinet, at kinuha ko ang pink cocktail dress ko, it's plain; above knee level, with crew neckline and and belt. Gift sa akin ni mama, bigla akong nalungkot ng maalala ko si mama.
Kumusta na kaya siya? Matagal na ring hindi siya tumatawag sa akin. Baka masama pa ang loob sa akin. Tatawagan ko na lang siya bukas.
I applied some make up, hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito, just to be presentable sa first romantic date namin ni Edward. Napangiti ako as I stressed romantic date?
Maya-maya ay ma kumatok sa pintuan, "Madz, may bisita ka," sigaw ni ate Lorraine.
"Sige 'teh pababa na ako," sinuot ko agad ang matte light gold sandals, grabbed my bag and once more looked my self sa mirror. Hinayaan ko lang na nakalugay ang blonde hair ko.
Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Edward nakaupo sa sofa, kahit nakatalikod lang siya ay kitang-kita ko na ang kaguwapuhan niya.
Marahil narinig niya ang mga yapak ko at bigla siyang tumayo at humarap sa akin. Hindi ko maiwasang humanga sa lalaking mahal ko na nasa aking harapan.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomantizmYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?