EDWARD'S POV
Paghatid ko kay Maddie ay hindi ako umalis, nagpark ako sa di kalayuan sa apartment niya, hinintay kong makaalis ang mama niya. Nang makita kong umalis ang mama niya ay agad ko siyang pinuntahan.
Ilang beses na akong kumakatok hindi pa rin niya binubuksan ang pinto, nag-aalala na ako sa kanya. "Maddie, please open the door," sigaw ko. Hindi niya ata ako naririnig o sadyang ayaw niyang buksan ang pinto.
Maya maya ay umangat ang pintuan agad akong pumasok, umiiyak si Maddie. Biglang nadurog ang puso ko ng makita ko siyang umiiyak.
"What's wrong babe?" hawak ko ang kanyang mukha at pinupunasan ko ang luha niya, umiiling lang siya.
"Maddie, tell me what's wrong? Anong ginawa ng mama mo sa'yo," bigla siyang umiyak ng malakas, niyakap ko siya ng mahigpit.
Humihikbi siya, hindi ko alam kung paano ko papawiin ang sakit na nararamdaman niya. "Gusto nila akong ilayo sa'yo Edward," hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko sa mama ni Maddie, bakit gusto niya kaming paghiwalayin.
"Please tell me, hindi ka papayag, please Edward tell me," paulit-ulit niyang sinasabi.
Hinawakan ko ulit ang kanyang mukha, "No, hindi ako papayag, hindi tayo papayag na paglayuin nila tayo," assurance, assurance ang gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako papayag.
Pinaupo ko siya, isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko, hindi na ako makapagsalita, wala akong gustong gawin sa oras na ito kundi ang yakapin siya.
Kung nagkataon dalawang babaeng pinakamamahal ko ang mawawala sa akin hindi ako papayag.
Nang makatulog siya ay binuhat ko siya sa kuwarto niya, pagpasok namin, isang napakasimpleng kwarto ang bumungad sa akin, inihiga ko siya sa kanyang kama na puro mickey mouse ang gamit. Nangingiti ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Walang ka-arte arte, family picture lamang ang nakita kong nakasabit sa wall. Sa mesa niya ay may laptop, napansin ko ang isang notebook parang diary, sa una nag-aalangan akong buksan ito.
Di ko matiis na hindi ko buksan ito, pagbuklat ko sa notebook isang quote ang nabasa ko. "You have to fight for the person you love, they only comes once, you'll regret if you let them go." MADDIE♡
Nabasa ko rin ang naranasan niyang hinagpis sa magkamatay ng kanyang papa, napansin kong may ilang pages na napunit na, natuwa naman ako ng hindi ko mabasa ang pangalang Lucas. Napansin ko ang mga salitang ito na sulat kamay ni Maddie:
I didn't expect na yong napakasungit na lalaking nakabangga ko ay classmate ko pala sa dalawang subject his name is Mr. Edward James Vera. Ngumingiti lang ako...
I didn't expect, na makaramdam ako ng selos when I saw Brice kissing him, para bang nasampal ako sa oras na yon, hindi ko maipaliwanag.
Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya.
I didn't expect, he brought me to a butterfly sanctuary, he is a good person pala, weird lang minsan, moody! But I really appreciate yong ginawa niya, hindi niya lang alam kung gaano niya ako napasaya... Parang nag-iba ang pananaw ko sa kanya, may sweetness din pala sa katawan niya :) Natatawa ako sa sinabi niyang weird at moody ako
I didn't expect, nung hinalikan niya ako ay nahuhulog na pala ako sa kanya, I started loving him, I know nung una ko pa lang siyang nakita I started liking him...mukha lang siyang torpe at gago :)
Sa susunod pang mga sulat ay puro I didn't expect ang unahan. Gusto ko pa sana itong basahin ng biglang nagising si Maddie, agad ko itong nilapag sa mesa ng hindi niya nakikita.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomanceYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?