Lumipas ang buong araw ng graduation, hindi ko magawang matuwa. Lungkot at takot ang bumabalot sa akin. Nangako ako kay Edward na hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari, pero kailangan ako ni mama, alam kung naiintindihan niya ako.
Tumunog ang phone ko, tumatawag si Edward. "Maddie, how's tita? How are you?" Malungkot ang boses niya. Napabuntong hininga ako, we need to be strong kailangan naming gumawa ng paraan. Oo, nasaktan ako nang nalaman ko ang buong nangyari, kahit kailan hindi na-ikwento ni mama ang dahilan kung bakit umalis si papa nang raw na 'yon. Subalit, hindi ito ang magiging dahilan nang paghihiwalay namin ni Edward.
"Maddie, can we talk?" Pakiusap niya.
"Edward hindi ko pwedeng iwan si mama."
"I'll go there," sabi pa niya.
"Edward, palipasin muna natin 'to." Ayokong sabihin na ayaw siyang makita ni mama, ayoko siyang masaktan dahil napamahal na si Edward kay mama.
"Okay, I understand. I'm sorry for what had happened." Hindi ko siya nakikita pero alam kong nag-aalala siya.
"Edward, wala kang kasalanan. It happened na anak tayo ng magulang nating my nakaraan." Ayoko kong makaramdam siya ng guilt, o mapressure siya dahil sa nangyayari. He has gone through enough sa pamilya niya.
"Babe, be strong. I love you." Sabi niya.
"I love you, Edward. We'll get through this." Naging mas mature kami sa mga problema na dumarating sa relationship namin.
Hinayaan ko lang si mama sa kuwarto, she needs to rest. Sana dumating ang pagkakataon na matanggap na niya ang mga nangyari.
Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng apartment. "Sis, happy graduation!" Sigaw ni kuya Alfred. Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Kuya!" Gulat kong sabi.
"Bakit parang nagulat ka? Saan si mama?" Kinakabahan ako, paano kung malaman ni kuya ang lahat, baka pati siya ay magbago ang pakikitungo niya kay Edward.
"A-ah, nagpapahinga sa taas." Nauutal kong sabi. Tumakbo siya paakyat sa kuwarto. Lalo akong kinabahan. Ilang minuto na nanatili si kuya sa kuwarto, sinabi na kaya ni mama ang lahat?
Narinig ko ang yapak ng kanyang mga paa pababa sa hagdan. Nakatitig lang ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.
"Maddie, alam kong napakahirap sa'yo 'to, pero kailangan ka ni mama." Nakayuko siya habang nagsasalita. Marahil ay nasabi na ni mama sa kanya. Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya. Nakaramdam ako ng relief dahil hindi siya nanumbat, at hindi niya kinwestiyon si Edward. Tumango ako bilang tugon sa sabi niya. Tumayo siya at umalis na.
ILANG ARAW ang lumipas na hindi kami nagkita ni Edward, tanging text at tawag lang ang nagsilbing komunikasyon namin, naghihintay kami ng tamang pagkakataon para makapag-usap muli ang mama at tita Laura. Nami-miss ko na siya, nami-miss ko ang yakap at halik niya, pero kailangan naming magsakripisyo sa pagkakataong ito. Nasa probinsiya ako kasama si mama.
"Ma, lunch is ready!" Sigaw ko habang nasa sala siyang nagcocompute ng pinagbentahan niya ng palay. Magaling talagang magmanage si mama, unti-unting lumalago ang rice business namin, meron na rin kaming sariling ricemill at marami rin ang nakikisaka sa mahigit isang hektaryang lupain namin dito sa probinsiya.
"Coming!" Sigaw din niya. Pero bago pa siya tumayo ay may kumatok sa pintuan. Tumakbo ako para buksan ito, baka si kuya Alfred lang hindi kasi siya umuwi kagabi.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Edward at tita Laura na nakatayo sa labas ng bahay. Tinapunan ko ng tingin si mama.
"Sino 'yan Maddie?" Tanong ni mama habang nililigpit ang nagkalat na papel sa lamesa. Napahinto siya nang nakita niyang nakatingin lang ako sa kanya. Naglakad siya papalapit sa may pinto.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomanceYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?