Pag-akyat niya sa stage ay naghiyawan at palakpakan ang mga tao sa resto. Tama ba tong nakikita ko, si Edward ay nasa stage, anong ginagawa niya? Sa kabila ng maraming dim lights, titig na titig ako sa kanya, ayoko kong lumagpas ang pagkakataon na makita ko ang anumahg gagawin niya sa stage.
Nakipag high five sa kanya ang mga band members, biglang hinagis ng lalaking sa malayuan ay masasabi mong guwapong nakaupo sa may drumset ang stick na hawak niya, muntik pa ngang hindi masalo ni Edward at nagtawanan sila...Tumayo ang lalaki at ibinigay ang isa pang stick kasyEdward at tinapik niya ito sa balikat.
Umupo si Edward sa may drumset chair, bigla siyang nagdrum rolling, hiwayan ng mga customers, napapapalakpak naman ako. Nakangiti si Edward habang ikinakaway niya ang stick na nasa kanyang kamay sa may direksyon ko, kumaway naman ako.
"Okay friends, did you miss this thing?" kausap ni Akim ang mga audience.
"Yes!!!" sigawan naman nila. Nasha-shock ako sa nasasaksihan ko. Is Edward playing the drums? Is he a part of a band? tanong ko sa sarili ko.
"This time, this song na nasusunod naming kakantahin is dedicated to the lovely girl na nasa aking harapan," he pointed me. What, really? Naglip sync ako ng "thank you".
"It is my honor to present to you my friend in drum, Mr. Edward James Vera!"he emphasized. Kailangan talagang kumpletuhin...Some of the customers stood up at naghiyawan sila, most of them are girls..
"This is for you Maddie," Akim said and finally the music starts.
"Ohhhwwww!" sigaw nila. Hindi pa rin umaalis ang mga titig ko kay Edward who is now playing the drum. I can feel the music, they are playing Invisible by Hunter Hayes, lalong naghiyawan ang mga tao, ganadong-ganado naman sina Edward.
Nang matapos ang tugtog, hindi ko napigilang hindi tumayo at sumigaw. Nakita kong tumakbo pababa si Edward going to me.
"Hey, you're amazing," pagbati ko sa kanya, mabuti na lang at napigilan ko siyang yakapin.
"Did you like it?" He asked.
"Of course! Ang galing niyo, ang galing mo," I praised. Inalok niya akong umupo. Suddenly may biglang lumapit na 2 girls sa kanya.
"Hi Edward, you still play the drums awesome,!" she praised while tapping the shoulder back of Edwards.
"Hi guys, thank you, thank you." he said.
"Oh by the way, where is Brice?" the other girl asked. I pretended na hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Pagbanggit pa lang ng pangalang Brice ay biglang kumaba ang aking dibdib, biglang may kung anong takot ang bumalot saakin.
I forgot Edward has a girlfriend, tas andito ako kasama niya, how dare me, sumasama sa lalaking may girlfriend. What if nalaman ni Brice na magkasama kami ni Edward, I knew the feeling, alam ko kung paano masaktan dahil hindi lang minsan kundi pang-ilang beses akong nasasaktan nang malaman kong niloko ako ng boyfriend ko.
I didn't hear anymore ang sagot niya sa dalawang babae, I just saw them left.
Nanlambot ako sa katotohanan na meron na palang girlfriend si Edward, at eto ako masaya na kasama ko siya, alam mo na palang may girlfriend siya bakit ka sumama?' parang galit ang sarili ko sa sarili ko...'Deal nga lang ito diba,' sagot naman ng isa pa.
"Are you okay?" he asked, hawak niya ang kanyang drinks.
Tumango ako, "can we leave now?" I asked him.
Hindi naman siya nagdalawang isip "Okay, magpapa-alam lang ako kina Akim," he said at tumayo siya pumunta sa table nina Akim, after a while he returned.
BINABASA MO ANG
I Thought You Said Forever (Completed-Editing)
RomanceYayakapin mo ba ang buo niyang pagkatao, gayong hindi mo naman kayang tumakas sa sarili mong nakaraan? Iibig ka pa ba sa kabila ng mga sakit na iyong naranasan at sa sakit na idudulot ng bagong pag-ibig?