Chapter 19

488 33 8
                                    

MADDIE'S POV

Hawak pa rin ni Edward ang kamay ko papalabas sa bahay nina Aubrey, tulala pa rin ako sa nangyari, sa ginawa ni Edward.  Ngayon ko na nararamdaman ang epekto ng alak.

"Edward, 'san ba tayo pupunta?" Medyo nahihilo kong tanong sa kanya.

Padabog niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan, "Edward ano ba sagutin mo ako," mahina kong sabi. Hindi pa rin sumasagot si Edward, halatang galit siya dahil sa kilos niya.

Naiinis na ako sa hindi niya pagsagot, "Saan sabi tayo pupunta eh, at bakit mo sinuntok si Jonah?!" hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso. Kinampay niya ako.

Hindi pa rin ako pumapasok sa sasakyan, hawak-hawak  pa rin niya ang pintuan at hinihintay niyang pumasok ako.

"Ano ba Edward, nakakahiya naman sa kanila, balik na tayo dun!" sumigaw ulit ako.

"Hindi mo ba nakita yong ginawa ni Jonah?!" pasigaw niyang sabi. Bigla akong natakot sa taas ng boses niya, tila umaapoy ang mata niya sa galit.

Kumalma ako, "Ano ka ba hindi niya gagawin yon, kilala ko si Jonah," 

"Come on Maddie, he almost kissed you!" sinara niya ng malakas ang pintuan.

"Nagseselos ka noh," nakangiti kong sabi.

"Shut up Maddie!"

"Please pasok ka na," nagtitimpi niyang sabi.

Hinila ko ang kamay niya, "Balik na tayo sa loob, please."

"No, hindi na tayo babalik dun, hindi mo ba nakita yong ginawa nila, they took advantage," sabi niya.

"Ano bang problema mo? Birthday ng bestfriend ko yon, ano aalis na lang tayo?"  pagalit kong sabi at sumandal ako sa pintuan ng sasakyan.

"Sinabi ko naman sa 'yong hindi gagawin ni Jonah yon!" hinawi ko ang buhok ko sa inis.

"Please pumasok ka na sa loob ng sasakyan," pakiusap niya. Nagsisimula ng pumatak ang ulan.

"Hindi mo ba ako naiintindihan! Kailangan nating bumalik sa loob!" sigaw ko ulit.

"Ginagawa mo lang na dahilan si Shaine, pero sa totoo lang...!" bigla siyang huminto. Nang marinig ko yon ay biglang nag-init ang pisngi ko.

"Ituloy mo!" pasigaw kong sabi, umiling lang siya.

"What do you mean!?" sigaw ko sa kanya. Unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mata ko.

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa'kin?" pumatak na ang luha ko, pero hindi niya ito nakikita.

"Please Maddie pasok ka na sa sasakyan," lalo akong nainis sa sabi niya. Bakit hindi niya sinasagot ang tanong ko, anong ibig niyang sabihin?

Pumunta ako sa gate at binuksan ko, "Kung ayaw mong pumasok, ako na lang!" nanatili lang akong nakatayo sa harap ng gate hawak ang pinto.

"Fine, sige pumasok ka, tutal nandun naman si Jonah!" sigaw niya at pumasok siya sa loob ng sasakyan. Nagulat ako sa sinabi niya.

Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha ko, wala na akong lakas para pumasok pa sa bahay nina Aubrey. Narinig kong umalis ang sasakyan ni Edward  lalo akong umiyak.

Napakababa ng tingin niya sa akin, ganun ba kababaw ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya? Hindi niya ako naiintindihan, hindi niya alam kung gaano ko siya kamahal. Pare-pareho lang sila,  iniwan niya din ako. Walang tigil akong umiiyak hanggang bumuhos na ang napakalakas na ulan, umupo ako at niyakap ko ang dalawang tuhod ko habang iyak ako ng iyak.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon