Chapter 42

358 23 6
                                    

"Did you hear me? I said, hinatid ko na si Edward sa bahay nila. You can see him and have fun." Nakakaloko niyang sabi, sabay talikod na halos matamaan pa ako ng hawak niyang bag.

Hinawakan ako ni Aubrey sa braso, para akong tuod na nakatayo. Gusto kong hindi maniwala kay Brice, alam kong hindi ako sasaktan ni Edward.

"Madz, are you okay?" Inakbayan ako ni Shaine samantalang hawak pa rin ni Aubrey ang braso ko. Tumango ako habang nagbabadyang pumatak ang luha sa mata ko.

"Madz, huwag kang maniwala sa desperadang 'yon," sabi ni Shaine. Alam kong pinapagaan lang nila ang pakiramdam ko. Pilitin ko man ang isip ko na huwag maniwala kay Brice, iba naman ang tinitibok ng puso ko.

"Guys, I need to see him. I have to go." Bigla akong bumitiw sa kanilang dalawa, ayokong makita nilang tuluyang dumadaloy ang ma luhan ko.

"Madz..." narinig ko pang nagsalita si Shaine, pero hindi na nila ako hinabol. Alam kong naiintidihan nila ako.

NAGMADALI akong pumunta sa bahay nina Edward. Binuksan agad ni Manang Leny ang gate.

"Maddie ikaw pala yan," nagtatakang tanong ng matanda.

"Manang dumating na po ba si Edward?" Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Matutuwa ako dahil makikita ko siya, at mawawala na ang kaba sa dibdib ko...Subalit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, parang may kung anong pumipigil sa akin. But I need to see him, para malaman ko kung okay siya, kung okay kami at kung totoo ang sinabi ni Brice.

"Nasa kuwarto na siya," tumingin si manang sa akin na tila may pag-aalinlangan. Direstso ang tingin ko sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin, nagdadasal na sana walang katotohanan ang sinabi ni Brice.

"H-hinatid siya ni Ma'am Brice." At yumuko si manang. Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni manang. Bigla akong nanghina sa narinig ko, kilala ko si Brice, sasamantalahin niya ang kahinaan ni Edward. Nanlulumo akong naglakad papunta sa kuwarto ni Edward. Pagpasok ko ay nakita kong napakahimbing ng tulog ni Edward, dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa kama. Hinaplos ko ang kanyang mukha, Edward, may dahilan ako kung bakit ko nagawa 'yon at ikaw ang dahilan sana maintindihan mo. Bulong ko sa sarili, at unti-unti na namang pumapatak ang luha ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nabigla ako sa sinabi ni Edward, hindi ko inaasahan na 'yon ang una niyang sasabihn.

"Babe," hinawakan ko ang kanyang mukha.

"Maddie, please leave me alone." Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang mukha.

EDWARD'S POV

Alam kong nagulat si Maddie sa sinabi ko. Subalit hindi ko kayang makipag-usap sa kanya. Sariwa pa rin sa akin ang ginawa niya, hindi maalis sa isip ko kung paano niya nagawang magtago sa akin. Ang paulit-ulit na ala-ala kung paano siya hinalikan ni Jonah ay parang isang bangungot. Halos itapon ko ang phone ko nang makita ko ang isang multimedia message na pinadala ni Nicole. Gusto kong patayin sa oras na 'yon si Jonah.

"Edward, please pag-usapan natin 'to," umiiyak na sabi Maddie. "Kausapin mo ako, please." Paki-usap niya. Alam kong hindi ko siya matitiis subalit nauunahan ako ng galit.

Umupo ako sa kama, "Maddie, hindi ko kayang unawain ang ginawa sa'yo ni Jonah, ang ginawa mong pagtatago sa akin. Hinayaan mo na lang sana akong makulong." Nakayuko pa rin akong kausap siya, samantalang siya'y humihikbi.

"Edward, I'm sorry. Ginawa ko 'yon para sa'yo." Paulit-ulit kong naririnig na sinasabi niya.

"Hindi ko sinabing gawin mo 'yon, ilang beses kong sasabihin sa'yo na mas nanaisin ko pang makulong, pero hindi ka nakinig sa akin." Ayaw tanggapin ng isip ko na ako ang may kagagawan nang lahat ng ito. Ayoko nang mag-suffer pa si Maddie nang dahil sa akin, mahihirapan siya sa piling ko. Mahihirapan siyang unawain ako, mahihirapan siyang tanggapin ang nakaraan ko, ang pamilya ko at ayoko na siyang masaktan pa.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon