Chapter 44

365 24 10
                                    

MADDIE'S POV

Nawala lahat ng pag-aalinlangan ko, alam kong sa simula pa lang ay napakahirap na ng relasyon namin ni Edward, but despite of our differences, our love to each other binded us.

Ito ang araw ng acquaintance party namin. Hinatid ako ni Edward sa apartment para maghanda for tonight's event.

"See you later, babe." Mabilis niya akong hinalikan sa lips. Tumakbo na siya papuntang range rover niya. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

Makalipas ang dalawang oras ay handa na ako sa school party. Nakasuot ako ng black dress na hanggang tuhod ang haba. I put make up na simpleng-simple lang, and for me this is just perfect para sa isang katulad ko. Last acquaintance na namin ito, by March next year ay ga-graduate na ako. I am so excited na tuparin ang pangarap kong maging katulad ni papa.

Biglang may kumatok sa pinto. "Madz, ready?" Boses ni Shaine 'yon. Ang usapan namin ni Edward sa Star Hotel na lang kami magkikita kung saan gaganapin ang party, sinabi ko kasi na susunduin ako ni Shaine at Aubrey dahil namiss ko talaga ang mga bestfriends.

Tumakbo ako pababa sa hagdan para buksan ang pinto. Napatitig sa akin si Shaine, "Girl, is that you?" Natatawang sabi niya. "Beautiful!" Itinaas pa niya ng bahagya ang dresa ko.

"Tumigil ka nga, ikaw nga diyan ang beautiful," tukso ko sa kanya at niyakap ko siya. Naghihintay si Aubrey at Chris sa sasakyan, late ko ng nalaman na break na pala si Kurt at Shaine. I know Shaine, napakatatag na babae kaya siguradong move on na siya agad.

PAGDATING namin sa hotel ay napakarami ng mga estudyante, very elegant at talagang pinaghandaan nila ang gabing ito.

Saan na kaya si Edward? Naiinip kong tanong sa sarili ko.

Pumasok kami sa hall na paggaganapan ng party. Tumingin tingin ako sa paligid baka sakaling dumating na si Edward. Paglingon ko sa may entrance ay nakaradam ako ng kaba nang makita ko si Lucas. Bakit siya nandito? Iniwas ko ang tingin ko para hindi niya ako makita at umupo na lamang ako, subalit hindi pa rin ako mapakali. Ilang buwan din na hindi ko siya nakita, walang closure sa aming relationship, ang tanging alam ko lang ay niloko niya ako.

Bumulong si Shaine,"Madz, bakit nandito si Lucas?" nakita rin pala niya. Hindi na lang ako sumagot.

"Okay ka lang ba?" Bulong niya ulit. Tumango lang ako.

"Punta muna ako sa powder room," sabi ko sa kanya. Tumayo ako at hinahanap kung nasaan ang comfort room nila dito. Nang papasok ako sa may sign na comfort room ay biglang may humawak sa kaliwang braso ko.

"Beatrice," napahinto ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na bukod tanging tumatawag sa akin ng second name ko. Kinabahan ako bigla, hindi ko alam kung handa na ako para harapin si Lucas.

Humarap ako sa kanya ng hindi nagsasalita. "Beatrice, can we talk?" Malumanay niyang sabi hinawakan niya ako ulit sa braso. Nagtagpo ang mata namin, napakapamilyar ng mata niya sa akin, magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko. Tuwa na alam kong hindi na ako apektado sa kanya, kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung napatawad ko na siya sa pagtataksil niya sa akin.

"Can we talk please," pakiusap niya. Naglakad ako papunta sa isang area na may sala, may mga tao sa paligid pero umupo na lang ako. Hindi ko na gustong marinig ang paliwanag niya, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na nakalaya na ako sa galit ko sa kanya, na tapos na ang lahat at kinalimutan ko ang mga nangyari. Umupo siya sa tabi ko.

"Beatrice, I don't know if this is the right place and time para humingi ng tawad sa nagawa ko sa'yo, it's been six months na hindi kita nakita." Hindi man ako nakatingin sa mga mata niya pero alam kong sincere siya sa mga sinasabi niya.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon