Chapter 1

1.5K 60 31
                                    

MADDIE'S POV

Matatapos na naman ang summer break. Papasok na ako sa huling taon ko sa kolehiyo. Isang taon na lang ga-graduate na ako. Unti-unti ng maisasakatuparan ang pangarap ko.

Simula nang maghiwalay kami ni Lucas ay tanging sa mga activities lang sa school itinuon ko ang aking oras. Paraan na rin para makalimot.

Hindi madali ang ang pag-enrol sa klase. Kailangan mong pumila ng pagkahaba-haba para makakuha ng magandang schedule, swerte ka kapag hindi pa puno ang schedule. Kung hindi wala kang choice, tira-tira ang ibibigay sa'yo at hindi ka na makakatanggi dahil nasa huling taon ka na. Kaya minabuti kong mag-enrol nang maaga dahil kailangan ko talagang pumili ng magandang schedule na tutugma sa part time job ko tuwing sabado.

Sobra ang pagtanggi ni mama at ng kapatid ko sa desisyon kong magtrabaho ng sabado, pero sa bandang huli ay napapayag ko sila sa kadahilanang alam nilang makakatulong ito para makalimutan ko si Lucas. Kaya naman abot ang pasasalamat ko.

Tumingin ako sa pambisig kong relo habang naglalakad papasok sa University. Nagdadasal na sana ay konti pa lang ang mga estudyanteng nag-i-enrol. Siguradong kanina pa naghihintay ang dalawa kong kaibigang si Aubrey at Shaine. Sesermonan ma naman ako ng dalawang 'yon panigurado.

Nasa malapit na ako ng gate nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono ko kaya naman kinuha ko ito agad mula sa bulsa ko.

"Hello," bungad ko.

"Hoy girl! Where are you na ba? Ang haba-haba na ng pila wala ka pa!" Para akong nabingi sa lakas na tinig na 'yon Shaine sa kabilang linya.

"Heto na po, naglalakad na papasok ng campus."

Bago ko pa man tapusin ang usapan namin ni Shaine ay isang nakabibingi at nakababasag ng ear drums ang busina ng sasakyang gumulat sa akin na dahilan ng pagkahulog ng telepono ko.

"Oh my God!" sigaw ko sa gulat. Sobra akong nataranta nang makita ko ang nagkalasan na parte ng telepono ko sa semento. Nagmadali kong pinulot ang mga bahagi nito subalit walang tigil pa rin sa pagbusina ang sasakyan. Iyong tipong parang may emergency sa kabubusina, sana nga lang talagang may emergency dahil maiintindihan ko pa!

"Maghintay ka!"sigaw ko. Nakakawindang, lalo akong nararattle sa ginagawa ng driver. "Bastos!Hindi man lang makapaghintay!" nanginginig sa galit kong sabi. Nang nasigurado kong napulot ko na ang bawat parte ng telepono ay nagmadali akong umatras palayo sa kotse. Nakita ko ang pagbaba ng windshield ng sasakyan, pero agad naman itong itinaas. Mataman kong pinagmasdan ang driver sa loob ng tinted na sasakyan, pero hindi ko pa rin maaninag, ang sigurado ako ay lalaki ang nagmamaneho.

'Pasalamat siya at hindi ko siya nakikita, kung hindi talagang nakatikim na eto sa 'kin ng masasakit na salita.' bulong ko sa sarili ko. Bastos eh!

Mabilis niyang pinaandar and Black Range Rover car papasok sa campus. Pinalo ko ng kamay ko ang pwetan ng sasakyan, aray! Bwisit! Muntik pa akong madapa.

Napakamalas ko naman sa araw na ito, kung kelan nagmamadali tsaka naman may umi-eksena pa.

"Yabang!" sigaw ko pa rin. Tumingin ako sa paligid tanging 'yong guard lang ang nakakita sa akin. Nilapitan niya ako.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Tumango lang ako bilang tugon at tumalikod na.

Black.Range.Rover. inisa-isa ko sa isip ko ang sasakyan ng lalaki. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataong gumanti, gaganti ako! Kung gaano kabilis humarurot ang sasakyan niya ay kabaligtaran naman ako sa paglalakad, bigla akong nawalan ng gana, samantalang nanginginig pa ang mga kalamnan ko dahil sa galit. Kaya naman dumaan pa ako sa canteen para makabili ng tubig para kahit papaano ay kumalma ako.

I Thought You Said Forever (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon