《CHAPTER 16》
~Present time~
-K I E R A-
"Resta con me per sempre" his italian words became my comfort even though hindi ko maintindihan. (stay with me forever)
"Please don't go"
Napayuko ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pakiramdam ko bumibigay na ako e.
"Please let me my lord, I have to finish my business with my husband and I promise I will try to come back for our kids just please let me go this time" I pleaded.
Huminga siya ng malalim bago sinagot ang pakikiusap ko.
"*sigh* I'll try not to stop you now so go, while I can still keep my calm"
Napatingala ako sa kaniya at binigyan ng nagtatakang tingin.
"Go" he said.
Dahan dahan akong napapaatras habang nakatitig sa mukha niya na halatang nagpupumigil sa halimaw na gustong lumabas mula sa katawan niya.
Binuksan ko ang pintuan at mabagal na napapalakad habang palingon-lingon sa nakatayong bulto ng lalaki.
(I fall apart by Post Malone playing)
Nakapokus lamang ang titig namin sa isa't isa at ang dating nandidilim at galit na mata ni Lord Ace ay unti-unting lumalambot, bakas din sa mata ng binata ang mangiyak-ngiyak nitong ekspresyun.
Napabilis ang paglayo ko nang marinig ko ang mga yapak ng mga anak ko na nagtatanong sa ama nila kung saan ba ako pero bago pa man ako makita ng anak ko ay nakalayo na ako at naparito sa madilim na kakahuyan.
Naglakad lamang ako ng naglakad at sa awa ng diyos ay di ako kinagat ng ahas o kaya'y nakita ng nga wild animals bagkus ay may nakita akong hammer na kotseng paparating, baka ito na ang kotseng pinadala ni Mr. Leandro na maghahatid sa akin sa airport.
Nang tumapat sa akin ang malaking sasakyan ay nagroll down ang bintana at dun ko nakita ang lalaking full black.
"Ms. Silver?" tanong niya, ako naman ay tumango.
"I'm Gerald, I've sent by Mr. Leandro to fetch you" sabi niya at ayun na nga pinasakay ako sa backseat.
Ilang sandali nang naging bumpy ang ride kasi nga kakahuyan to e buti na lang nakarating kami sa highway, isang oras lang ang tinagal ng biyahe at nakarating na rin ako sa airport.
Nagpasalamat ako kay Gerald nang maibaba na niya ako at ayun dumiretso na ng drive paalis.
I let out a sigh bago ako pumasok sa airport.
Naalala ko tuloy ang masasaya naming bonding ng anak ko but sad to say it took just a day and now I will be gone, I hope they won't hate or won't take me back once I settled everything...I just hope so.
Nang papasok na sana ako ng airport ay may sumabay sa aking mga lalaki na naka-all black din, nakalagpas kami sa mga security ng walang kahirap hirap sabagay kilalang tao ang ama ni Lord Ace.
The men guided the way towards probably Mr. Leandros private plane but before I reach there I saw a man...a familiar man.
"Denver?"
Agaw pansin kami dahil sa dami ng lalaking nakapaligid sa akin kaya ganun na lamang ang bakas ng pagkabigla sa mukha ni Denver.
'So he saw me, I wouldn't be so surprised if I see him at the philippines'
Makalaglag panga ang ganda at laki ng eroplano ni Mr. Leandro, nakasulat sa may ibabang parte ng eroplano ang pangalang Morelli which indicates that it's their airplane.
Sumakay na ako sa eroplano at ilang minuto lamang ay nagsimula nang umandar ang eroplano pero bago pa man itong lumipad ay may namataan akong itim na kotse na mabilis na tumatakbo dito mismo sa runway ng plane at sa mismong gilid ng plane kaya nakikita ko ang kotse sa bintana kung saan ako nakaupo.
Nang tumapat sa bintana ko ang kotse ay nagroll-down ang bintana ng kotse and what I saw broke my heart.
It was Lord Ace, he was driving the car insanely fast, palingon-lingon lamang siya sa pwesto ko at nung unti-unti nang lumipad ang airplane ay di ko napalampas ang pagkakita ko sa luha niyang dumausdos sa kaniyang pisnge.
It was the very first time that I've seen a different emotion coming from him and I admit it, it pierced through my heart.
'I'm sorry'
Lumapat ang kaliwa kong kamay sa bintana kasabay ng unti-unti ring pagtakas ng mga luha sa aking mata.
Lord Ace's car abruptly stopped when it reached the end of the runway, bago pa man makalipad papalyo ang eroplano ay nakita ko siyang lumabas sa kaniyang kotse.
His mouth opened wide like he was shouting...he looked broken with those eyes filled with tears his black hair disarray and his polo not completely buttoned he looked stressed but still his handsomeness leveled up.
Follow, vote and comment.
BINABASA MO ANG
Mine - Zafiro Morelli
RomansR-18 Dark Romance Book 1 Kiera Silver never expected how cruel the world is, She thought that marriage is all about butterflies and sparks but no, she definitely regreted that she got married to Denver Flinn, a man who couldn't love her back. Kier...