Chapter 33

1.3K 43 8
                                        

《CHAPTER 33》

-K I E R A-

Dumaan ang mga araw at sa bawat araw na yun ay nagsilbing kasiyahan at kayamanan sa aking buhay, Zafiro became more responsible with the kids and he always makes me feel special everytime, palagi niya akong ninanakawan ng halik at kung minsan ay naglalalambing na nauuwi sa pang-aakit.

Yes, inaakit niya ako sa mga pilyo niyang paraan lalo na kapag sleep time na pero hindi ako nagpatinag subalit ang kaniyang pang-aakit ay lubos nang nakakapanghina.

Samantalang si Nancy naman ay mas lalo pa yatang nadagdagan ang pagkamaldita nito, parati na. lamang niya akong iirapan at di pinapansin lalo na kapag may itinatanong ako sa kaniya, nagmimistulang hangin ang kausap niya.

'Ano kaya ang nakain niya at nagkaganyan siya?'

Ganyan man ang pakikitungo niya sa akin ay di ko na lamang binigyan ng pansin dahil sa isiping baka may problema lang siya, nakita ko nga siya minsan na nasuka sa lababo, sinubukan kong kausapin siya ngunit iniwanan niya lamang ako sa kusina.

Plano ko sanang sabihin kay Zafiro ang tungkol sa kondisyun ni Nancy pero palaging busy ang lalaki sa kaniyang mga anak at kung minsan ay wala pa sa mansion kundi sa trabaho.

* * *

Kasalukuyan ko ngayong tinuturuan ang mga bata na magsulat ng iba't ibang letra dito sa salas nagtaka nga ako kung bakit sila nagpapaturo sa akin e may tutor naman sila pero nang itanong ko kung bakit sa akin sila nagpapaturo ay sinabi nilang nakakatakot daw ang tutor nila kaya mas gusto nilang ako daw ang magturo.

I wondered kung ano ang pinag-usapan ng mag-ama ng makita ko silang nagbubulongan at ang kambal naman ay panay tango lang.

Tinitingnan ko kung tama ang sinulat nila nang pumasok sa salas si Tita Olivia dala-dala ang isang tray ng merienda.

"mmmm" napatayo ang kambal at agad na lumapit sa table kung saan nilapag ni Tita ang merienda agad silang kumuha ng pagkain at nilamon ito.

"Itshh shoo good Gramma" sabay nilang sabi habang ngumunguya, they both call her Gramma since then and I found it cute.

"Of course I want you guys only the best" Tita Olivia said.

Napangiti na lamang ako sa kanila, namiss ko tuloy ang pamilya ko lalo na ang lolo't lola na sumakabilang buhay na.

"Kiera why don't you dig in?" she asked and I just nodded, tinikman ko ito at talaga namang the best ang hinanda niya.

"It's so good Aunt Olivia" I complimented.

"Indeed" Tita Olivia smiled.

Pagkatapos mag-merienda ang mga bata ay nagbalik sila sa kanilang ginagawa but they whined and I asked why are they annoyed.

"Mommy we ran out of papers" reklamo ng kambal, tiningnan ko nga ang mga gamit nila at naubusan na sila ng color bond papers kung saan sila nagsusulat, paano kasi tinatapon nila ang papel kapag nagkamali sila ng sulat e.

"Okay let's wait for your daddy to arrive, we'll ask him to let us go out and buy your things ok babies" sabi ko sa kanila and they smiled, tumango ang kambal.

Mine - Zafiro Morelli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon