3rd Person's POV
"Ninong Oab, I missed you" sabi ni Chimon sa lalaking bagong dating habang yakap yakap parin ito, "I missed you to Mon" sagot nito at yumakap pabalik. Pagkahiwalay nila ay hinila ni Chimon si Oab at inupo sa tabi nito at kaharap nya si Gun. Nagtanguan lang sila at ganun din kay Off.
"Oab, kamusta na? Balita ko maganda business natin ngayon ah" pag iiba ni Tay dahil parang may ibang tension sa paligid nila, at ramdam ito ng lahat kahit ang mga bata.
"Yeah, nag open palang din kami ng bagong branch malapit dito. You guys can visit it anytime." masayang sabi nya habang kumakain. "are you going to stay sa bahay nyan ulit just like before Ninong?" tanong ni Chimon na dahilan naman para matigilan ang mga matatanda. "A-ah... Depende nalang yan sa parents mo Chi. Di ka a man nag papaalam sakanila." sagot nito na ikinalungkot ng bata.
Tinignan nya sila Gun, "Mamii... Papii pwede po ba? Gusto ko pa pong makasama si Ninong" at dahil hindi nila matiis ang anak ay pumayag ang mga ito.
Natapos silang lahat at isa-isa ng nagpaalam dahil kita na sa mukha ng mga bata ang pagod mula sa outing at byahe. Nakatulog narin si Chimon sa upuan nya. "Papii, pakilagay na yung mga gamit natin sa sasakyan. Mukhang mabigat yung bag ni Babii" sabi ni Gun sa asawa. Pagkalabas ni Off ay akmang bubuhatin na sana nito ang anak ng pinigilan sya ni Oab. "Ako na, baka lumiit ka lalo. Tulungan mo nalang asawa mo dun" pang aasar nito. Nakatanggap sya ng sampal sa braso mula kay Gun bago umalis.
Buong byahe at tahimik silang nakatingin kay Chimon. Pagkadating sa bahay ay dinala ni Oab si Chimon sa kanyang kwarto, gustuhin mang gawin ito ni Off ay di nya magawa dahil sa higpit ng yakap ni Chimon kay Oab.
Pagkababa nya ay binati nya agad ang mga magulang ni Gun na tuwang tuwa na makita sya ulit. "Oab anak, kamusta ka na. Tagal na nating di nakita" tanong ng nanay ni Gun. "Ayos lang po, at pasensya na hindi ako nakabisita. Sobrang nabusy lang po, last kong uwi dito ay noong 7th birthday pa ni Chi." nakangiting tugon nito. Naupo sila sa sala at nagkwentuhan, habang sila Gun ay nag aayos ng mga gamit ni Chimon mula sa bag na ginamit nya sa outing nila.
They spent their time reminiscing, talking about random topics at hindi nila namalayan ang oras. As they were preparing dinner, they heard a set of footsteps running down the stairs and was surprised when Chimon jumped on Oab hugging him. "Akala ko po umalis ka na" natawa naman ang nakatatanda at niyakap pabalik si Chimon.
"Hindi pa, aalis ba naman akong di nagpapaalam sa paborito kong inaanak" sagot ni Oab at ginulo ang buhok ni Chimon. Nakangiti nakatingin ang iba sa interaction ng dalawa "Ok everybody take your seats, kakain na tayo" malakas na sabi ni Gun mula sa kusina at lumabas na dala dala ang niluto nyang ulam at si Off na nakasunod sa kanya.
Masaya silang kumain habang nagtatawanan at kwentuhan. Pagkatapos ay niyaya ni Chimon ang kanyang Mamii, Papii, at Ninong para magmovie. Papasok na sana sila ng mini theater nila ng biglang tumunog ang cellphone ni Off, nagpaalam ito at sinabing mauna na sila.
Tuwang tuwa si Chimon dahil sa pelikulang napili niya. Pagkatapos ng dalawang movie ay nakatulog si Chimon sa balikat ni Gun, napangiti naman ito at inayos ang pwesto ng anak.
Sinubukan nyang kunin yung cellphone nya para tawagan si Off at matulungan siyang ilipat si Chimon ng biglang binuhat ni Oab ang bata. "Ako na, pakibuksan nalang pintuan" sabi nya at mainggat nilang dinala ito sa kanyng kwarto.
Nakasalubong nila si Off papunta at tahimik lang itong nakatingin, pero sumunod sya sakanila papuntang kwarto ni Chimon.
Pagkaayos nila sa higaan nya ay lumabas si Gun at sinabing may aayusin lang sya. Naiwan ang dalawang sa kwarto ni Chimon, umupo si Oab sa gilid ng kama ni Chimon at inayos ang buhok ng bata. Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Oab.
"Wag mo sanang masyadong damdamin yung presence ko sa buhay nila." sabi nya at napatingin naman si Off sakanya, "Anong ibig mong sabihin?" sagot nya dito.
"I have eyes you know, I can see it. You're irritated with my presence." sagot nyang nakangiti, ngayon nakatingin na kay Off. Napaiwas nalang ng tingin ang isa dahil tama naman sya, "Don't worry, I don't have any plans na agawin sila sayo hahaha. Hayaan mo lang akong magstay sa tabi nila bilang kaibigan at ninong. You may be wondering, bakit hindi pa ako nagpapakasal o kung nakamove on na ba ako."
"Nakamove on na ako, masaya na sa buhay, kuntento sa kung anong meron ngayon, at masaya na masaya sya, masaya kayo. Pero mas pipiliin ko ng mabuhay mag isa kesa maghanap ng iba pero alam kong hindi ko mabibigay ng buo ang puso ko." malungkot na sabi Oab, tsaka sya tumayo at tinapik ang balikat ni Off.
Lumabas sya ng kwarto ni Chimon at pumunta sa guest room, inayos nya ang mga gamit nya at dinala ang mga ito sa kanyang sasakyan."Aalis ka na? Hindi ka pa nagpapaalam sa inaanak mo, magtatampo yun." napatingin sya at nakita si Gun sa may gate. Nginitian nya lang ito at kinuha ang mga regalong hinanda nya rito.
"Pasensya na, pakipaalam na ako sakanya at pakibigay to. Pakisabi nalang din na pwede naman nya akong puntahan or tawagan anytime." sabi ni Oab dito at inabot ang mga paperbag kay Gun. "Cge mauna na ako ah" tuloy nito at umalis na.
Pumasok si Gun at dumiretso sa kwarto ng anak at nakitang nandun parin ang asawa. Binaba nya ang mga regalo ni Oab sa study table ni Chimon at niyakap mula sa likod si Off.
Hinila ni Off ang kamay ni Gun at hinarap ito sakanya, hinalikan nya ang noo ni Gun at niyakap ng mahigpit, "Ayos ka ang Papii, nagseselos ka parin ba?" pang aasar nito dahil narinig nya ang pinag usapan nila ni Oab kanina.
"Cge lang mang asar lang, mabait ako ngayon di kita papatulan." sagot lang ng nakatatanda sakanya. They stayed like that hanggang sa nakaramdam na ng antok si Gun at kumalas sa yakap nila, humiga sya sa tabi ni Chimon at niyakap ito. "Bagalan mo naman paglaki mo Babii, masyadong mabilis di pa kita kayang pakawalan" sabi nito at nakitang humiga sa kabilang gilid si Off at nakangiting nakatingin sakanila.
Humikab si Gun at nag ayos na ng pwesto, "Good night Papii" sabi nya at pumikit na. Umupo si Off at hinalikan ang noo ng dalawa bago umayos ng higa at natulog narin.
Author's Note
Hi guys
1 month no ud HAHAHAHA
Pasensya na po kung pwede lang di na magresearch or pumasok ng tuluyan
Anyways
Kamusta na kayo?
Thank you sa paghintay at pagsupport ng story ko ang dun sa mga nag flood vote ulit
Natambak notifications ko hahahaha
See y'all sa next ud
Bye bye~
YOU ARE READING
You're My #1« NanonChimon»
FanfictionLife isn't what you always plan. There are many suprises it always bring and being inlove with someon is one of them. How would you handle this suprise that life gave you? Main Ship NanonxChimon Side Ships: OffGun TayNew DrakeFrank Taglish