Nanon's POV
Hindi ko gusto yung isa sa mga bagong student. His smile ang familiar, parang may something akong nakikita sakanya.
Pero I need to start seeing him as a competitor, ayokong nakukumpara sa iba na ang praise sakanila ay higit pa sakin. Hindi ako papayag na may makakatalo sakin. Transferee ka lang, isang harang sa daan na madaling tanggalin.
Habang naglalakad ako sa hallway pauwi ay nakasalubong ko si Mr. Pom (adviser nila)
"Mr. Vihokratana looks like you found yourself a challenger."
"What do you mean Mr. Pom"
"I just wanna give you a little advice, don't underestimate Mr. Adulkittiporn. Kung gusto mong malaman kung bakit hintayin ko bukas"
"Ok po, una na po ako"
Pagkarating ko sa dorm ay hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Mr. Pom. Tsk ano bang meron sa Chimon na yun at galing na galing sakanya mga teachers, pati director ata napabilib nya.
Dahil hindi ako mapalagay ay sinearch ko sya sa internet, halos walang article tungkol sakanya maliban sa anak sya nila Mr. Gun Atthaphan at Mr. Off Jumpol Adulkittiporn. Tinatawag daw syang isang test-tube baby at mula pagkabata raw ay bibihira lang itong makitang lumabas ng bahay nila.
Kung ganun lang din naman pala bat di nalang sya nag stay dun, mayaman naman sila at siguradong nag homeschool sya, puro online quizbee ng iba't ibang subject ang napapanalunan nya.
Pero parang familiar talaga yung pamilya nila sakin, kaibigan ba sila nila Dad at Papa, o kaya ni Mom?
Wala akong maalalang event na kasama sila pero familiar talaga. Tanungin ko nalang siguro sila Dad pag umuwi ako.
*the next morning*
Maaga akong nagising dahil may dadaanan pa akong mga paperwork sa council office, nakahanda na kasi lahat ng plano ko for the first month ng SY. Its a tradition, welcoming of the transferees pero may isa pang special event na pagwelcome naman sa mga bagong gifted students.
Kahit na gustuhin ko mang i-cancel yung sa event ng pagwelcome sa mga bagong gifted students ay napirmahan na ito ng director at nag eexpect din sila Sing.
Ang pagwelcome sa mga transferees ay sa covered court lang gagawin, parang booths na puro games and foods. We decided to make it simple but memorable this year, habang ang sa gifted naman ay isang escape room. Gusto ng mga teachers and principal na machallenge naman daw pagiging gifted namin.
So I decided na gumawa na mag 2 teams kami sa escape room at ang unang makalabas ay may award, pero wala pang teams. I was thinking na kami kami nalang ang pumili ng gustong makasama pero gagawin kong leader nila si Chimon.
I even invited the best escape room maker sa buong Thailand para ayusin ang covered court namin, sa 3rd week mangyayari ang mga events Friday morning ang welcoming of transferees tapos hapon hanggang gabi ang event dahil may ritual pa kami with the seniors na badge giving.
Pagkapasok ko ng room ay nandun na agad yung 2 transferees, mukhang seryoso silang nag uusap or nagtatalo sila?
Hindi ko nalang sila pinansin at nag advance read sa mga scheduled subjects namin ngayon dahil siguradong may pre-test ang mga ito mamaya.
🌷🌷🌷
Chimon's POV
Maaga akong nagising para ayusin yung mga binake ko na cookies kagabi, hindi ako tinulungan ni Frank dahil nareschedule daw bigla yung check up nya dahil may conference na pupuntahan yung doctor nya sa araw ng regular check up nya.
Nauna narin akong pumasok dahil late na daw syang nagising, pagkarating ko sa room ay nilabas ko sa bag yung mga cookies na nakabalot, may 5 pieces sa isang lalagyan. Sana magutuhan nila, baka mawalan pa ng chance na maging close ko silang lahat pag hindi nila nagustuhan.
Pagkapasok ni Frank ay nagplano kami kung paano namin ibibigay mga cookies, kung iiwan nalang ba namin sa mga table nila or aabot namin sakanila. Mas magiging close namin sila kung aabot namin isa - isa pero nakakahiya lang. Nag tatalo pa kami ng biglang pumasok sa room si Mr. Vihokratana.
"Uy Frank, ikaw na mag abot. Ako na nag bake eh"
"Yun na nga Chi eh, ikaw may gawa ikaw na mag abot"
"Ayoko nga, parang may galit sakin yan eh wala naman akong ginagawa"
"Hindi yan, ikaw na magbigay nung kanya ako na bahala nyan dun sa iba mamaya. Sabihin ko pa gawa mo mga ito"
"Gawa ko naman talaga mga yan"
"Aish dali na Chi, ako na bahala sa ibang cookies mo mamaya promise"
"Tsk sige na nga" tumayo ako at kumuha ng isang plastic at lumapit sakanya, mukhang busy sya.
Bilisan mo nalang pagbigay Chi, para di ka masungitan
"Uhm, excuse me para sayo ito. Sana maging close tayo"
Pagkasabi ko nun ay mabilis akong tumakbo sa upuan ko at hindi na ulit sya tinignan.
Tahimik nalang akong dumuko sa table at hinintay na dumating ang iba, kahit na si Frank na magbibigay nung ibang cookies.
Isa isang dumating mga kaklase namin at isa isa naman silang nilapitan ni Frank para ibigay yung mga cookies, pagkabalik nya sa table namin ay namumula mukha nya sa hiya.
"Ok ka lang, namumula ka hahaha" Inirapan nya lang ako bago ilabas yung mga gamit nya dahil malapit nang magsimula ang klase
"Salamat daw sabi nila"
Iinisin ko pa sana sya ng biglang dumating ang adviser namin.
YOU ARE READING
You're My #1« NanonChimon»
FanfictionLife isn't what you always plan. There are many suprises it always bring and being inlove with someon is one of them. How would you handle this suprise that life gave you? Main Ship NanonxChimon Side Ships: OffGun TayNew DrakeFrank Taglish