Nanon's POV
Minsan ba sa buhay mo nagkaramdam ka nang galit sa magulang mo dahil sa mga desisyon nila?
Ako kasi oo, pero hindi sa point na I hated my dad. Its just that, ok lang ba makipag relationship ulit sya, ok lang na he likes guys pero bakit sa teacher/tutor ko pa?
And paano si Mom? Papalitan na nya?
I know it sounds childish and selfish pero ayokong mapalitan si Mom sa buhay namin, sa buhay ko.Bumaba na ako habang wala pang ibang gising, ayokong munang makita sila ngayong araw o sa mga susunod pa.
Last night, kinausap ko sila para sana sabihin na I'm already fine na may relationship silang dalawa na more than friends then sabi ba naman ni Dad na balak na nilang magpakasal. Seriously?! Di ba nila iniisip nararamdaman ko?
Malapit na ang enrollment at buti naman dahil pwede nun akong tumira sa mga dorm at hindi sa bahay. Hopefully, next SY would be a good year.
Lumabas ako nang bahay at nagdrive, di ko alam kung saan ako pupunta basta malayo lang ako sa bahay at kumalma.
Napadpad ako sa isang playground, tambayan namin ni Ohm dati tsaka nung 2 pa namin kababata na di ko na maalala ngayon dahil nung 6 years old ata ako nung last namin silang nakasama.
May narinig akong pag galaw nang swing kaya patago kong tinignan, may isang tao nakablack pants at oversized hoodie na natatakpan ang mga kamay at kalahati nang mukha nito pero nakikita ko ang mga labi nya. Ang ganda nang ngiti nya, kitang kita ang saya na para bang ngayon lang sya nakalabas.
Lalapitan ko na sana nang biglang tumayo at tumakbo papunta sa isang malaking bahay.
Parang pamilyar yung bahay na yun, di ko nalang pinansin at tumuloy sa bahay nila Ohm. Wala sila Tita Mild kaya pwede muna akong magpalipas nang oras dun.
"Bat nandito ka nanaman?" wow ha gandang bati.
"Good Morning din sayo Ohm"
"Tsk uwi, wag kang manggulo dito, kaaga aga." di ko sya pinansin at pumasok sa loob.
"Ano nanaman bang problema mo? Nag away kayo ni Tito Tay?"
"Magpapakasal na daw sila ni Tutor New"
"Edi congrats, bat di mo nalang hayaan maging masaya tatay mo?"
"Eh sa kakatanggap ko na magjowa na sila ngayon papakasal na agad." tsk di naman nya ako maiintindihan eh bakit ba ako nag eexplain.
"Bro, isipin mo nalang halos 2 years din daw nagluksa si Tito Tay sa pagkamatay nang mama mo pero di ka nga pinabayaan, kahit naman mula nung nakilala nya si Tutor New ay hindi ka pinabayaan."
"Alam ko naman yun pero paano si Mama, kakalimutan nalang? Ayokong mawala yung maliit na ala-ala nya sakin, samin."
"Pag nagpakasal naman sila ay hindi naman isang nanay makukuha mo eh, isa pang tatay. Kaya wag kang mag alala di ka mumultuhin ni Tita dahil dun, baka masaya nga yun ngayon para kay Tito Tay eh."
"Hayst sige pag iisipan ko ulit" magaling talaga sa salita tong lalaking to, tsk parang nauto ako dun ah.
"Mabuti naman, kaya umalis ka na at inaantok pa ako." sabi nya sabay hila sakin patayo nung sofa nila.
"Dito na muna ako, cge na uuwi din ako mamaya promise." maawa ka dali maawa ka.
"Bahala ka nga, wag ka lang magkakalat babalik na sila Mommy nyan mamayang 9 nang gabi, matutulog na ulit ako sa taas." YES! Gumana hahaha iba talaga pag favorite.
"Sige, tulog na puyat puyat pa kasi." sinamaan nya muna akong tingin bago umakyat ulit.
Tama sya pero di ko maiwasang mapaisip kung talaga bang ok lang kay Mom yun. Ang kwento sakin dati ni Dad na nanghingi sya dati nang sign kay Mom para bago suyuin si Tutor New. Maybe I can try?
Mom, kung naririnig mo ako pahingi naman pong signs na payag kayo at ok lang sayo na ikasal ulit si Dad.
Naghintay ako nang ilang minuto pero wala, siguro di yun totoo at gawa gawa lang ni Dad para pumayag akong maging bf nya si Tutor New.
Sa sobrang bored ko ay nag open ako nang TV nila Ohm.
'Gay couple just got married and a lot of people admired their courage'
Ito na ba yun mom? Can I have another one, para lang sure?
Nagulat ako nung biglang may nagsalita, yung tv lang pala.
'Today we will give you your daily quote'
'Hope that everyone have a great day'
Ok mom, I get it. Siguro nga oras na para sumaya si Dad. Hayst ano pa use nang pagtakas ko nang bahay kung mabilis rin naman akong map-persuade dun sa kasal na balak nila.
Bago ako umalis ay nag iwan ako nang sulat kay Ohm at umalis para bilhan sila nang regalo. A sorry gift for being hardheaded. Siguro ok na yung couple shirt, wala akong pera eh.
YOU ARE READING
You're My #1« NanonChimon»
ФанфикLife isn't what you always plan. There are many suprises it always bring and being inlove with someon is one of them. How would you handle this suprise that life gave you? Main Ship NanonxChimon Side Ships: OffGun TayNew DrakeFrank Taglish