Chapter Twenty-Three

100 9 2
                                    

Nanon's POV

Pagkarating ko sa location nakalagay sa diary ay namangha ako sa exterior design ng 'tree house' para lang itong tagong bahay na pwedeng puntahan pag may apocalypse.

Pagkapasok ko ng bahay ay nakaganda ng interior, may pagkamodern ang design at naka sophisticated ng contrast ng black sa mga ilaw.

May mga pictures din sa may sala, isang grupo ng magkakaibigan at nandun si Mom at Dad kasama pa ang 3 lalaki at isa pang babae. Ang isang pares ay namumukaan ko, parents ito ni Ohm pero ang 2 magkasamang lalaki ay pamilyar lang ang mga mukha.

Nilibot ko pa ang loob ng bahay para hanapin ang kwarto na nakadescribe sa diary pero nakalock ito at walang susi sa bahay tangging paraan lang na mabuksan ito ay ilagay ang password. Iba ang password ng pintuan ng main door sa pintuan ng kuwarto.

Nang nawalan ako ng pag asa ay bumaba ako a pumunta ng kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom. May cereals at gatas akong nakita, may mga ingredients din sa ref pero hindi ako marunong magluto.

Pagkakain ay naisipan kong maghanap ng bukas na kuwarto para tulugan, pero kung wala ay sa sala lang ako matutulog.

Halos lahat ng kwarto ay nakalock pwera sa isa. Nagdadalawang isip nga ako kung papasok ako dahil may isang figure ng taong natutulog sa loob.

Naglakas loob akong tignan kung tao nga ba talaga ito at nagulat ng makita kung sino ito.

Anong ginagawa ng Chimon dito? Paano nya nalaman ang lugar na ito?

Tsaka ko naalala ang 2 lalaki na sa picture, naalala ko na kung sino sila. Sila ang magulang ni Chimon na nakilala ko ng imbestigahan ko kung sino sya. Nakita ko din sa side table ang picture ng magulang nya noong kasal nila.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya, napakakalma nito at mapakahimbing ng tulog nya. Wala sa isip na hinaplos ko ang pisngi nya at inayos ng buhok nyang nakatakip sa mukha. Napabalik ako sa sarili ng gumalaw sya at niyakap ng mahigpit ang unan nya.

So ano ng gagawin ko? May bukas na kwarto pero nandito sya? Medyo maliit ang sofa sa sala at mahihirapan akong matulog, pero baka maging awkward naman kung magising syang makita ako sa tabi nya. Malaki naman ang kama at kasya ang tatlong tao, wala naman sigurong masama kung makitulog ako dito diba? At gumising nalang akong maaga para hindi nya malaman na nandito ako, pwede ba yun?

Gulong gulo ang isip ko pero pagod na pagod na ang katawan ko. Naisipan kong maligo na muna at cr na katabi ng kitchen at sinuot ang dala kong damit na pangpalit ko sana nung umuwi ko.

Mom help di ko alam gagawin ko.

Bumalik ako sa kwarto kung nasaan si Chimon at umupo sa dulo ng kama. Nakaamoy ako ng isang napakabangong scent at nakakakalma ito na para bang pinapatulog ako nito. Nahiga ako sa kama at nakatulog ng para bang walang iniisip kanina.

3rd Person's POV

Kasabay sa palalim ng gabi ay ang paglakas ng ulan at paglamig ng paligid. Wala sa sariling kiniha ni Nanon ang kumot na nasakanyang gilid at kinumutan ang sarili, ngunit may konting lamig parin syang nararamdaman. Tumagilid sya at makaramdam ng source ng init at niyakap ito. Humimbing lalo ang tulong nya at nakalimutan ang mga problema at tanong nya sa sarili kanina.

Pagdating ng umaga at nagmamadaling pumunta sila Gun sa school para sunduin ang kanilang anak. Pagkadating nila sa gate ay nakasalubong nila ang mga kaibigan nilang matagal ng hindi nakikita, sila Tay at New.

"P'Tay, New anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Gun

"Hinahanap namin si Nanon, dapat uuwi s bahay kahapon for the weekend pero umalis daw agad galit na galit sabi ni Manang" sagot ni Tay

"Kahapon? Hindi ba birthday ni Punpun kahapon, dinalaw nga namin sya pagkarating na pagkarating namin ng Thailand kahit gabing gabi na. " -Off

"Sh*t nakalimutan ko, nagkaroon kasi kami ng important meeting sa isang investor na halos 2 months naming hinihintay. Nung nakuha namin yung deal niyaya kong magdate si New." -Tay

"Siguradong nagtatampo nyan si Nanon, baka bumalik sa dati ang treatment nya satin." -New

"Saan nyo nyan pala sya hahanapin? Napagtanungan nyo na ba mga kaibigan nya?" -Off

"Oo ang sabi nila wala silang alam, ang last na kita nila sakanya ay nung uwian nila kahapon." -Tay

"Tara dun sa treehouse natin dati, baka sakaling makaisip kayo ng mga lugar na pwede nya pang mapuntahan." - Off

Walang nagawa ang magjowa at sumama nalang sa mag asawa, pagod narin sila at walang alam na pwede pang puntahan para lang mahanap si Nanon.

Pagkapasok nila sa treehouse ay nakita agad nila ang bag ni Chimon na nakalagay sa may sofa, umupo muna ang tatlo habang si Gun naman ay umakyat para tignan ang anak.

Pagkabukas ng kwarto ay nagulat sya sa nakita at napatakbo sa baba, agad namang nilapitan ni Off ang asawa.

"Anong nangyari, bat ka tumatakbo? Buti hindi ka nadapa Mamii."

"Nandito si Nanon, nakita ko sy sa taas."

Lahat sila ay tumakbo sa taas at katulad ni Gun ay nagulat sa nakita.

Si Nanon at nakayakap sya sa likod ni Chimon, as of instinct naman ay lumapit si Off sakanila at tinanggal ang pagkakayak nito sa kanyang anak.

Dahil dito ay nagising si Chimon at nakita sya, niyakap nya ang kanyang ama at sinubukang gisingin ang kanyang diwa. Lumapit naman si Gun sa kanyang mag ama at niyakap din sila.

Dinala nila si Chimon s may sala para inumin ang kanyang mga gamot habang ang TayNew naman ay sinubukang gisingin si Nanon upang makausap tungkol sa nangyari kahapon.





Author's Note

Hi

Kamusta na kayo

Sorry medyo nawalan kang ako ng will na magpatuloy sa pagsulat nito

Pero thank you sa mga nagvote at nagcomment sa story na'to

They really mean a lot

Love y'all lots

Bye~

You're My #1« NanonChimon»Where stories live. Discover now