Chapter Two

262 16 5
                                    

Baby Chimon at the top, so cute uwu

«««««««¤»»»»»»»

Gun's POV

Nagising ako sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko. Tsk binuksan nanaman ni Papii yung kurtina.

Teka asan si Papii? Napatayo agad ako at kasabay nun ang pagbukas nang pinto.

"Good Morning, breakfast in bed." sabay lapag nang pagkain at halik sa noo ko.

"Thank you, hulaan ko di ikaw nagluto no? Di nasunog yung pancakes eh." natawa naman ako sa reaction nya pagkasabi ko nun.

"Babii naman di ba pwedeng nagpractice ako?" sabi nya sabay nguso.

"Papii wag ka nang magsinungaling. Naririnig ko din boses ni Mama, sa baba siya at siguradong sya nagluto nito."

"Hahaha tama ka" napakamot pa sya sa batok nya, akala nya siguro makakalusot sya.

"Bakit nga pala sila nandito? " tanong ko habang kinakain yung pancakes at paminsang sinusubuan si Papii.

"Nakita ko kasi na nagsend ka na nang email dun sa hospital at may nakaset na meeting na kayo, and knowing you gusto mo tong paalam sa pamilya natin kaya nandyan parents mo, kapatid mo tsaka parents ko."

Pagkasabi nya nun ay napatayo ako agad at nagpuntang banyo para mag ayos, nakakahiya baka ang tagal na nilang naghihintay dun.

Pagkababa namin ay nakaupo ang lahat sa living room at nanunuod nang show. Binati ko silang lahat at humalik sa kanilang mga pisngi.

"Anak ano ba yung sinasabi ni Off na may balita kayong sasabihin samin at mukhang seryosong usapan yan." panimula ni mama

Kinabahan ako at di ko alam kung paano ko sisimulan sakanila, naramdaman ko ng paghawak nang kamay ni Papii sa kamay ko at pinapakalma ako.

"Ma, Pa, Mom, Dad, Nong Pim, napag isipan na po namin ni P'Off na magkaroon na nang anak." nakita ko naman ang mga ngiti at saya sa mga mukha nila.

"Mag aampon ba kayo? O yung nakita ko sa tv nung isang araw na ano, ano kasi yun. Artificial Insemination ata yun." sabi naman mama ni Papii

"Parang ganun na nga po Mom, pero ibang process lang po. May schedule na kami sa isang ospital sa US at the end of this month. Surrogate mother nalang po kulang. May kakilala po ba kayo? "

"Wala man anak eh, pero magtatanong tanong ok. Mas ok kung kakilala natin." sagot ni mama, ilang minutong natahimik ang lahat hanggang maisipan nang kapatid ko na basagin ang katahimikan.

"Ako nalang kuya, mas siguro tayo na walang mangyayaring masama sa baby nyo ni P'Off." Nagulat ang lahat sa sinabi nya.

"Hindi. Hindi ako papayag, alam mo namang mahina ang puso Pim at baka hindi mo kayanin. Ayokong mawala ka samin."

"Pero P'Gun alam naman nating hindi na ako magtatagal, at gusto ko rin to. Gusto kong gawin to hindi lang para sayo kundi para din sa sarili ko, gusto kong maexperience yung mga bagay na hindi ko na magagawa sa future."

"Ano ba naman yang sinasabi mo, gagaling ka. Pag may nahanap na tayong heart donor magiging ok na na." ano ba yan naiiyak na ako

"Sorry at ngayon ko lang sasabihin sa inyong lahat to pero last week nung nag pacheck up ako ay hindi na daw kakayanin ng katawan ko yung operation, kaya please P' pagbigyan mo na ako." sabi nya habang umiiyak

You're My #1« NanonChimon»Where stories live. Discover now