Chapter One

696 17 4
                                    

Author's Note:
The first three chapters would be dedicated to OffGun and TayNew before going to our main ship. To build up the story well and without confusion. 😁

«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»

Gun's POV

Its been a year mula nung ikasal kami ni Papii and everything feels so perfect pero deep inside me alam kong may kulang pa. I badly want a child, yung sarili mo talagang anak na kamukha mo, kaugali mo.

Ayaw ko naman nang egg donor dahil magiging kamukha nang baby namin yung nanay, gusto ko kaming dalawa lang ni Papii. But how, I know na advance ang science and technology natin ngayon but I just can't help but to feel hopeless.

Halos lahat nang mga kaibigan namin may nga sarili nang nga anak. Nakakatuwa na nakakainggit na makita silang masayang nakikipag laro sa mga ito. But I know I just can't give up, makakahanap din ako nang solution.

Sa sobrang busy busy ko sa pagreresearch ay di ko napansin ang pagpasok ni Papii sa kwarto namin.

Napatayo ako nang dahil sa gulat hindi dahil sa yakap ni Papi kundi dahil sa nabasa ko.

"Papii tignan mo ito." sabay pakita sakanya yung nahanap kong website.

"Ano yan... 'gay couples can now have their own children without the use of an egg donor?' Sigurado ka ba dyan Babii?" tanong nya habang hindi inaalis ang tingin sa screen.

"Hindi ba scam yan?" nakita ko sa mga mata ni Papii na gusto nya ring maniwala pero may doubt parin.

"Hindi Papi, website pa mismo ito nung ospital na magpeperform nung process"

"Sige, we can send them an email tomorrow morning. Matulog na tayo, anong oras na oh. O gusto mong may iba tayong gawin bago matulog?" sabi nya habang may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.

Nakakaduling sa sobrang lapit ang mukha ni Papii sakin, bigla ko syang tinulak at tumakbo papunta sa kama para matulog. Narinig ko ang pagtawa ni Papii bago ako tabihan at yakapin patulog.

May pasok pa kami pareho bukas, at the last time na may nangyari samin at pumasok kinabukasan, wala silang ibang ginawa kundi ang pag tripan ako.

I just hope na mag work yung nabasa ko kanina, I badly want to have a complete family with him.

*some time later*

Madaling araw na pero di parin ako makatulog, iniisip ko parin hanggang nagyon yung nakasulat sa website. Ang tawag daw sa process is In-Vitro Fertilization (IVF), kukuha daw sila nang stem cells nung isa sa couple and turn them into egg cells kaya wala nang egg donor tapos yung sperm cells nung isa. Pero this still needs a surrogate mother in order for the baby to grow normally, kung gagawin namin to ni Papi sino ang kukunin naming surrogate mother? It also says there na it would cost 10 thousand dollars for the process alone, I know money is not a problem here pero paano kung takasan naman kami nung surrogate mother.

At dahil alam kong hindi ako matatahimik hanggang wala akong ginagawa kaya naman nag send ako nang email sa hospital at nag reply naman sila agad, nakapagset kami nang meeting next next week at pag wala pa daw kaming nahanap na surrogate mother ay sila na magp-provide.

Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos nun at nakatulog na, sa susunod na araw ay ipapaalam ko na ang desisyon ko sa buong pamilya namin. Alam ko namang susuportahan nila kami.

Δ•Δ•Δ•Δ•Δ•Δ•Δ•Δ•Δ

Tay's POV

Excited na akong umuwi sa mag ina ko, its been almost 2 weeks mula nung last ko silang nakita. Miss na miss ko na sila ni Nanon, ang baby namin na 1 year old palang.

Magkikita kita kami ngayon sa favorite resto namin mula nung mag jowa palang kami, pagmamay ari to nang pamilya ni Off at sanay na silang nakikita kami doon. Nakareserve din kami sa may usual table namin dun.
Nang makarating ako dun ay wala pa sila kaya naghintay ako

Bat wala pa sila, 30 mins nang nakalipas.

*buzz* *buzz*

"Hello, ito po ba ang asawa ni Mrs. Punpun Sutatta Vihokratana?"

Hindi ko alam bakit nakaramdam ako nang matinding kaba sa puso ko

"Ito nga po, sino po sila? Bakit nasa iyo ang cellphone nang asawa ko?"

"Staff po ito ng Bangkok Hospital, naaksidente po ang mag ina nyo at currently na nasa emergency room ang asawa nyo. Dumiretso nalang po kayo dito para malaman ang mga nangyari."

Kumaripas ako nang takbo papuntang parking, buti nalang malapit lang ang ospital dito sa resto at nakarating ako agad. Wala naman sanang masamang nangyari sakanila.

Pagkarating ko doon ay dinala nila agad ako sa emergency room kumg nasaan ang asawa ko, habang ang anak ko naman ay nasa isang private room na.

Pagkalabas nang doctor ay napatakbo agad ako papalapit sakanya.

"Doc, how's my wife? Is she ok? Can I see her now?"

"I'm sorry Mr. Vihokratana but we tried our best, your wife has lost to much blood and she got most of the injuries in order to protect your son. I'm really sorry for your loss."

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko, ano nang gagawin ko ngayong wala na sya. Makakayanan ko bang buhayin ang anak naming dalawa nang wala nang assurance nya na tama ang mga ginagawa ko?

Sana masamang panaginip nalang ang lahat nang ito at pag bukas ko ng mga mata ko ay makikita kong mabuti ang lagay nang mag ina ko.

«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»

«»«»«»«»«»«»«»«»«»«»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

^Punpun Sutatta^

You're My #1« NanonChimon»Where stories live. Discover now