Chapter Twenty PT1

104 9 0
                                    

A/N: Yung video sa taas ang pinagbase ko sa 1st puzzle box nila, so in case na maguluhan kayo sa pagkakaexplain ko sa story panuorin nyo nalang yung video.

««««(Φ)»»»»««««(Φ)»»»»

Chimon's POV

Lahat kami ay umupo sa harap ng puzzle box at pinindot ko ang on para isindi ito.

Welcome
please enter initialization sequence

"Anong sequence?" tanong ni Sing

"Try mo nga kung touch screen sya" utos ni Fiat

Pinindot ko ang screen pero walang nangyari.

"Ah, baka pipindutin natin ang mga buttons sa gilid" sagot ni Puimek

Pinindot naman namin at ginaya ang nakalagay sa screen pero wala aring nangyayari.

"Baka dapat sabay sabay syang pipindutin" suggest naman ni Frank

Pagkapindot namin ng lahat ay tumunog muli ang box

Analyzing Fingerprints
Loading...
Crew database match found

Welcome Group 2
Initialization authorized
Please launch activation sequence

Sinubukan naming pumindot ng mga buttons pero walang nangyayari. Hanggang sa marealize namin na pagkatapos umilaw ng isang side ay lilipat ito sa kabila.

Kaya naman ang tagapindot sa left at si Puimek at sa right naman ay si AJ. Mabilis natapos ang part nayun at tumunog ulit ang box.

Activation ok
Please restore energy levels

Sabay ng pagbukas ng isang part sa may gilid, may laman itong iba't ibang kulay ng mga chord. Purple, green, yellow, red and black. May lumabas din na salamin na kasama ng mga ito.

Sinubukan naming ilagay sa mga slots sa likod ng box ang mg wire pero walang nangyari at sobra ito ng isa, kaya tinanggal ulit namin lahat at sinubukang maghanap ng mga slots pa o clue.

Bigla namang kinuha ni Puimek ang salamin at tinayo sa harap ng mga saksakan ng chords at isa isang nilagay ang mga chords. Hindi namin maintindihan nung una pero hindi namin sya ginulo hangga't hindi sya natatapos sa ginagawa nya.

Inexplain nya samin na kaya daw may salamin ay nakabaligtad ang mga numbers na nakalagay sa mga saksakan ng chords at ginamit ito para ibalik s tamang pwesto at malagay ang mga chords ng tama. Habang ang black chord naman ay may saksakan pala ito sa may harap at sa loob ng isa sa mga buttons na natanggal.

Pagkatapos nya ay mga lumabas na bagong words sa screen.

Thank you Group 2,
the bomb is now fully activated.
Detonation will occur in 20 minutes
Please enjoy this fun time together
I will love you for the rest of my life

Pagkatapos nun ay nagsimula na agad ang timer.

Napansin ko na sa isang side lang ng box umiilaw ang mga buttons at hindi ang kabila. Kaya naman nagpatulong ako kay Frank na hawakan ang salamin sa isang side kung saan umiilaw ang mga button habang ginaya ko ang sequence ng pag ilaw sa kabila. Nang biglang tumunog ang box ulit at may lumabas na words sa screen.

Group 2 why are you so mean?
Don't you wanna stay with me forever

Pagkatapos nun ay napansin namin na medyo bumilis ang timer at ang pag ilaw ng mga buttons. Kaya tinuloy lang namin ang pagpindot, hanggang sa tumunog ulit ito.

Ok group 2 you win
Do what you want with me...
We would have been so happy

May 15 mins pa kaming natira pero hindi na namin alam ang susunod na gagawin, ang tagal naming nag iisip ng bigla lang pindutin ni Sing ang 'OFF' button sa panic dahil bomba nga daw iyon.

Pagkapindot nya ay biglang gumalaw ang harap na part ng box, pagkahila namin nun ay dun nakalagay ang susi, mga bracelets na iba't ibang kulay at isang note.

Each one of you will take a bracelet and wear theme, after that get out of the room and go to your next course.

Bago lumabas ay tinignan muna namin ang orasan kung ilang minuto kaming nagstay dun, 20 mins lang pala. Balak kasi nilang ibeat ang time nung pinakamabilis na nakapagsolve nung escape room na ito. Sabi samin ng staff ay 1 hour and 45 mins daw ang pinakamabilis.

Pagkalabas namin ay pinaghiwahiwalay kami ng mga staff at pinasok sa iba't ibang rooms.

Nanon's POV

Pagkapasok namin ay umupo agad kami sa harap ng box, mabuti nalang ay mukhang pamilyar daw ang puzzle box na iyon kay Lilly kaya hinayaan na muna namin syang sagutin yon.

Ang sabi nya samin ay mula bata daw sya ay mahilig mangulekta ng iba't ibang klase ng puzzle box ang papa nya ka ito ang mga pinag lalaruan nilang pamilya tuwing magkakasama sila.

Within the span of 15 mins ay natapos nya ng buksan ang box at nakalabas kami agad.

Pero pinaghiwahiwalay kami base daw sa kulay ng bracelets namin. Nilagyan din kami ng blindfolds at pinasok sa mga kwarto. Tinali nila ang mga kamay ko sa isang pole at tinanggal ang piring sabay labas.

Pagkalabas ng staff ay biglang nag on ang TV.

Welcome to Tartarus, you are now in the Underworld
Your name is Tantalus, have the key to free yourself and open that door to go to the next course but you would need the other members help in order to get them.

Be careful, don't trust CASSANDRA!

WTF, ang mahilig lang sa Greek Mythology sa room ay sila Puimek, Fiat at AJ. Kung minamalas ka nga naman nasa iisang room pa silang tatlo.

Inikot ko ang paningin ko at halos walang laman ang paligid at nakikita ko sa tv screen ang mga kagrupo ko ng biglang tumaas pa lalo ang susi. From 2 feet to 3.

Anong nangyari? Hindi naman ako gumagalaw pero tumaas mag isa.

To be continued...

Author's Note

Hi

Credits naman sa Busted 2 sa pag inspire sakin na gamitin at baguhin ng konti ang contents ng ep 1 nila hahahah.

Sino nang nakapanuod ng Season 1 and 2 ng Busted?

Till the next update

Byeeeeee

You're My #1« NanonChimon»Where stories live. Discover now