Chapter Thirty-One

100 11 9
                                    

Chimon's POV

Pagkarating namin sa harap ay naghihintay na agad ang mga staff na hinanda nila Mamii para samin nakapila sila sa may gate.

Pagkakita nila sakin ay sabay sabay silang nag bow at bumati samin. Kinuha nila agad mga bag namin at sinabing sila na maglalagay sa mga kwarto, pagkaalis ng mga bellboys ay lumapit samin si P'Lee, ang pinakahead ng resort.

Sya din ang pinakamatagal ng nagtratrabaho dito, sa pagkakaalala ko is pagkagraduate ni P'Lee ay saktong hiring ang hotel and it's month close to opening. Since maganda daw ang resume and ang sagot nya sa interview ay nakuha agad sya, on the spot even though he has no work experience. 

"Good morning Ma'ams and Sirs, here are your key cards for your assigned rooms. We have placed a temporary name in front for you to know which is yours. We also have put your things in the assigned rooms and assigned roommates that was sent to us yesterday. "

Binigay nya lahat ng key cards kay Mr. Pom and umalis, nagkatinginan kami at nginitian nya ako, knowing na ayokong malaman ng iba na kami ang owner nitong resort. Though from the welcome nila samin kanina, I doubt they won't suspect anything. 

Usually, only they would go to the receptionist then they would call the bellboys, walang grand welcome with matching bow pa. AND for sure, since si Mamii ang nag ayos ng mga rooms nasa VIP sections kami. *shakes head*

"Ok pumila kayo please, hiwalay ang girls sa boys para mabigay ko mg keycards nyo. And please kung lalabas kayo or gagala magpaalam muna sakin at dapat kasama ang partner or ibang classmate, do you all understand?" seryosong sabi ni Mr. Pom

Tumango nalang kaming lahat at hinintay na mabigyan ang lahat ng keycard tsaka sabay sabay na pumasok ng elevator at iniscan ang keycards para automatic ng mapupunta sa floor namin.

Nags-selfie na ang mga girls at sinasama kami ni Frank at ayaw daw nilang isama si P'Sing dahil pangit sila at di magiging ok ang kalalabasan ng picture. P' Jane's words not mine HAHAHAHA

Umakyat dinala kami sa almost top floor and tama nga ako floor ng VIP.
Nung pinlano kasi ito hinati ang hotel sa 3 parts ang lower levels for regular costumers, ang middle for VIP and ang TOP which is the VVIP and that floor is only for family members and friends. Parang the higher the level the higher the price ang conceot hahahaha.

Buti naman at hindi yun ang pinili ni Mamii para samin. Naglakad na kami sa kanya kanyang doors at nagdecide na magkita kita after 30 mins sa lobby to roam around the resort at may hinanda daw na games si Mr. Pom.

"Stay here, I'll go in first to check" sabi ni P'Nanon and naguluhan naman ako  sa sinabi nya.

Pumasok sya at iniwan na nakabukas ang pinto at inikot ang buong room na parang may hinahanap. Pagkatapos nun ay lumabas ulit sya.

"All clear, its safe inside. No other people, diry or secret cameras" sabi nya tsaka ako pinapasok sa loob bago isinara ang pinto at nilock ito.

"Nasa sofa yung bags pili ka nalang kung anong cabinet pagtataguan mo ng mga gamit ang which bed ang kukunin mo. " sabi nya skin at tumango nalang ako, naninibago parin ako na iba ang way ng pag kausap nya sakin.

Nilagay ko ang gamit ko sa left na side ng kwarto since yung kama nito is malapit sa CR in case na gamitin ko sya sa gabi.

"Magpapalit ka bang damit? Kung hindi tara baba na tayo para hindi tayo yung hinihintay nila" sabi nya sabay hawak sa door handle

"Uhm, hindi na kunin ka lang bag ko" kinuha ko ang mini bag ko na may lamang wallet, phone at binitbit din ang camera.

Una nya akong pinalabas at sya na ang nagsarado ng pintuan. Bumaba kami gamit ang elevator at medyo awkward sa feeling.

Pagkarating namin sa lobby ay nandun na agad si P'Ohm at Frank.

"Chi dito dali" sabay hila sa braso ko ni Frank

"P' papicture po kami, thank you" di pa man nakakasagot si P'Ohm na bumalik na sya sakin at ngumiti. Napailing at natawa nalang sya at pinicturan kaming dalawa. Sesend nya daw mga yun kila Mamii at Tito Win.

Habang naghihintay ay niyaya ni Frank na magselfie sila P'Nanon at sa halos lahat ng picture na kinuha namin ay hindi sya nakangiti na ikinareklamo ni Frank dahil panira daw sya ng magandang picture. Nginisian nya lang ito at ginulo ang buhok na lalong ikinainis nung isa, habang kami ay tinatawanan lang namin sila.

Nang makumpleto na kami ay pinabilog kami ni Mr. Pom dahil mag gagawin daw kami. Nagulat ako ng biglang umakbay sakin si P'Nanon, nung tinignan ko sya ay nakafocus sya kay Mr. Pom.

Ang bango talaga nya, buti pa sayang bagay yung manly perfume. Nung tintry ko dati mga perfume ni Papii sa bahay napagalitan ako kay Mamii at pinaligo nya akong 2 beses.

"So may hinanda akong names nyo dito and kung sino mabunot nyo ay kailangan secretly nyo silang aalagaan. Parang guardian angel, mamaya I will set a table pwede kayong mag iwan ng drinks or foods para sa nabunot nyo. Bago magtapos ang outing natin ay magbibigay kayo ng gift sa nabunot nyo personally. Gets ba?"

"Chai Ka/Khrup" tumango lang sya at ipinaikot samin ang box at sinabihan na wag munang buksan hanggang may kasama ka.

Pagkatapos nun ay dinismiss na kami at hinyaan na maglibot libot sa paligid. Mamayang after lunch nalang daw kami maglalaro.

Naglakad lakad kami ni P'Nanon sa resort at pinagtitinginan kami ng mga staffs kasi di parin nya tinatanggal akbay nya sakin.  Nakarating kami sa mga infinity pool side at bigla kong namiss ang lugar na to. Isa lang to sa mga lugar na malaya akong makakalibot noon kasi alam nila Mamii ang kung saan ako hahanapin.

"P' sino nabunot mo? Nakita mo na ba?" tumingin sya sakin at umiling.

"Ikaw ba?" umiling lang din ako

Umalis ko sa akbay nya at umupo sa may swing para tignan ang nabunot ko. Sumunod naman sya ay umupo sa harap ko.

Binuksan ko yung paper at nabunot ko 'sya', bakit naman 'sya' nabunot ko, baka malaman nya agad.






Author's Note

Hi

Sorry kung ngayon lang

Tinambak nanaman kami ng buset na modules yun

Tapos group work group work pa di naman sumasagot iba.

Mahina daw connection pero nakakapagshared post or comment

Anyway highway

Bawi nalang ako sa next ud

Sana may nagbabasa pa hahaha

Galingan nyo sa ol classes

Kaya natin to, byeeeeee~







Sa tingin nyo, sino ang "SYA" na nabunot ni Chimon? Abangan

You're My #1« NanonChimon»Where stories live. Discover now