αυтнσя'ѕ ησтє:
May nagbabasa pa na nito? Hahaha««««««««««•••»»»»»»»»»»
Chimon's POVNapaaga yung gising ko ngayong araw at tuwing ganito ay lumalabas ako nang bahay, well hanggang tapat lang naman ako nung gate namin kasama si Ron, isang golden retriever na regalo sakin ni Mamii nung nag 13 ako.
Pagkababa ko sa living room ay wala pang gisng kahit isa sa mga kasama namin sa bahay o kahit na sila Papii, lumabas ako at naisipang ilakad si Ron kahit sa harap lang kami paikot - ikot, kahit na gusto kong lumabas ng gate hindi pwede lalo nangaying may hinihiling akong nalaking bagay kila Mamii.
Habang naglalaro kami ni Ron ay napalayo yung hagis ko sa laruan nya kaya naman lumabas sya nang gate at hinanap yung laruan, wala sa sariling tumakbo ako para sundan sya dahil natatakot akong may mangyaring masama sakanya. Dati kasi ay muntik na itong manakaw saamin habang kinukuh ang bola sa harap nag gate.
Nag alala ako nung hindi ko sya makita, hinahanap ko sya sa mga lugar na malapit lang sa bahay pero wala sya. Hanggang sa makarating ako sa may playground, sa pagod ay naupo nalang ako sa swing. Hindi ako pwedeng mapagod nang sobra at baka mamaya sumakit yung dibdib ko. Namiss kong nandito, nung bata pa ako mahilig akong sumakay sa swing at magpatulak kay P'Ohm. Ito lang din kasi pwede sakin noon tsaka yung seesaw.
Nabalik ako sa realidad nung may narinig akong pag galaw, si Ron ayun pabalik nang bahay. Tsk marunong na pala syang bumalik mag isa, pinag alala pa ako. Tumakbo ako pabalik nang bahay at sinarado yung gate, pinabalik ko na rin si Ron sa kwarto nya na katabi nung akin.
Naligo na ako at siguradong malapit nang magising sila Mamii, naisipan ko silang gawan nang breakfast tulad nang ginagawa ko lagi tuwing wala silang pasok. Nag luto ako nang pancakes na favorite naming tatloat nagslice ng fruits para idecorate ito.
Pagkalapag ko ng pancakes sa table ay saktong pababa na si Papii kasunod nya si Mamii.
Binati ko sila at hinalikan sa mga pisngi.
"Good morning din sayo babii"
"Kamusta po tulog nyo?"
"Medyo di ok babii" sagot ni Mamii habang umiiling
"Bakit po? Eh maaga naman tayong nagpahinga kagabi"
" Eh itong Papii mo kasi, anong oras na may kausap pa sa cellphone nya. Nag uwi ba naman nang maraming trabaho."
"Papii naman, di ba po pag nasa bahay na family time na bawal istorbo."
"Sorry na po Mamii and Babii, kaya lang naman ako nag dala ng work sa bahay ay dahil nagtake ako ng leave for 1 week, para naman tulungan ko kayong magprepare para sa pasukan."
" Eh Papii di pa naman po sure, di pa pumapayag si Mamii" *pouts*
"Ay nagpacute pa sya, pinag usapan na namin ni Papii na papayagan ka namin pero under a lot of conditions."
"Really? Walang bawian Mamii ah."
"Yes, really. Mamaya na namin papakita mga conditions at baka lumamig na yung niluto mo sayang naman."
Salamat naman ay makakaexperience din ako ng regular school life.
Nanon's POV
Umuwi ako samin dala dala yung regalo ko kila dad, pagbukas ko ng pinto ay nasa sala sila nanunuod ng balita.
"Dad, Tutor New pwede ko ba kayong makausap?"
"Gusto ka rin sana naming kausapin nak"
Umupo ako sa tabi nila at kinabahan, bakas kasi sa mga mata nila yung lungkot at guilt.
Dapat ako nakararamdam nun eh, ako yung hadlang sa pagiging masaya nila.
Kinu-consider nila pinakauna yung mararamdaman ko bago kanila pero di ko nakita yun noon."Anak we're sorry, hindi namin alam na yun ang nararamdaman mo."
"Oo nga Nanon, kung hindi ka pa handa sa changes at pagmomove on sa mom mo its ok, we can wait."
Now that made me feel more terrible, hay nako bakit ka kasi hindi ko nakita agad yung mga bagay na ito ngayon.
Naramdaman kong naluluha na ako at bago pa mangyari yun ay tuminggin ako sakanila para sabihin ang dapat kong sabihin.
"Dad, T-tito New wag po kayong mag sorry sainyo. Hindi ko matanggap noon na may bago nang mahal si Dad, natakot po ako na baka mabawasan pagmamahal nya samin ni M-mom. Na baka makalimutan nya na k-kami *sniffs* , tapos mawawalan na kami ng part sa buhay nya." Tae naman ang bakla bat ako umiiyak
"P-pero wag po kayong mag alala, narealize ko na dyan kayo m-magiging masaya. Tanggap ko na po may bagong tao na madadagdag sa buhay namin. At sorry po talaga sa mga taon na nagalit ako sainyo, lalo na sayo T-tito New. I'm so sorry, I really am." di ko na sila matignan sa mata, hinayaan ko nalang tumulo mga luha ko habang nakaduko.
Nakaramdam ako ng yakap at mapa-anggat ng tingin, niyayakap ako ni Tito New. Yung taong akala ko hindi mabait lang sakin dahil anak ako ni dad at dahil estudyante nya ako.
Niyakap ko sya pabalik habang pinapatahan nya ako.
"Nanon, naiintindihan kita. Bilang isang anak may karapatan kang makaramdam ng ganyan, wag kang mag alala naiintindihan naman kita."
"At salamat din na tinanggap mo na kami ng Dad mo, pero wag mo sanang pilitin ang sarili mo. Makakapag hintay namin kami, lalo na ako."
"Tama ang Tito New mo anak, kahit na matagal pa kaya naming naghintay basta para sa ikasasaya mo."
"Hindi po Dad, ok na po talaga sakin. Katulad nung kwento mo sakin nung bata pa ako, kung paano ka tinulungan ni Mom na makamove on. Nang hingi din po akong sign sakanya kanina at sinabihan ako na oras na para mag move on ako." Nilabas ko yung regalong binili ko para sa kanila.
"Para sainyo po pala, sorry yan lang po ipon ko. Congrats rin po pala sa engagement nyong dalawa, Dad tsaka Papa New."
Nakita ko yung saya sa mata nila, lalo na kay Ti-Papa New. Ang tagal na nilang sinasabi sakin nung bata ako na Papa ang itawag ko sakanya noon pero dahil matigas ang ulo ko hindi ako sumunod.
Niyakap nila ako at finally nakaramdam ako ng saya at parang kumpleto na ang pamilya namin.
-end-
Char

YOU ARE READING
You're My #1« NanonChimon»
FanficLife isn't what you always plan. There are many suprises it always bring and being inlove with someon is one of them. How would you handle this suprise that life gave you? Main Ship NanonxChimon Side Ships: OffGun TayNew DrakeFrank Taglish