3RD PERSON'S POV
Nagising ang 2 binata dahil sa katok ng mga staff dahil oras na daw para kumain at may bisita daw sila sa baba. Hindi daw kasi sila sumasagot sa intercom kaya kumatok na ang mga ito.
Unang nagising si Frank at nakitang natutulog pa ang isa, sinagot nya naman ang mga staff na baba na sila at pakisabi sa bisita na pakihintay nalang sila.
Ginising nya si Chimon at sinabing mauna na syang maligo at dumiretso sa isang guest room na katabi ng kwarto ni Chimon. Nang magising mabuti si Chimon ay naligo narin sya at bumaba, pagkababa nya ay nakita nya si Frank at Drake na magkalayong nakaupo sa sala. Kitang kita nya ang pamumula ng mukha ng kanyang kaibigan at hindi makatingin sa isa.
"Drake anong ginagawa mo dito?"
Napatingin naman ang dalawa at parang nakahinga ng maluwag si Frank pagkakita nya kay Chimon
"Good Morning AiLaem, nandito pinsan mo. Tignan ko lang kung pwede na tayong kumain." sabi ni Drake habang nagmamadaling pumunta sa dining.
"So, anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman, pinapatignan ka lang nila Dad at Daddy."
"Ok, san ka nga pala nags-stay ngayon Drake? May bahay din kayo dito?"
"Wala, nakastay ako ngayon sa dorm ng school."
"Ha? Bakit dun? Eh diba may business si Papa Saint na condominiums tapos sa dorm ka lang ng school?"
"Ah, parusa ko daw. Di ko naman alam na nakaconnect sa TV namin yung phone ko eh, tapos nanuod akong... uhm... nanuod akong movie tapos malakas din pala sounds buti nalang nakaalis na nun mga bisita nila."
"Tsk kung movie lang naman bat kasi hindi ka nalang nagpunta samin, ano pang use ng theater room namin, kahit nag bike ka lang papunta sa bahay."
"Eh hindi naman kasi basta basta movie yun Chi, di ko lang masabi sayo kung ano dahil pag nalaman nila Tito yun baka hindi mo na makita itong gwapo kong mukha."
Napailing nalang si Chimon sa sinabi ng kanyang pinsan at tumayo
"Bahala ka nga sa buhay mo, gusto mo bang kumain? Sabay ka na samin ni Frank."
"Ay si Frank pala yan, di nya kasi nasabi pangalan nya sakin kaninang tinanong ko sya. Tsaka wag na, may breakfast date ako with Dad kasi tagal na daw nya akong di makakasabay kumain kasi aalis sya for 1 month."
"Hmm cge ingat ka nalang, pakikumusta nalang ako kila Tito tsaka Papa. Bye"
Pagkaalis ni Drake ay pumunta si Chimon sa dining para tignan kung ano ang ginagawa ni Frank.
"Umalis na sya?"
"Bakit gusto mo syang makasabay kumain?"
"Pag nangyari yun baka di kayanin ng puso ko hahaha"
"Hina naman hahaha"
"Nagsalita yung namula nung nagkita ulit sila ni Mr. First Love"
"At least ako nakausap ko sya ng matagal"
"Bat ko kakausapin eh di naman kami close"
"Ayaw mo ba syang makaclose?"
"Tsk, gusto syempre. Kain na nga lang tayo"
"May natanggap pala akong email kanina, yung class section ko tsaka schedule. Meron ka na ba?"
"Hindi ko pa tinitignan, pero sana magkasama tayo"
Masayang kumain ang magkaibigan at pagkatapos ay naisipan nilang icheck kung nakaayos na ang lahat ng kanilang gamit para bukas.
🌹🌹🌹
Nanon's POV
Nagising ako ng maaga para mag exercise sa may gym na katabi ng dorm, dinaanan ko si Ohm sa kwarto nya dahil sya lang ang pumayag na sumama sakin. May dance class daw ngayon si Fiat habang tinatamad naman si Sing.
Pagkatapos nun ay nag ayos na kami dahil may meeting ang mga officers para prepared lahat bukas sa 1st day of classes.
During the meeting nag assign ang mga teachers kung sino sino ang mga magbabantay ng attendance per level, sino sino ang mga nagt-tour sa mga transferees per year level at ang mga magwewelcome sa mga bagong gifted student/s.
Last school year ay 9 lang kami sa gifted class (ako, ohm, fiat, sing, puimek, jane, lilly, aj and jj) ang nakapasok. Sila sila narin kasama ko mula Gr. 7.
Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ng Director naman na hindi dapat namin maliitin ang 2 bagong gifted students dahil ang isa ay naperfect ang 2 test na binigay sakanya habang ang isa naman ay 2 points below lang sa score na nakuha ko nung pinagtest ako sa gifted class.
Hindi ko pa man sila nakikilala ay mukhang hindi kami magkakasundo ng mga bagong kasama sa class. Katulad nga ng sabi ko dati, wala dapat makakakuha sa pwesto ko. Ako lang dapat lagi ang #1.
Tignan nalang natin kung talagang deserve nila ang papuring natatanggal nila ngayon sa mga teacher and sa director, kung magaling nga talaga sila.
✨💎💎✨💎💎✨
💎💎💎💎💎💎💎
💎💎💎💎💎💎💎
✨💎💎💎💎💎✨
✨✨💎💎💎✨✨
✨✨✨💎✨✨✨So ang mga tawag nila sa parents nila is
CHIMON - MAMII (GUN) AT PAPII (OFF)
NANON - PAPA (NEW) AT DAD (TAY)
FRANK - MA (WIN) AT DAD (BRIGHT)
DRAKE - DAD (SAINT) AT DADDY (PERTH)Syempre mommy and daddy tawag ni Ohm sa parents nya (Baifern and Mario)
YOU ARE READING
You're My #1« NanonChimon»
ספרות חובביםLife isn't what you always plan. There are many suprises it always bring and being inlove with someon is one of them. How would you handle this suprise that life gave you? Main Ship NanonxChimon Side Ships: OffGun TayNew DrakeFrank Taglish