Chapter 16

349 9 2
                                    

Abigail

"Happy 24th Birthday Chloe Steffani! Cheers!" Umalingawngaw ang boses ng babaeng emcee na nasa stage sabay angat ng baso ng alak sa ere.

"Cheers!" Sabay-sabay na pagkakasabi ng mga bisita at ginaya pa nila ang ginawa ng emcee. Nakikigaya na lang din ako.

Nilagok na nila yung alak at ginawa ko rin yun.

Napaismid ako sa lasa. Ayaw ko talaga uminom ng ganito! Ang pait!

Nakakainis. Di ko talaga feel ang ganitong party. Maganda naman ang venue kasi nasa open space kami. Kitang-kita ang maaliwalas na kalangitan na puno ng mga bituin at may buwan.

"Let's give our birthday girl around of applause!"

Lahat sila ay nagsipalakpakan. Edi ginaya ko rin sila.

Nagspeech na sa stage ang birthday girl. Elegante nga ito sa suot na blue gown. Sabagay, lahat naman ng nandito ay elegante!

Teka, siya yung babaeng mayabang sa beach ah. Yung babaeng hinahalikan pa si ma'am Rose sa lips. Siya pala si Chloe.

Close friend lang pala sila?

Tumingin ako sa topakin kong amo na nasa tabi kong nakaupo. Nakatingin lang siya kay Chloe habang nakangiti ng kaunti.

Tignan mo nga naman ang dragona. Marunong din pala ngumiti.

"Oh? Bakit?" tanong niya.

Biglang  kumalabog ang dibdib ko nang nagtama na naman ang mga tingin namin nang lumingon siya sa akin.

"W-wala." Bumaling ulit ako sa stage.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Magsi-cr lang muna ako." sabi ko at tumayo na ako.

Syempre nagtanong-tanong ako sa mga nagse-serve ng wine kung saan ba dito ang cr.

Tinuro sa akin ang direksyon at sinunod ko naman iyon. Napanganga sa sobrang ganda ng cr. Ang puti ng tiles at ang linis-linis pa. Jusko, mas mahal pa yata ang halaga ng cr dito kaysa bahay namin.

Pagkatapos kong umihi ay nag-ayos muna ako ng sarili ko sa malaking salamin na nandito.

May isang babaeng pumasok.

Nginitian niya ako at syempre kahit nahihiya ako ay ngumiti rin ako pabalik.

"Hi. Ikaw yung kasama ni Architect Santimente, hindi ba?" Paninimula niya.

"Opo." sagot ko sabay ngiti. Ang awkward naman. Sa itsura niya ay yamanin din siya. Nasa 50's na yata sya.

Gusto ko nang umalis sa cr. Mukha kasing checheka pa si ateng.

"Wow. Iyang si Architect, wala pang sinasamang date sa party. You must have been very special to her."

Bakit hindi ka na lang pumasok sa cubicle at umiiha na?! Ang dami pang sinasabi!

"Uhm hehe." Nakakainis! Hindi ko alam anong sasabihin ko. "We... we are good friends," ayan! Napapasabak ako sa pag-e-english!

"I see. May business ka bang pinapatakbo? Partners ba kayo?" pang-uusisa pa niya.

Anak ng!!

Waitress niya ako!

Pero naalala ko ang sinabi ni ma'am Rose sa akin kanina.

"I— uh not a business, este, I am not a businesswoman" parang tangang sagot ko.

Kumurap si ateng chismosa. "Oh, so you are an engineer or architect like her? A doctor perhaps?"

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon