Chapter 10

1.4K 73 2
                                    

Rose

Saan ba kasi nagpunta si Daisy?! Ilang minuto na akong nagmamaneho. I went to Faye's house, her bestfriend, but she said that Daisy did not go there. Wala rin siya sa Restaurant.

Wala na akong ibang idea kung saan siya pwedeng pumunta.

Mananagot talaga siya sa akin kapag may masamang nangyari sa kanya.

Habang nagda-drive ako ay tumunog ang phone ko. Tumatawag si yaya.

'Ma'am, nakauwi na po si Daisy.' I released a heavy sigh when I answered it. 'May kasam-'

Binaba ko na ang phone. Wala na akong oras para makinig kay yaya. Ang importante ay nakauwi na sya. At mananagot talaga sa'kin ang bata na yon!

Pinag-alala niya ako!

Nakabalik na ako ng mansyon. Bumaba na ako ng kotse pagkatapos kong mag-park sa carport at mabilis na naglakad sa pintuan.

Sinalubong ako ni yaya nang nasa living room na ako.

"Is Daisy in her room now?" tanong ko rito.

"Wala ma'am, nasa kusina po siya kasi po..."

"Diba sabi ko sayo na bantayan mo siya at sabihan mong sa kwarto lang dapat siya? Gusto mo bang mawalan ng trabaho?" inis na singhal ko sa kanya.

"Ma'am, s-sorry po talaga."

"Ate, wag mo siyang pagalitan. This is my fault. Kung ano man ang mga ginagawa ko ay ginusto ko yon. At walang kinalaman si yaya doon." Sumulpot si Daisy galing kitchen. Nakita kong suot niya ang apron at may hawak pa siyang sandok.

I creased my brow. "The doctor advised you to rest. Alam mo bang alalang-alala ako sayo kahapon kasi hinimatay ka na naman? At kanina, maaga akong umuwi galing sa trabaho para makita ang lagay mo tapos malalaman ko na lang kay yaya na umalis ka ng bahay?! Daisy, ano ba? Gusto mo bang magkaheart attack ako sa sobrang pag-aalala sayo? Alam mo naman na hindi joke yang kondisyon mo. Mais-stress lalo yang puso mo kapag hindi ka mag-iingat."

"Ate, I'm fine now. Nagpasyal lang naman ako sa park kasi bagot na bagot na ako." Kalmadong sabi niya at tinalikuran na niya ako. Bumalik na siya sa kusina.

"Hindi pa tayo tapos sa pag-uusap." Sinundan ko siya doon.

But I wasn't expecting kung sino ang nakaupo sa dining table.

Nakita kong nagulat din siya nang makita ako. "M-magandang gabi, ma'am Rose." Gail greeted. Nakita ko si Kyle at isang batang lalake na di ko kilala. But he has similar features from Gail.

"Anong ginagawa niyo dito?" I asked with a serious tone.

"I invited them. Nakita ko sila sa park kanina." sagot ni Daisy na naghahain ng niluto niya. I can't deny that it smells really good. Umupo na rin siya sa hapag kainan. "Kain na tayo, ate."

"Busog pa ako." sagot ko. Tumingin muna ako kay Gail na nakayuko lang bago ako umalis ng kitchen.

Nagpunta ako sa sala at umupo sa malambot na sofa. Pumikit ako.

Nakaidlip ako hanggang sa narinig ko ang mga pinggang nililigpit na.

Siguro tapos na silang kumain.

Pagdilat ko ay sakto namang nakita ko sila Gail at ang dalawang bata na papaalis na. Sumunod si Daisy sa kanila.

Papalabas na sana sila sa pintuan nang pigilan ko si Daisy. "Wag ka nang umalis. Ako na maghahatid sa kanila." sabi ko at tumayo na ako.

"Sure ka, ate? Mukhang pagod ka." Concern na pagkakasabi niya

"I'm okay. Now, go to your room and have some rest." I said.

Rich Woman's Baby (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon