Abigail
"Tibon!! Ano ba bilisan mo na jan malelate ka na!" Sigaw ko. Nakakainis talaga itong bata na 'to oh!
Pagkatapos namin kumain ng agahan na pandesal at scrambled egg na inutang ko pa sa tindahan nila aling Nene ay binigyan ko na ng baon si Tibon na 10 pesos.
"Bye, ate." sabi ni Tibon at lumabas na siya ng bahay.
"Mag-ingat ka sa paglalakad!" habol ko at niligpit ko na ang kinainan namin.
"Ate, gucho ko ng gatas." sabi ni Kyle.
"Kyle wala pang pera si ate e. Di bale, mamaya mangungutang tayo ng pera kay tiya Esang na pambili ng gatas mo ha?"
"Yuko kay tiya Esang! Pangit siya at mashungit! Baboy pa!"
"Kyle, masama yan. Di mo dapat pinagsasalitaan si tiya ng ganun kasi kapatid siya ni papa." suway ko rito. Sa katunayan, wala na kaming ibang mauutangan pa bukod sa kanya. Nilulunok ko na nga lang lahat ng masasakit na salita galing sa bunganga niya.
Bahala na. Basta ang mahalaga, may panggatas si Kyle.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni papa. Sumilip ako doon. Wala na siya sa kwarto niya. Maaga kasi siyang namamasada kaya di ko na siya naaabutan na umaalis ng bahay.
Naligo na ako at inayos ang sarili.
Pagkatapos kong magbihis ay binihisan ko na rin si Kyle pagkatapos niyang maligo.
Sinukbit ko na ang aking shoulder bag at lumabas na kami ni Kyle ng bahay.
Hawak ko siya sa kamay habang naglalakad na kami sa kalsada. Nasa kabilang kalye na kami at tanaw na namin ang bahay ng tiyahin namin nang nagsalita si Kyle.
"Ate yuko kina tiya Esang. Pinapalo niya ako e." Sabi ni Kyle.
"Kyle, walang magbabantay sayo sa bahay kaya dun ka muna sa kanila. Susunduin ka naman ng kuya Tibon mo pag-uwi niya galing school mamaya."
"Ate yuko nga.. Bad si tiya Esang.." at umiyak na nga si Kyle. "Ate sama na lang ako shayo."
"Kyle bawal ka dun kasi magtatrabaho ako. Mas masungit pa amo ko."
Tumapat na kami sa gate nila.
"Tao po! Tiya Esang!" tawag ko sa kanya. Tinahulan pa kami ng mga aso sa loob.
Ilang sandali ay may lumabas na matabang babae sa pintuan ng bahay nila. "Kayo na naman?! Hindi ako yaya para bantayan yang kapatid mo! Ang kulit-kulit niyan. Tumataas ang BP ko! At isa pa, sapat na yung kahapon na dumito yan. Aba e namimihasa rin kayo, ano?"
"Tiya, wala po kasing magbabantay kay Kyle habang nasa trabaho ako." pagmamakaawa ko.
"Aba problema ko ba yun?! At ito pa, bayaran niyo muna ang utang niyo bago kayo makakautang sa akin ulit!" Tinalikuran na niya kami at pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Pinagsaraduhan pa kami ng pinto.
Lumawak ang ngiti ni Kyle. "Ate sama na ako shayo."
Bumuntong hininga ako.
-
"Kyle, wag kang malikot ha." sabi ko. Pinaupo ko siya sa locker room. Buti na lang may mahabang upuan dito at aircon para di siya mainitan.
Tumango naman siya. Masunurin naman itong kapatid ko pero sana naman di siya mainip. Pinahiram ko na rin sa kanya ang cellphone ko.
Nagbihis na ako ng uniform.
Iniwan ko na si Kyle doon at nagsimula na akong magtrabaho.
Minsan naman ay sinisilip ko siya doon.
BINABASA MO ANG
Rich Woman's Baby (GirlxGirl)
RomansaSi Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay...